Prologue

45.8K 714 13
                                    

Prologue

"Akin ka lang! Walang ibang pwedeng magmay-ari sayo!" galit na sigaw nito habang hinahabol sya nito.

Binundol ng kaba ang kanyang dibdib. Natatakot sya dito. Ramdam nya ang panganib na maaaring idulot nito sa kanya sa oras na maabutan sya nito.

Kahit hinihingal at sobrang pagod na sya ay hindi pa rin sya tumigil sa pagtakbo. Kailangan nyang makatakas dito.

"Wag mo na akong takbuhan. Hindi ka na rin naman makakatakas sa akin. Wala akong pagmamay-ari na nakalusot mula sa aking mga kamay." anito na binuntunan pa ng isang kakila-kilabot na tawa.

Pinagpapawisan na sya ng malamig. Nanginginig ang kanyang kalamnan dahil sa sinabi nito. Ayaw nyang mapasakamay nito. Hindi sya nito pag-aari! Walang pwedeng magmay-ari sa kanya maliban sa lalaking kanyang minamahal.

Muli nyang itinuon ang kanyang pansin sa kanyang dinadaanan. Ngunit bigla na lang syang natapilok dahil sa isang sanga ng punong kahoy na nakaharang. Napasigaw sya sa sakit.

Lalo syang napaiyak ng marinig ang malademonyong tawa nito habang papalapit sa kanya. Hindi na nya nagawa pang makatakas ng hapitin sya nito sa baywang at siliin ng halik sa labi! Hindi na sya nakakilos dahil sa higpit ng yakap nito sa kanya. Hindi nya magawang tumutol dahil tila naging bihag sya nito. Wala na syang nagawa pa nang matanggal nito ang kanyang saplot at inangkin sya.

Humahangos na napabangon sya sa kanyang kama. Nanaginip na naman sya. Parehong panaginip nitong nakalipas na mga taon. Hindi nya maintindhan kung bakit mukha nya ang nakikita sa babaeng nasa kanyang panaginip. Ilang beses na nyang napaginipan ang tagpong iyon. Na ang babaeng kanyang kamukha ay tumatakbo habang hinahabol ng lalaking hindi nya mamukhaan.

Ang mga ito ay nakasuot pa ng damit na hula nya ay ginagamit noong sinaunang panahon pa. Pati na rin ang paligid ay puro kahoy lang. Malamang isa iyong kagubatan. Pero, paano naman nangyaring napunta sya dun? Bakit sa kahit gising na sya ay hindi maalis sa kanyang dibdib ang sobrang kaba?

Sa nanginginig na kamay ay inabot nya ang isang baso ng tubig sa kanyang bedside table. Nang tumingin sya sa orasan ay alas tres na ng madaling-araw. Sa ganitong oras din sya nagigising kapag napapanigipan nya iyon.

Napayakap na lamang sya sa kanyang sarili. Naguguluhan sya. Sino ba ang babaeng iyon? At sino ang lalaking humahabol dito? May koneksyon kaya ang mga ito sa kanya?

~~

Hello! *kaway kaway* Ito po ay kwento ni Nadine na kaibigan ni Indira. ^_^ Kung gusto nyo po syang makilala, basahin nyo po ang isang story ko. 'Ang Manliligaw Kong Engkanto' po yung title. Sana suportahan nyo rin po ito. Sisimulan ko po ito kapag natapos na ang AMKE kasi iba po ang timeline nito.

Love lots,

Nami

Under His Possession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon