Kabanata 16

7.8K 189 9
                                    

Kabanata 16

Nagmamadali siya sa paglalakad dahil malapit nang kumagat ang dilim. Delikado pa naman sa kanilang lugar ngayon dahil may kumakalat daw na isang nakakatakot na nilalang na ang kadalasang inaatake ay ang mga dalagitang ka edad niya.

Habang nagmamadali ay hindi niya napansin ang pagkahulog ng kanyang panyo. Na agad din namang nakita ng isang binatang naglalakad lang din kasunod niya.

Dali-dali itong kinuha ng binata at hinabol siya.

"Binibini!"

Napatigil siya ng may humawak sa kanyang kanang balikat. Agad siyang lumayo dito dahil hindi siya komportable sa titig na ibinibigay nito sa kanya. Agad niyang kinuha ang panyo at nagpasalamat dito. Pagkatapos ay dali-dali na siyang tumalikod upang maglakad na sana ulit ngunit nagulat na lamang siya ng makita na niya sa kanyang harapan ang lalaking nagmagandang-loob na isauli ang kanyang gamit.

"B-Bakit?" nahihintakutang tanong niya.

Umiling ito at pagkatapos ay inilahad sa kanya ang kanang kamay nito. "Gusto ko sanang makipagkaibigan sa'yo," nakangiting sabi nito habang nakatitig sa kanyang mukha.

Napalunok siya. Kahit hindi siya sigurado kung tama ang kanyang gagawin ay inabot niya ang kamay nito. Nagulat pa siya ng yumukod ito at hinalikan ang kanyang kamay.

"Napakaganda mo," puri nito sa kanya.

Pakiramdam niya ay nag-iinit ang kanyang pisngi. Nahihiya siya sa sinabi nito.

"Ano ang iyong pangalan?"

Napalunok siya dahil bigla siyang kinabahan. Maya-maya pa ay namalayan na lang niya ang sariling sinabi dito ang kanyang pangalan.

NAPAMULAT si Nadine nang wala sa oras dahil dinalaw na naman siya ng kakaibang panaginip. Ilang araw din nitong pinatahimik ang kanyang sistema. Ang akala niya ay tuluyan na siyang lulubayan ng mga napapanaginipan niya ngunit nagkamali siya dahil ngayon ay nagbabalik na naman ito.

Under His Possession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon