Chapter 16

419 34 0
                                    

SHIYA'S POV.

"Saan mo pala ako dadalhin?" tanong ko kay Kyle habang nagmamaheno siya.

Napalingon ito sakin atsaka ngumiti. "San mo ba gusto?" tanong din nito kaya napaisip ako.

Saan ba pwede? Di naman pwede sa restaurant o fastfood kasi kakatapos ko lang din kumain, ayoko rin umuwi sa bahay namin ni Khiel kasi duh! Naiinis ako sakanya tsk.

"Ah! Pwede mo ba 'ko samahan sa bahay ng kaibigan ko?" tanong ko kaya napalingon uli siya.

"Sure, saan ba bahay nila?" tanong din nya pabalik kaya ngumiti ako.

"Drive kalang, ituturo ko nalang kung saan" sagot ko kaya tumango siya atsaka tumingin na sa daan.

--

Nakangiting bumaba ako sa kotse ni Kyle atsaka naglakad palapit sa gate ni Laine.

Pinindot ko ang doorbell atsaka nilingon si Kyle.

"Wala kabang lakad or what?" tanong ko kaya ngumisi siya.

"Actually, I have a blind date today but she didn't come tsk don't worry I don't like her" sagot niya kaya nagtaka ako.

"Huh? Eh kung ayaw mo pala bat ka pumunta at pumayag?" taka kong tanong.

"It's my mom's idea tsk di naman ako maka hindi dahil blinack-mail niya'ko" sagot niya kaya di ko maiwasang matawa.

Naalala ko tuloy nong blinack-mail ko si Khiel tsk. Kainis siya dun that time, eh kahit naman ngayon eh.

"Nakita mo ba yung mukha ng babae?" tanong ko ulit kay Kyle.

"Hmm yes, well she's pretty but not my type" sagot niya kaya napangisi ako.

"Bakit? Ano bang type mo?" tanong ko pa kaya nginisihan nyako.

"Ikaw" sagot niya na ikinagulat ko. Buti nalang at bumukas na yung gate, tsk tagal naman nitong buksan.

"Sino yan---- SHIYAAAAAANGGG!!" tinulak ko nang mahina si Laine nang yakapin niyako ng mahigpit.

Amp. Baka mapano ang baby ko, kawawa naman.

"Kamusta, Laine?" ngiting tanong ko kaya ngumisi siya.

"Okay naman! Ikaw? Kamusta ang pagiging wife mo?" tanong pabalik nito kaya napaismid ako.

"Basta wag mo nang tanungin, naiinis ako" sagot ko kaya tumawa siya at nang mapabaling sa likuran ay napataas ang kilay niya.

"Sino naman yan? OMG! Kabit mo?! Kaya ba naiinis ka kasi ayaw mo kay Khiel at may kabit ka?! Ashiya naman!" napa face palm nalang ako sa sinabi ni Laine.

"Tsk! Di ko siya kabit okay?! Pinsan yan ni Khiel atsaka nagpahatid lang ako tskkk! Kung anong pinagsasabi mo dyan!" sagot ko naman kaya nag peace sign siya.

"Hi I'm Kyle, you are?" pakilala naman ni Kyle atsaka lumapit kay Laine. Abah mukhang type pa niya ah?

"Hi! I'm Laine! Isa sa mga bestfriend ni Ashiyang!" pakilala naman ni Laine atsaka nakipag kamay dito.

"ANO BA?! BAT ANG INGAY NIYO DYAN?!" napa ngisi nalang ako nang marinig ang sigaw ni Clay, andito pala siya.

Nakita kong lumabas siya ng gate na naka black shirt at gray dolphin short.

Paglabas niya ay hindi sakin napunta ang atensyon niya kundi kay---- Kyle?????

"What the fuck?" mura ni Kyle na ikinapagtaka ko.

"Tangina! Bat mo kasama yan, Shiya?!" mura din ni Clay na mas lalong kinataka ko.

Huh? Magkakilala ba sila?

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя