Kabanata 19

6.5K 151 3
                                    

Kabanata 19

"Pinatay mo siya!" galit na galit na sigaw ng babaeng kanyang nakikita.

Punung-puno ng pagkasuklam ang mga mata nito habang walang tigil na umaagos ang mga luha sa mga mata nito. Patuloy lang nitong pinaghahampas ang dibdib ng lalaking kaharap nito ngunit hindi kumikibo ang lalaki. Nanatili lang itong nakatayo doon na parang tuod habang pinagmamasdan ang babaeng naghihinagpis sa harapan nito.

"Hindi ko intensiyon ang gawin iyon," mahinang saad ng lalaki.

"Hindi intensiyon?" napasinghap ang babae. "Ilang beses akong nagmakaawa sa'yo na wag mo siyang sasaktan ngunit hindi ka nakinig!" patuloy lang ito sa pagbayo sa dibdib ng lalaki. "Pero hindi ka nakinig. Pinatay mo pa rin siya," humihikbing dagdag nito bago mapaupo sa lupa. Tila hindi na nito nakayanan ang panghihina ng mga tuhod nito dahil sa sakit na dinadamdam nito.

"Kung sana nakinig siya sa akin noon pa lang," panimula ng lalaki habang nakatunghay sa babaeng ngayon ay lugmok na sa lupa. "Kung sana nilubayan ka na niya, hindi na sana hahantong sa kanyang kamatayan ang lahat!" nag-aalab ang mga mata nito sa galit.

Hindi nakahuma kaagad ang babae. Hindi niya inaasahan ang sasabihin ng lalaking ito. Galit niya ng sinalubong ang tingin nito. "Kung hindi mo ginulo ang mapayapa naming pamumuhay, hindi mangyayari ang lahat ng ito!" nanggagalaiting sigaw niya dito. "Hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito!"

Umangat lamang ang gilid ng labi nito. "Akin ka lang. Sa ayaw at sa gusto mo, magiging bahagi ako ng iyong buhay," kaswal na sabi nito. "Makakalimutan mo rin ang lahat ng iyong pinagdadaanan ngayon."

Humahangos na napabangon siya sa kanyang hinihigaan. Ayon na naman ang kanyang panaginip na nagpapagulo sa kanyang isipan.

"Hey."

Nilingon niya ang tumawag sa kanya at nagtatakang inilibot niya ang kanyang paligid ng mapagtantong si Jace iyon. 

"N-Nasaan ako?"

"You're in the hospital," anito at iniabot sa kanya ang isang basong tubig.

Under His Possession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon