Chapter 57

284 13 0
                                    

ASHIYA'S POV.

"Y-you're kidding..." hindi makapaniwalang sabi ko at lumayo kay Cyline. Napairap naman siya.

"You don't want to believe me? Okay fine, sinabi ko lang naman ang sinabi ni Gail sa'kin. Sasabihin din naman nila 'yon sainyo, ininform lang kita." sabi nito.

"Why? What's wrong?" takang tanong ni Khiel sa'kin nang hindi ako umimik.

Aistella's adopted daughter is my lost daughter!? Kaya pala magkapareha kami ng mukha, marami rin ang nakapansin n'on.

"K-Khiel, pumunta tayo sa bahay nina Stella." sabi ko kaya napatingin siya sa'kin at kumunot ang noo.

"Bakit?" tanong nito.

"Basta! Pumunta na tayo d'on, may gusto lang akong malaman. Gusto ko ay si Stella mismo ang magsabi ng totoo." sabi ko.

"Okay, fine. Isasama ba natin si Skhy or iiwan muna natin siya dito?" sabi nito kaya napatingin ako kay Skhyler na kausap ang anak nina Akirra at Sy.

"Hindi na, dito nalang muna siya. Dadaanan nalang muna natin siya mamaya." sagot ko kaya napatango siya.

Nilapitan ko sina Mama at Papa atsaka niyakap sila.

"Mom, aalis muna kami ng asawa ko. May pupuntahan lang kaming importante, pwede po bang dito muna si Skhyler?" sabi ko kaya napatango naman agad si Mama.

"Ofcourse, Unique! But, is there something wrong? Ilang minuto pa lang kayong nandito, aalis agad kayo?" tanong ni Mama kaya ngumiti ako.

"May gusto lang po akong malaman, 'yong isang anak po kasi namin nawawala at ang taong pupuntahan namin ay siya lang ang makakapagsabi ng totoo." sabi ko kaya nanlaki ang mata ni Mama.

"Y-you have another child? And you lost her or him?" tanong nito kaya malungkot na ngumiti ako.

"Hindi ko din po malalaman kung hindi sinabi ng kaibigan ko sa'kin, 6 years po akong nawalan ng ala-ala at siguro kung hindi ko pa nakilala ulit ang asawa ko ay baka hindi nako naka-alala." sagot ko kaya niyakap naman ulit ako ni Mama.

"I'm so sorry, anak. Ang daming problemang dumaan sa buhay mo pero hindi ka manlang namin natulungan o nadamayan." malungkot na bulong nito.

"Okay na po 'yon. Ahm, pwede na po ba kaming umalis?" tanong ko kaya kumalas siya sa yakap at ngumiti.

"Oo, sana ay mahanap niyo na ang isa pa naming apo." sabi nito kaya napangiti din ako.

"Believe what I said, Shiya." ngising sabi ni Cyline kaya inirapan ko siya at hinarap si Khiel.

"Let's go, jutay. Puntahan natin ang bahay nina Stella at kailangan ko siyang tanungin kung totoong anak natin si Asia." sabi ko kaya nagulat siya.

"W-what? Who told you that our lost daughter is Asia? And is it true?"

"Si Cyline psh, hindi ko pa alam kung totoo kaya nga tayo pupunta kina Stella hindi ba?" sarkistong sagot ko kaya napabuntong hininga nalang siya at tumango.

"Okay fine, let's go." sabi nito.

"Aalis na po muna kami, paki-bantay nalang muna si Skhyler." sabi ko kaya napatango sina Mama.

"Saan kayo pupunta?" takang tanong ni Akirra.

"Mamaya ko na sasabihin! Aalis na kami." mataray na sabi ko at hinila na si Khiel palabas.

Dumiretso naman agad kami sa kotse niya at sumakay.

--

"Bahay nila 'to?" tanong ko kay Khiel nang makarating kami sa isang maganda at malaking bahay.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Where stories live. Discover now