Kabanata 1

35.9K 518 11
                                    

Kabanata 1

Pikit-mata nyang hinilot ang kanyang sentido dahil sumakit na naman iyon. Napuyat na naman kasi sya dahil sa kanyang napapanaginipan halos gabi-gabi. Hindi nya alam kung paanong nagsimula iyon. Wala naman syang naaalalang nag-isip sya ng mga ganung tagpo.

Nabaling ang kanyang atensyon sa pintuan ng may kumatok doon. "Pasok." malumanay na sabi nya.

Bahagyang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang kanyang katrabahong si Jaica na ngayon ay nakangiti sa kanya. 

"Anong maipaglilingkod ko, binibini?" pabiro pa nyang tanong habang sumandal sa kanyang swivel chair.

"Ah sus, kahit pagod nagagawa pa ring magbiro." naiiling na sabi pa nito. "Ito yung mga pangalan ng mga empleyadong may reklamo sa kanilang naging sweldo. Pakicheck na lang daw ng mga absences nila."

Napaungol sya dahil sa inis. "Ano na naman ba 'to? Ilang beses ko na itong ni-review ah. Paulit-ulit ang reklamo. Bakit ba kasi hindi na lang nila tanggapin na may mga late sila o di kaya'y absences?" 

Inilagay nito ang mga papel sa kanyang mesa. "Ganyan talaga ang trabaho ng mga taga HR, Nadine. Choice mo na dito magtrabaho kaya magtiis ka." natatawa pang sabi nito. Umirap lang sya dito. "Oh sya, alis na ako." anito at nagtuluy-tuloy na sa may pintuan.

Naiwan syang nakatulala sa bago na naman nyang tratrabahuin sa araw na ito. Parang gusto nya nang magsisi kung bakit mas pinili nyang magtrabaho sa advertising company na iyon kaysa sa magturo sa unibersidad na pinapasukan ni Indira. Inalok kasi sya nito noon dahil kulang ang Psych Profesors doon kaso tumanggi sya dahil ayaw nyang magturo. Para pa rin kasi syang babalik sa pag-aaral. Isa pa, hindi nya iyon passion. Kaya naman, nang matanggap sya dito sa kasalukuyan nyang pinagtratrabahuan ay nakahinga sya ng maluwag dahil kaya nya naman ang trabaho. Oo nga't kaya nya ngunit hindi nya naman inaasahang magiging ganito sya ka abala halos araw-araw. 

Kinuha nya ang mga papel na hinatid kanina ni Jaica at sinuri ang mga iyon. Agad naman nyang binuksan ang kanyang computer at tinignan ang time in at time out ng mga empleyadong nagreklamo. Napakunot ang kanyang noo ng makitang may kaunti nga syang mali. May ibang namarkahan ng absent imbes na late.

Under His Possession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon