Kabanata 12

9.1K 204 2
                                    

Kabanata 12

Ngingiti-ngiti sya  habang hawak ang nasaktang panga na bunga ng pagkakasapak sa kanya ni Nadine. She really never fail to amuse him. Hindi nya alam kung saan nito hinuhugot ang katarayan at  kamalditahan nito pagdating sa kanya pero medyo sanay na sya. Medyo sanay na sya sa pakikitungo nito sa kanya kahit na alam nyang sya ang may dahilan kung bakit ito nagsusungit sa kanya.

Hindi nya naman ito masisisi kasi sya naman talaga ang may pakana ng lahat. He smiled at the thought. He has his own reason why he did that but that's a secret that he's not ready to tell to anyone.

Mas lalong lumaki ang kanyang ngisi ng maalala ang  nangyari kanina.

Pagkalabas na pagkalabas nila ng opisina ay walang sali-salitang sinapak sya ni Nadine na syang dahilan upang mapasinghap ang iba pa nilang katrabaho. Napabaling ang kanyang mukha sa kanan dahil hindi nya inasahan ang ginawa nito. Ang akala niya ay babatukan lang sya o di kaya'y sasabunutan. But damn! This woman is unpredictable.

Nakita nya ang pagngiwi nito at ang paghawak nito sa kamay na syang ginamit nito sa pagsapak sa kanya. Alam nyang nasaktan din ito pero hindi nito inantala iyon. When he looked around, he could see their officemates, wide-eyed. Napailing sya. Marami talagang ipinanganak na tsismosa at tsismoso sa mundo.

"What the hell?" tanging sambit nya.

Pinandilatan sya nito. "Wag na wag mo 'kong ma 'what the hell' d'yan, ha. Akala ko ba gusto mong magkaayos tayo?" Nakapamaywang pa na sabi nito. "Imposible na yata yang sinasabi mo, Smith. I don't want to be friends with you. Ever!"

Napailing sya. She's acting like a child again.

Pinaningkitan sya nito ng mata dahilan upang umani ng bulung-bulungan sa lugar na iyon. Akmang susuntukin na naman sya nito sa mukha ngunit nabitin sa ere ang kamao nito ng bigla na lang bumukas ang pintuan ng opisina ng kanilang big boss.

"What's the commotion all about?"

Para namang mga nauupos na kandila ang mga nakiusyoso at dali-daling bumalik sa sarili nilang mga gawain. Nang dumapo ang tingin nito sa kanila ay nagkibit-balikat ito. "I forgot to tell you that your flight will be the day after tomorrow." Pagkatapos ng anunsyo nito ay bumalik na ulit ito sa opisina. Naiwang nakatulala si Nadine.

Under His Possession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon