Part 15: Partners

61 4 0
                                    

Kanina pa ako palinga-linga dito sa loob ng classroom ngunit hindi ko man lang mahagilap si Nerdo. Bakit kaya siya absent? Hindi naman yun umaabsent. Pero sabagay gaya nga ng nalaman ko kamakailan ay anak siya ng may-ari ng school na ito so pwede siyang umabsent kahit abutan pa yan ng isang taon o mga ilang taon. Mayaman pala yung lalaking yun ngunit hindi man lang marunong mag-ayos sa sarili, mas pinili pang maging dugyot kesa maging popular sa mismong skwelahan na pagmamay-ari nya.

" So for the activity that you need to perform, I want you to do it by pair. Since I already assigned your names here, you can go to your partner and do a brainstorming about the activity that you need to present this Friday. " The professor said.

Wala akong gana makinig sa prof namin, at hindi ako interesado sa pinapagawa nyang activity-activity na yan. Mas gusto ko pang mag-shopping sa mall kasama ang mga pera ko kesa makinig sa boring na klase.

" Apple and John, Emily and Anna, Riza and Rico. " Tawag sa mga pangalan ni Prof.

Napatingin nalang ako sa bintana at pinag-mamasdan ang mga studyanteng nag-lalakad sa hallway. Nangangati na itong paa kong lumabas.

" Queen and Alexson. " Huling banggit ng pangalan ni Prof.


At kung minamalas nga naman, magkasama pa talaga kami sa gagawing project. Ehh bahala na, matalino naman yun so, kere na nyang gumawa yun mag-isa ng hindi ako kasama. Nakakainis lang dahil bakit lagi akong sinusundan ng tadhana ni Nerdo.

Pagkatapos ng klase ay pumunta ako sa cr at nag-lagay ng kaunting make-up. Medyo na hagard ang face ko sa ka boringan ng klase ko ngayon. Napa-silip ako sa isang cr kung saan ang cr din ni Nerdo, walang tao.


"Bakit kaya absent yung Nerdong yun? " Sabi ko sa sarili ko. " Ay basta bahala siya. "

" Na miss mo kaagad ako?" Halos mapatalon ako sa sobrang kaba ng biglang sumulpot si Nerdo sa likuran ko. Tinignan ko siya ng masama. At nagawa pa talaga itong ngumiti.

" Feeler! " I rolled my eyes. " Tabi nga!" Binangga ko ang braso nya  at lumabas na ng cr.

Alam kung nakasunod siya sa akin, dahil daig pa nito ang kulog kong makatapak sa sahig. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa umabot kami sa classroom. Umupo ako sa harapan at hindi ko inaasahan na tatabi pala itong Nerdong to sa akin. Bwenibwesit ba ako nitong lalaking to? Haist kaerita!

" What do you want? Tsaka hindi yan ang upuan mo, kay Jessy yan. " Sabi ko. Classmate kami ni Jessy sa Ethics subject.

" Nakiusap na ako sa kanya na dito muna ako uupo. " He smiled.

" Happy? Alam mo nakakainis yang mga ngiti mo, kala mo naman kinagwapo mo yan. " Masungit kong sabi.

Nagulat ako ng biglang lumapit ang mukha nya at nag-pacute sa akin.

" Alam mo para kang Aso na Ewan. " Natatawa kong kutya sa kanya.

" Di bale ng Aso at least napasaya nama kita. " Tinaas taas pa ang mga kilay nito at ngumiti. Yung mga mata rin nya ay masaya, nakikita ko iyon.

" Tse! Umalis ka na nga don. " Masungit kong bulyaw sa kanya. Pero ang totoo biglang sumaya ang puso ko ng sabihin nya iyon. Hindi ako mag-dedeny sa sarili ko kung yun talaga ang tunay kong nafi-feel.

Dahil sa matigas ang ulo ng lalaking ito, hindi ito umalis sa tabi ko at panay ngiti at titig lang ito sa akin buong klase. Nakakainis kung bakit ganyan siya makatitig sa akin, feel ko matutunaw ako sa mga titig nya bwesit. Napansin ko rin na hindi siya pinapansin ng teacher namin habang abala ito sa pag-didiscuss. Siguro ay tama nga ang sinabi ni Rishelle about sa taong ito. Ako naman ay panay nakikinig daw kahit hindi naman talaga dahil hindi ako komportable sa katabi ko. Natatawa nalang ako sa isip ko dahil para itong baliw na may gusto sa akin.

THE CAMPUS RICH GIRLحيث تعيش القصص. اكتشف الآن