Kabanata 22
Pakiramdam ni Nadine ay kasing-pula na ng kamatis ang kanyang mukha ngayon. Dagdagan pang tinutukso na siya ng kanilang mga katrabaho. Parang gusto na niya yatang lumubog na lang sa kanyang kinauupuan para makatakas sa mga nangyayari sa sandaling ito.
Mas lalo pang lumakas ang tilian at hiyawan ng mga kasamahan niya ng magsimula ng kumanta si Jace habang nakatutok ang atensyon sa kanya.
Some things we don't talk about
Rather do without
And just hold the smile
Napapikit na lamang siya ng marinig ang boses nito. Hindi naman kagandahan ang boses ni Jace ngunit nakapagbibigay pa rin ito ng kiliti sa kanyang sistema.
Falling in and out of love
Ashamed and proud of
Together all the while
Ito rin ang kantang pinatugtog nito noong panahong nag-ilusyon siyang sinasayaw siya nito sa loob ng kanyang opisina. Noong mga panahong hindi niya pa inaamin sa kanyang sarili ang kanyang tunay na nararamdaman para dito.
You can never say never
While we don't know when
But time and time again
Younger now than we were before
Ramdam niya ang samo't saring emosyong nais iparating ni Jace sa kanya sa pamamagitan ng kantang ito. Nag-uumapaw na yata ang kasiyahan sa kanyang puso dahil sa palagi nitong pagpaparamdam sa kanya na importante siya dito kahit inaasar o di kaya'y pinag-tr-tripan siya nito minsan.
Don't let me go
Don't let me go
Don't let me go
Gusto na yatang magparty-party ng puso niya dahil sa narinig. Kakaiba kasi ang dala ng mga salitang iyon habang kinakanta ni Jace. Pakiramdam niya, hawak na niya talaga ang puso ng binata. Na tuluyan na niyang nabihag ito at mahirap nang maiwasan pa ang pagkahulog nito sa kanya.
Don't let me go
Don't let me go
Don't let me go
BINABASA MO ANG
Under His Possession [Completed]
FantasyAno nga ba ang nasa likod ng iyong pagkatao? Makakaya mo bang tanggapin na ang taong natutunan mo ng mahalin ay sya pa lang nasa likod ng mga nangyayari sa iyo?