Chapter 48

369 27 8
                                    

AKIRRA'S POV.

"Akirra!" napalingon ako sa sumigaw at ngumiti kay Beverly.

"Hi Bev, nasa'n si Mix?" tanong ko.

"Bat mo ba hinahanap 'yun? Eh ang pangit-pangit non?" sagot nito kaya natawa ako nang makita si Mix na masama ang timpla ng mukha sa likuran ni Bev.

"Anong pangit?" sarkistong tanong ni Mix kaya nanlaki ang mata ni Bev at napalingon kay Mix.

"A-ay! Nand'yan ka pala haha," awkward na sabi ni Bev kaya mas natawa ako.

"Yes, and anong pangit? 'Tong mukhang to? Pangit?" supladong tanong ni Mix kaya inirapan siya ni Bev.

"Edi wow," bulong ni Bev.

"Naku, palagi nalang kayong nag-aaway. Kapag kayo ang nagkatuluyan, tatawa talaga ako." tukso ko kaya nanlaki ang mata ni Bev at kunwari'y nasusuka.

"Yuck, Kira! Omygod!" sigaw ni Bev kaya natawa ako lalo.

"Maka-yuck ka ah? Don't worry, si Akirra ang type ko." inis na sabi naman ni Mix kaya natawa ako at pinalo siya sa braso.

"'Wag ka ngang ganyan, nasa'n si Ler-Ler?" tanong ko.

"Naglalaro sa loob ng bahay, kilala mo naman 'yun, ayaw maglaro kasama ang ibang bata." napailing si Mix.

"Suplado kasi ang kuya, mabuti nalang at hindi pangit 'yang si Ler." nagpaparinig na sabi ni Bev.

"Hindi ako suplado, at gwapo talaga si Ler kasi gwapo din ang kuya." ngising sabi ni Mix kaya napairap si Bev.

Naku, tong dalawang toh. Kahit kailan ay nag-aaway lagi. Kasama ko sila sa iisang bahay, hindi kami related pero parang kapatid na din ang turing ko sakanila. Pamilya ko na din ang mga nandito sa lugar namin, they treated me like their real-daughter and family.

"Anyway, punta tayong club mamaya, Akirra." aya ni Bev bigla.

"Huh? Bakit?" tanong ko.

"Sweldo ko ngayon don't worry, libre kita! Hanap tayo ng mga fafa dun HAHAHA!" tawa nito.

"No, hindi kayo pupuntang club. Kung gusto mo, Beverly ikaw nalang, 'wag mong isama si Akirra." inis namang angal ni Mix. Sinamaan siya ng tingin ni Bev.

"Ang epal mo lagi eh! Tatay kaba ni Akirra huh?! Bestfriend ka lang oy! 'Wag ka ngang umastang parang boyfriend niya!" inis na sagot ni Bev kaya napailing ako.

"Tumigil na nga kayo," sabi ko.

"Kainis kasi tong si Mix, akala mo naman boyfriend tss!" inis na bulong ni Bev.

Napabuntong hininga ako.

"Fine, sasama ako, Bev. Pero magpapasundo nalang ako kay Mix mamaya." sabi ko kaya umiwalas naman ang mukha ni Bev. Sumama naman ang timpla ng mukha ni Mix.

"Akirra--!"

"Okay lang Mix, don't worry iinom lang ako dun. Di naman ako lalandi." ngiting sabi ko. Napabuntong hininga siya.

"Fine, basta susunduin kita mamayang 9 pm." sabi nito.

"What?! Anong 9 pm?! Ano ba yan! 27 years old na si Akirra! Grr! Ano 'yan curfue ng 18 yrs old?!" di makapaniwalang tanong ni Bev.

"Wala kang pakialam." inis na sabi sakan'ya ni Mix.

"Pft, fine. Uuwi ako ng 9 pm, hintayin ka nalang namin ni Beverly." ngiti ko.

"Ikaw lang ang susunduin ko, Akirra. Kaya na niya ang sarili niya." Mix rolled his eyes.

"Ha! At ayoko ding sumama sa'yo pauwi noh! Baka tumalon pa'ko sa kotse mo!" inis na sigaw ni Bev sakan'ya.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Where stories live. Discover now