Kabanata 25

6.3K 153 3
                                    

Kabanata 25



"Saan ka ba kasi galing?"



Napanguso siya ng halikan lang ni Jace ang kanyang pisngi imbes na sagutin ang kanyang katanungan. Kanina niya pa ito kinukulit ngunit ngiti lang o di kaya'y halik ang ibinibigay nito sa kanya.



Higit isang linggo din silang hindi nagkita nito kaya't ganun na lamang ang kanyang determinasyong malaman kung saan ito at nagpunta at kung bakit hindi man lang ito nagparamdam sa kanya sa loob ng higit isang linggong iyon.



"Jace naman, eh..."



Hinaplos nito ang kanyang buhok. Kasalukuyan silang nasa sala ng kanyang apartment habang nanonood ng isang movie. Nakasandal ang kanyang ulo sa dibdib nito habang ang isang kamay naman nito ay nakayakap sa kanyang baywang.



"I'll tell you later, baby. For now, let's just finish this movie."



Napabuntong hininga siya. Pagbibigyan nya na lang ito dahil baka humuhugot pa ito ng mga sasabihin nito sa kanya. Sana lang ay hindi ito magsinungaling. Sana lang ay pawang katotohanan lamang ang sasabihin nito sa kanya.



"Naninibago ako."



"Hmmm?"



"Ang sabi ko, naninibago ako."



Inangat nito ang kanyang ulo at nakakunot noo siyang tinignan. "What do you mean by that?"



Nahihiyang napayuko siya.



"Eh kasi tinatawag mo na akong baby ngayon."



Narinig niya ang paghalakhak nito na siyang naging dahilan upang balutin siya ng kahihiyan. Nag-iinit na rin ang kanyang pisngi dahil sa reaksyon nito. Totoo naman kasing naninibago siya sa tawag nito sa kanya. Hindi siya sanay na tinatawag nito ng ganun. Pwera na lang sa kanyang ina na hanggang ngayon ay 'baby' pa rin ang tawag sa kanilang magkapatid hanggang ngayon.



"Ayaw mo bang tinatawag kitang 'baby'?" Tudyo pa nito sa kanya.


Iniangat nito ang kanyang baba at pinagmasdan siya nito habang nakapaskil ang ngisi sa labi nito. Napaiwas siya ng tingin. Damn! How can she resist this man? He's just so adorable. Mula sa matangos nitong ilong, mapula nitong labi, ang mga mata nitong kung makatitig ay parang tagos hanggang sa kaluluwa niya.

Under His Possession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon