Kabanata 2

19.3K 457 9
                                    

Kabanata 2

Seryoso ang kanyang mukha habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak-hawak nya. Sa totoo lang, gusto na nyang sabunutan ang pang-apat na  aplikanteng nasa kanyang harapan. Kanina pa nya kasi ito tinatanong pero hindi pa nito sinasagot.

Alam naman nyang kabado ito dahil ayon na rin dito ay ito ang unang beses na sasalang ito sa job interview. Alam nya kung gaano kakaba iyon dahil sya mismo ay naranasan na iyon. Pero hindi naman yata tamang paghihintayin sya ng siyam-siyam dahil nasasayang ang oras nya lalo pa't marami pa syang kailangang tapusing trabaho.

Napahilot na lamang sya sa kanyang sentido. "Are you going to answer my question Miss Cruz or you're just going to stare at me the whole time?" nakataas pa ang isang kilay na sabi nya.

Nang hindi pa rin ito kumibo ay hindi na nya napigilan ang kanyang sarili. "I think you're not capable this time. Just come back here if you're ready for a job interview."


Marahan itong tumango at pumunta sa may pinto. Akmang pipihitin na nito ang pinto nang muli nya itong tinawag. Lumingon ito sa kanya. "Gain confidence, Miss," aniya. "Trust me, it will help a lot."


Nginitian sya nito bago tuluyag lumabas sa silid habang sya ay naiwang napailing-iling. She can't blame the woman. Alam nyang maraming tao ang walang self-confidence. Mahirap naman kasi iyong makuha ng isang tao. Ngunit, wala namang mangyayari kapag inuuna ang hiya. Kagaya nya, aaminin nyang wala syang hiya dahil natutunan nyang ipagmalaki ang sarili.


Sabihan mang syang conceited pero iyon sya. Dapat natututunan ng isang taong maging matatag sa harap ng kahit na sinong tao dahil doon magmumula ang kompyansa sa sarili.


Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair at lumabas ng silid. Inilibot nya ang kanyang paningin sa waiting area ng mga aplikante at napagtanto nang wala nang nakaupo doon. Sa pagkakatanda nya, lima ang naghihintay pero nasaan na ang isa?


Papasok na sana sya ng bigla syang tawagin ni Jaica. "Miss Nadine," anito.

Nilingon nya ito. "Bakit?"

"May isa pa pong aplikante. Nagpunta lang po sa restroom sandali. Hintayin mo na lang po." malapad ang ngiting sabi nito.


Napataas ang kanyang isang kilay. "Aba't may spokesperson pala 'yun. Sosyal!" aniya. "At bakit ganyan makangiti? Gwapo ang aplikante, ano?" hula nya pa.


Kinikilig pa na tumango ito. Napaikot na lamang sya ng mata. Sinasabi na nga ba nya. Alam na alam na kapag may gwapo.


Aminin ganyan ka rin. pang-aasar pa ng isang bahagi ng isip nya.


Pinalis nya iyon at muling pumasok sa kanyang opisina. Hihintayin na lang nya ito doon.


Habang naghihintay ay panaka-naka nyang binabasa ang isang report na pinarereview sa kanya. Naka-maternity leave kasi ang consultant at sya ang napili ng kanilang boss na magreview ng reports.


Gusto nyang umangal ngunit wala naman syang choice dahil ang nakakataas mismo ang nagsabi. Minsan nga naiisipan nyang magresign dahil sa dami ng kanyang trabaho aa opisina pero sa huli, hindi nya magawa. Sa halos dalawang taon nya sa trabahong ito, medyo nasanay na rin naman sya kahit nakakapagod. Isa pa, napamahal na rin sya sa kanyang mga katrabaho.

Nang may kumatok ay itinigil na nya ang ginagawa at sumandal sa kanyang swivel chair. "Come in," aniya habang muling hinilot ang kanyang sentido ng muli iyong kumirot.


Pagbukas ng pinto ay napalingon sya doon. At muntikan na syang nahulog sa kanyang kinauupuan kung hindi sya nakahawak sa kanyang mesa.


Shit! Ang Diyos ba ng kagwapohan na si Adonis ang kaharap nya? Grabe, hindi nya akalaing ang gwapo pala talaga ng aplikanteng ito. May abuhin itong mga mata na kung makatingin sa kanya ay paramg tumatagos sa kanyang kaluluwa. Hindi nya maiwasang kilabutan. Gusto nyang magsalita ngunit parang naumid ang kanyang dila.


Ang buhok nito ay medyo magulo. Type yata ni kuya ang bedroom hair. naisaloob nya pa.


Nang dumako ang kanyang tingin sa mga labi nito ay nahigit nya ang kanyang hininga. His lips is red and by the looks of it, it is soft. Parang gusto nyang tumili nang mga sandaling iyon lalo na ng mapasadahan ng tingin ang buong mukha nito. Makinis ang pisngi nito at mamula-mula pa.


Narinig nya ang pagtikhim nito na syang dahilan ng pagbalik nya sa kasalukuyan. Kinapa nya muna anv kanyang baba para malaman kung may laway bang tumulo doon at laking pasasalamat nyang wala. Nakakahiya pag nagkataon.


Nakita nya ang pag-angat ng gilid ng labi nito. Napaiwas sya  ng tingin dahil uminit ang kanyang pisngi. Lihim pa nyang pinagalitan ang kanyang sarili.


Tumikhim sya at pinapormal ang mukha. "You may take your sit." aniya at itinuro ang silya sa kanyang harap.



Naglakad ito papunta doon. Hindi nya alam kubg bakit pero bigla na lang syang kinabahan. Ang lakas ng tibok  ng kanyang puso habang ang lalaki ay pa cool lang. Parang sya pa ang iinterviewhin ngayon.


Inabot nito sa kanya ang resume nito at lihim syang napamura ng makita ang pangalan nito.

Jace Timothy Smith.

Mapapasubo sya sa english-an nito at baka dudugo pa ilong nya.


Sa nanginginig na kamay ay sinuri nya ang basic informations tungkol dito. He's 26 years old. 5'9 ng height nito. Nahiya naman ang height nyang 5'5 dito.


Nang matapos ay binalingan nya ito at natagpuan nyang titig na titig ito sa kanya. Pilit nyang kinakalma ang kanyang sarili She should not lost her composure right now.


"S-So, Mr. Smith you're applying as a consultant," panimula nya.


"Yes, ma'am." kaswal na sabi nito.


Parang gusto nyang pumikit at ipaulit ang sinabi nito. His voice was so manly. Hindi nya maipaliwanag iyon  ngunit nanunuot sa kanyang sistema ang boses nito.

Lumunok sya bago muling nagsalita. "Why do you think you're capable in this job?" aniya.


Nagkibit balikat ito. "Well, I know you already read it in my resume that I graduated as Cum Laude at Maxwell University and besides, I had an experience for this job because I worked for an advertising company in New York and I have a good record." sabi pa nito.


Shit! English. she wanted to react but refused to do so.


Napatango-tango sya. "Why did you leave your job in New York? I mean, New York is everyone's dream and then you gave it up."

"Personal matters. I have to chase my dream before it's too late." anito habang mataman syang tinitigan.

Kinikilabutan sya sa klase ng tingin nito sa kanya. Para kasing sya ang tinutukoy nito pero feeling nya lang iyon. Imposible naman kasi ang sinasabi nito dahil ngayon lang nya ito nakita.


Matapos ang ilang mga tanong ay idinismiss na nya ito. Nasagutan naman kasi nito ang kanyang mga tanong ng walang kahirap-hirap na  tila ba pangalan lang nito ang kanyang tinatanong.


"Thank you, Mr. Smith. We will just call you if we already have our decision." aniya at nakipagkamay dito. Pero para syang nakuryente kaya bibitaw na san sya ng higpitan nito ang pagkakahawak ng kanyang kamay. "I'll wait, Miss Gonzales." anito bago umalis.



Nang makalabas ito ay doon na nya pinakawalan ang kanyang malalim na hiningang kanina pa nya pinipigilan.

She can't understand kung bakit ganun na lang ang epekto nito sa kanya. She can't explain it.


Anong nangyayari sa kanya?

~~
Pardon the errors. I'm using wattpad mobile. Please vote and leave a comment. ツ

Love lots,
Nami

Under His Possession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon