Kabanata 15

9.1K 174 13
                                    

Kabanata 15

Nagising si Nadine na nag-iisa na lamang sa hotel suite nila ni Jace. Pupungas-pungas pa siyang tumayo mula sa kama at nag-inat. Pagkatapos ay inayos niya ang kanyang kinahihigaan. Napailing pa siya ng makitang hindi man lang iniligpit ni Jace ang pinaghigaan nito sa sahig.

Hindi sila magkatabi matulog. Natural naman yun. Ayaw niyang makatabi ito. Hindi naman tama iyon kaya napagkasunduan nilang salit-salitan na lang sila sa pagtulog sa kama. Iyon ang usapan pero hindi nito iyon tinupad. Hindi siya nito hinayaang matulog sa sahig.

Kahit paano naman ay napapangiti siya sa mga kiniklos nito nitong mga nakaraang araw. Talagang pinakita at pinaramdam nito sa kanya na gusto siya nito. Ewan ba niya, pero parang nakakaramdam pa siya ng kilig sa isiping iyon.

Jace is so caring. Iyon ang napatunayan niya. Nang sabihin nito sa kanya ang mga katagang hindi niya inaasahan, nasapak niya pa ito. Akala niya kasi ay nagbibiro lang ito o pinagtri-tripan lang siya. Ngunit ng makita niyang seryoso lang itong nakatingin sa kanya ay parang nanginig siya. Hindi niya alam kung para saan ang reaksyong iyon.

She didn't even managed to utter a single word dahil pakiramdam niya ay naputol ang dila niya. Dagdagan pa ng napakalakas na tibok ng puso niya. Maski siya ay hindi na niya naiintindihan ang sarili niya dahil sa mga pinapakita niyang reaksyon pagdating kay Jace.

She sighed. Pinagpatuloy na lang niya ang pagliligpit at pagkatapos ay pumasok na siya ng banyo upang mag-ayos.

Wala na silang seminar ngayon. Kahapon na iyon nagtapos at thankful naman sila dahil may na recruite silang tatlong inverstors para mag-invest sa company nila. Nang ibalita niya iyon kay Mrs. Montenegro ay labis-labis pa ang pasasalamat nito at hindi daw ito nagkamali sa pagpili sa kanila ni Jace.

Hindi rin naman niya mapigilang isipin kung may bonus ba sila. Parang gusto na niya kasing makahawak ng malaking pera na galing mismo sa sarili niyang dugo't pawis.

Paglabas niya sa banyo ay nabungaran niya si Jace na nakaupo sa paanan ng kama habang may kung anong kinukulikot sa cellphone nito. Marahil ay narinig nito ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng banyo dahil nag-angat ito ng tingin.

Nahigit niya ang kanyang hininga ng magtama ang kanilang mga mata at masuyo siya nitong nginitian. Ayon na naman ang tibok ng puso niya. Para siyang kinakabahan na ewan.

Under His Possession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon