Kabanata 32

6.6K 135 2
                                    

Kabanata 32

Nanghihinang naglalakad si Nadine patungo sa kanyang apartment. Pakiramdam niya ay may mga pakong pumupokpok sa kanyang puso.

Ayaw niyang iwanan si Jace sa ganoong estado ngunit sa tingin niya ay iyon ang makabubuti sa kanilang dalawa ngayon.

Dapat nitong pakawalan ang lahat ng mga hinanakit nito sa nakaraan upang maging mabuti na ang nararamdaman nito. Hindi iyong napupuno ng poot at galit ang puso nito.

Oo nga at sinabi nitong mahal siya nito ngunit hindi iyon sapat. Kapag nagmamahal, dapat matuto ring tanggapin ang lahat ng masasakit na pangyayari upang maibsan ang bigat na dinadamdam. Upang tuluyan nang magkaroon ang puso ng taong magmahal ng buo. Iyong walang pag-aalinlangan at takot na nararamdaman.

Hindi naman mawawala sa taong nagmamahal ang masaktan ngunit dapat iyong gamiting lakas upang maging matatag.

Mas lalo siyang napaiyak ng makita kung sinu-sino ang mga nakatayo sa harap ng kanyang apartment.

Dali-dali siyang tumakbo papunta doon at niyakap ang taong alam niyang higit na makakaintindi sa kanya.

"M-Mommy..." Aniya at umiyak sa mga balikat nito.

Napapikit siya ng haplusin nito ang kanyang likod at kinintalan ng halik ang kanyang ulo.

"Sige, anak iiyak mo lang 'yan. Nandito lang si Mommy." Masuyong saad nito.

Tahimik lang siya habang tumutulo ang kanyang mga luha at nakatingin sa kawalan.

Hindi niya alam kung bakit nandito ang kanyang buong pamilya pero masaya siya dahil nandito ang mga ito. Hindi niya mararamdamang mag-isa siya dahil alam niyang dadamayan siya ng mga ito.

Maya-maya pa ay bahagyang humiwalay sa kanya ang kanyang ina at pinunasan ang kanyang mga luha.

Suminghot siya at nilingon ang iba pang mga tao roon.

"'M-My, b-bakit po kayo nandito?"

Ang kanyang kapatid na mismo ang sumagot sa kanyang tanong.

"Anniversary nina Mommy at Daddy, ate. Hula ni lola na nakalimutan mo kaya kami na mismo ang pumunta dito."

Tumango lang siya at pinaglipat-lipat ang kanyang tingin sa kanyang mga magulang.

"P-Pasensiya na po, M-Mom, D-Dad kung nakalimutan ko." Aniya at kinagat ang ibabang labi.

Nahihiya siya sa mga ito. Taon-taon ay sabay-sabay nilang ipinagdidiwang abg anibersayo ng kasal ng kanyang mga magulang. Iyon kasi ay napakaimportanteng okasyon pero ngayon ay nagawa niya iyong nakalimutan dahil sa problema niya sa kanyang buhay pag-ibig.

Nilapitan siya ng kanyang ama at niyakap.

"It's okay, Thea. Kaya nga kami nandito para sabay nating i-celebrate iyon." Anito.

Nang kumalas ito ay hinalikan siy nito sa noo.

"May problema ka."

It was not a question. Halata namang alam na nito dahil umiiyak siya kanina at alam niyang namumula ang kanyang mga mata.

Huminga siya ng malalim at tumango.

Nakakaunawang tumango naman ang kanyang ama.

"If you're ready, don't hesitate to approach us." Anito.

Iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit niya mahal na mahal ang kanyang pamilya. Hindi kasi siya pinipilit ng mga ito na magsalita kapag hindi pa siya handa.

Under His Possession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon