Chapter 38

385 27 0
                                    

SHIYA'S POV.

"Ano pang ginagawa mo? Akala ko ba papasok ka?" taas kilay na tanong ko kay Cyline na tila naistatwa sa pwesto niya. Madilim ang tingin niya sakin pero nginisihan ko lang iyon.

"I forgot, may photo-shoot pala ako ngayon. Maybe, soon nalang ako dadalaw dito. Gotta go, babe--I mean Khiel and... Shiya." sabi nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong sinabi mo? 'babe'? baka gusto mong manghiram ng mukha sa aso, beh?" malditang tanong ko dito at nakita kong kinuyom niya ang kamao at binigyan ako ng plastik na ngiti.

"Sorry Shiya, I carried away. Anyway, bye... Lovers," pagkasabi niya non ay umirap siya atsaka padabog na lumabas ng bahay namin.

Umirap ako atsaka tiningnan si Khiel na tila na speechless sa nangyari. Psh.

"Love, I'm sorry at di ko siya naitulak agad. She kissed me," ani nito kaya umirap ako atsaka tumalikod.

"Hey, are you mad again?" tanong nito at hinawakan ako sa braso.

Ngumiti naman ako atsaka hinarap siya. Di niya inaasahan ang ngiti ko kaya naman ay nagulat siya.

"Yeah, galit ako, pero di saiyo. Galit ako dun sa first love mo psh. Akala ko ba at api-api siya noon ni Stella? 'Bat parang siya pa tong attitude sakanilang dalawa?" saad ko, umiling naman siya at hinawakan ako sa bewang.

"I don't know either, Shiya. Nawalan nako ng koneksyon sakanilang dalawa ni Sy at pamilya niya nung umalis sila papuntang America." sagot nito kaya umirap nanaman ako.

"Nagugutom ako." sabi ko bigla nang tumunog bigla ang tyan ko. I should be asshamed pero wala nakong pakealam, asawa ko naman 'tong harap ko kaya bat ako mahihiya diba? Obligasyon niya namang pakainin ako at anak namin psh.

"Restaurant tayo?" tanong nito at nagningning naman agad ang mata ko.

"Talaga?! Oy! First time nating pupunta sa restuarant!" sabi ko at natawa siya ng kunti. Ngayon ko lang napansin, may maliit na dimple pala siya sa right cheek niya.

"Yeah, nakapaligo kana diba? Just change your clothes." he said and looked at my body from head to toe.

"Huh? Pero maayos naman tong damit ko ah?" taka kong tanong. I mean, I'm just wearing a purple oversize and denim short! What's wrong with my outfit?

"Yeah, you're wearing a oversize shirt but you're also wearing a damn short, Shiya. I told you, ayokong may tumitingin sa pagmamay-ari ko, and you're mine so change, or baka naman gusto mong ako pa ang magbihis sa'yo?" taas kilay na sabi nito kaya napanguso ako.

"Ang ingay mo na! and I know how to dressed myself, mister. I don't need you to change me!" sabi ko kaya ngumisi siya.

"Oh, ayaw mo? I would gladly do that, love." pilyo nitong sabi kaya nginiwian ko siya atsaka binangga ang balikat niya.

"What the hell, baby! Becareful!" mura nito pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad pataas at dumiretso sa kwarto namin.

I just changed my denim short into a tattered jeans. Nag suot nadin ako ng white rubber shoes. Naglagay lang ako ng pulbo at liptint atsaka kinuha ang cellphone ko. It's still my old CP, di naman yun nasira nung umulan. Nawalan lang ng baterya.

Nilagay ko ang CP ko sa bulsa ng jeans ko atsaka lumabas ng kwarto. Bumaba nako at napailing ako nang wala na si Khiel sa salas. Siguro, nasa labas na.

Lumabas ako ng bahay namin at sinara ang pintuan. Napatingin ako kay Khiel na nasa loob na pala ng kotche niya. Umirap ako atsaka lumabas ng gate. Sinara ko narin ito atsaka pumasok sa passenger seat.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Where stories live. Discover now