Kabanata 33

6.6K 139 1
                                    

Kabanata 33

"Ilang araw ka na bang absent?"

Napakamot siya ng ulo ng marinig ang tanong na iyon ni Indira. Nang tingnan niya ito mula sa screen ng kanyang Ipad ay matalim ang tingin nito sa kanya.

"S-Sampung araw na yata."

"Aba, magaling! Anong nangyari dun sa sinasabi mong 'pag may sipag, maraming pera? Paano dadami ang pera mo kung ang tagal mo na palang absent?" Sermon naman sa kanya ni Rhian na matalim din ang tingin sa kanya mula sa screen ng kanyang cellphone.

Nag-uusap silang tatlo ngayon tungkol sa kanyang problema.

Sinabi niya na rin sa mga ito ang lahat-lahat. Wala na rin naman siyang dapat itago.

Hindi naman siya mapupuntahan ng mga ito sa probinsiya nila kaya napili na lamang niyang makipag-skype kay Indira at Facetime naman kay Rhian.

Tatlong araw na rin siya sa kanilang bahay simula nang sumama siya sa kanyang pamilya matapos nang anniversary ng kanyang mga magulang.

Suhestiyon lang naman ng kanyang ama na umuwi na muna siya ngunit pinaunlakan niya iyon.

Tama nga sigurong malayo muna siya sa syudad para kahit paano ay makahinga mula sa lahat ng kanyang pinoproblema.

"Eh, kasi, wala namang aplikante dahil walang hiring tsaka pumayag naman yung boss ko. Siguro nakasense siya na malaki ang problema ko." Nakanguso niyang paliwanag sa mga ito.

Nakita niya ang pagtaas ng kilay ni Indira at ang pag-iling-iling ni Rhian.

"Oh, bakit ganyan ang hitsura ninyo? Nagsasabi naman ako ng totoo, ah."

"Hanggang kailan ka tatakbo, Din? Hanggang kailan ka iiwas sa problema mo?"

Napalunok siya dahil sa tanong na iyon ni Rhian.

Hanggang kailan nga kaya?

"Pati ba naman ikaw, Yan, may sense na ring kausap?" Biro niya ngunit ni wala namang natawa sa mga ito.

Napailing na lamang siya.

"H-Hindi ko naman tinatakbuhan ang problema ko. Kailangan ko lang ng oras para mag-isip." Aniya habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.

Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Indira dahilan upang mapatingin siya sa gawi nito.

"Pero hanggang kailan, Din? Hanggang kailan ka mag-iisip? Sana isipin mo rin na hindi lang naman ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon. Si Jace din. Masasabi nating sobrang weird ng naging buhay ni Jace pero wala naman 'yung pinagkaiba sa kay Janus. Alam mo Din, malaki ang kanyang sakripisyo sa kagustuhang makasama ka kahit na alam niyang hindi mo siya mahal, pinanghawakan niya pa rin ang napakaliit na tsansa. Naniwala siyang mapapibig ka niya kahit ilang beses pa siyang magpalipat-lipat ng katauhan sa paglipas ng panahon. Ganoon ka niya kamahal." Litanya nito.

Nakagat niya ang kanyang labi dahil sa mga luhang nagbabadyang tutulo.

"I hate you, Indie."

"Ngayon sasabihin mo 'yan kasi may punto ako." Mahinahong saad nito.

Tuluyan na siyang napaiyak. Tama ito sa kahit saang anggulo. Hindi biro ang lahat ng pinagdaanan ni Jace para makamit lang ang pag-ibig na matagal na nitong inaasam-asam.

"P-Pero kasi, magkaiba naman kami ni Cassiopeia. Sabihin na nating ako nga siya noong unang panahon pero iba na ako ngayon. H-Hinalikan niya pa nga ako dati dahil kamukha ko daw ang babaeng 'yun. N-Natatakot akong baka sinasabi niya lang na mahal niya ako dahil ako si Cassiopeia." Napahikbi na siya.

Under His Possession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon