Kabanata 13

8.8K 189 2
                                    

Kabanata 13

"Baby Thea, hindi na ba talaga kita mapipigilan?"

Hindi niya mapigilang mapaikot ang kanyang mga mata dahil sa tanong ng kanyang ina. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na nitong inulit ang tanong na iyon simula noong ipaalam niya dito na pupunta siya sa Singapore para sa isang seminar.

"'My, sigurado na po ako. Isa pa, wala naman po akong choice kasi ako po yung pinili ng boss namin." Paliwanag niya dito.

Kasalukuyan silang nasa airport. Ngayong araw na ito kasi ang flight nila ni Jace papuntang Singapore. Kanina pa siya naghihintay. She's two hours early for their flight. Hindi naman sa excited siya. Ayaw niya kasing mastuck sa traffic kaya mas pinili niyang  pumunta ng maaga.

Bagot na bagot na siya sa kakahintay ng flight niya tapos dinadagdagan pa ng pagpuputak ng nanay niya. Hindi niya talaga maintindihan kung anong pinuputok ng butchi nito. Kung makapagreact kasi ito ay parang lalayasan na niya ang mga ito at hindi na siya kailanman babalik.

Nakita niya ang pagsimangot nito. "Kung sumama na lang kaya ako sa'yo?"

"What?!" sabay na bulalas nila ng kanyang kapatid na naglalaro sa Ipad nito.

"Mommy naman, kung makaasta ka para namang hindi na babalik si Ate." Napapalatak na sabi nito.

Nakita niyang napakagat ng labi ang kanyang ina. "Baka kasi..."

Hindi na niya ito natiis kaya tumayo na siya at hinawakan ito sa magkabilang balikat. "'My, alam kung ito ang first time na lalabas ako ng bansa na hindi kayo kasama. But please, wag mo 'kong pigilan. This is for the betterment of my so called career."

Napapadyak ito ng paa. Tsk. Her mother is acting like a child. Parang gusto niya itong batukan pero syempre, hindi niya gagawin iyon. Baka maudlot pa ang pag-alis niya ng bansa.

"'My, what's bothering you ba? It's not like ate will elope with a guy, you know." Bagot na sabat ng kapatid niya.

Pinandilatan niya ito. "Alex!"

Her sister just shrug and face her Ipad again.

Muli niyang hinarap ang kanyang ina. "What's your problem, My? Alam ko namang hindi ka takot na sumakay ako ng eroplano and I don't  know what's your reason  kung bakit parang ayaw mo akong umalis."

"Baka kasi..." Hinawakan nito ang dalawang kamay niya. "Baka kasi itanan ka ng Jace na iyon."

"WHAT?!" This time, napasigaw na talaga siya that caught other passengers' attention. "Mommy naman, what were you thinking? Bakit ako makikipagtanan sa Jace na iyon? Wala kaming relasyon. Besides, business trip ang pupuntahan namin doon."

She massaged her temple. God! She didn't expect na ganito pala ang iniisip ng nanay niya. Kaya pala sobrang bothered ng mukha nito. At sa lahat ng lalaki, si Jace pa! Ni hindi na sila nito nagpapansinan. Ewan niya ba sa lalaking iyon, kahapon niya pa napapansin na parang lutang ito at hindi makausap ng matino.

Ipinaliwanag niya sa kanyang ina ang tungkol sa kanilang dalawa ni Jace. Na katrabaho niya lang ito. Nothing more, nothing less. Pero syempre, hindi niya ibinahagi dito na hindi niya ito makasundo. Baka kasi paulanan sya nito ng tanong. Baka maungkat pa ang nangyaring gusto na niyang kalimutan.

Maya-maya pa ay natanaw na niya ang pigura ni Jace na papalapit sa kinaroroonan nila. She will not deny the fact that he looks gorgeous in his purple longsleeve polo  and a simple jeans with a pair of black shoes. Tapos ganoon pa rin ang ayos ng buhok nito- bedroom hair.

Under His Possession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon