Kabanata 26

5.9K 149 4
                                    

Kabanata 26



"Who's that guy?"


Napatigil siya sa pagsubo ng kanyang pagkain ng tinanong iyon ni Jace. Madilim ang mukha nito na kahit anong sandali yata ay bigla na lang itong mambubugbog ng walang kamuwang-muwang na tao.



"Si Kuya Church nga. Schoolmate namin nina Rhian at Indira dati."


Napatango ito ngunit tila hindi pa rin ito kumbinsido dahil sa sunod nitong tanong.



"You sure that you're only friends back then?"


Napabuntong hininga siya at napailing. "I can't believe you're acting this way. Sabi ko nga sa'yo di ba, we're just friends."



Inilapit pa nito ang mukha sa kanya. "Are you sure?"



"Oo nga."


Napaiwas siya ng tingin. Alam niya naman kasing nagsisinungaling siya. Pero syempre, ayaw niyang sabihin kay Jace na first love niya si Church. Baka kasi masira pa ang araw nila. Special pa naman dahil monthsary nila.



Hindi niya alam kung seloso ba si Jace pero sa pinapakita nito sa kanya ngayon, malamang nagseselos ito.



"Talaga lang, ah."


Napakunot ang kanyang noo sa sinabi nito. May alam kaya ito?


"Ano bang problema mo? Kanina ka pa Jace, ah. Hindi ka na nakakatuwa." Mataray na saway niya dito.



Painosente naman siya nitong tinignan. "Wala akong ginagawa, ah. I'm just asking you about that guy."


Kumulo na ang kanyang dugo at hindi na niya napigilan ang kanyang sariling bulyawan ito. "Oo na! Si Kuya Church na ang first love ko. Oh, ano masaya ka na?"


Laglag ang panga nito habang nakatingin sa kanya. Ngunit agad din niyang nakita ang pagtiim ng bagang nito at nakita niya rin ang pagkuyom ng mga kamay nitong nakapatong sa mesa na kanilang kinakainan.


Napalunok siya. Kinakabahan siya sa ipinapakitang reaksyon ni Jace. Baka kasi kung anong gawin nito. Hindi naman nito sinabi na nagseselos ito pero parang sigurado na yata siya sa kanyang hinuha.


"W-What did you just said?" Tanong nito. May diin ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito.


Tila nanuyo ang kanyang lalamunan sa klase ng boses nito. Para kasi iyong lumalim at nakakatakot pakinggan. Bahagya niya pang naiatras ang kanyang upuan dahil sa gulat.

Under His Possession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon