Part 7: Pakialamerang Yaya!

113 10 0
                                    

Pakialamerang Yaya!

_____________

Ginabi na ako nang uwi dahil bumili muna ako nang gamot sa Mercury DS para sa braso ko.  Dala ko lang ang kotse ko kaya no need nang magpa-sundo sa driver. 

Bumusina muna ako para e park ang kotse ko sa loob.  Agad namang binuksan ni Manong Cardeng ang gate.

" Good Evening po ma'am.  Mukhang ginabi na po kayo ah. " nakangiting bati ni Mang Cardeng sa akin.

Si Mang Cardeng ay matagal na naming driver yan dito sa bahay.  Wala naman akong makita na mali o kung anong hindi magandang kilos sa kanya dahil mabait naman siya sa parents ko at pati na rin sa akin. 

" Good evening rin Mang Cardeng.  Ah eh,  oho,  may dinaanan lang po kasi ako. " nakangiti kung sagot. 

" Pumasok na po kayo ma'am,  baka po malamigan po kayo dito sa labas. " dagdag pa neto. 

" Salamat po.  Kumain na po ba kayo? " tanong ko.

" Ay, oho, ma'am salamat sa pagkain.  " nahihiya niyang sabi.

" Naku wala yun. Sige po pasok na po ako sa loob. " pagpaalam ko. 

Mabait ako sa mga katulong namin na mababait rin sa akin.  Lalong-lalo na si Mang Cardeng para ko na etong pangalawang tatay,  dahil bukod sa wala dito ang mga magulang ko,  siya ang laging concern sa beauty ko.  Kagaya kanina ayaw niyang lamigin ako sa labas.

Hindi pa lang ako nakatapak sa mansyon namin  natanaw ko na ang Yaya kung pakialamera!  Nakahilig siya sa may pinto at pinagmasdan ako habang papalapit sa kanya. That Evil Maid Witch!  Kumukulo ang dugo ko habang nakikita ang bruhang katulong nato!  Nagtataka ako kina mommy kung bakit hindi nila pinalayas sa bahay nato ang matandang to?  Sabagay eto lang naman ang taga-sumbong sa kanila kapag may ginagawa akong isang bagay na pakikialaman niya! 

" Oh?  Ba't ganyan ka makatitig saken? " mataray kung tanong.

Kung makatitig kasi sa akin, parang siya ang may-ari nang mansyon nato!  At tinaasan pa ako nang kilay ha?  Kapal niya!  Tinagilid niya ang ulo niya at tinignan ako head to toe!  Ang kapal talaga nang katulong nato!  Walang ibang magawa kundi bantayan lagi ang mga kilos ko. 

" Bakit ginabi ka nang uwi? Alam mo ba na 8:30 na nang gabi?!  At napano yang braso mo?  Siguro gumagawa ka na naman nang kalokohan noh?  Naku!  Isusumbong talaga kita sa mga magulang mo! " mataray rin niyang sabi sabay nguya nang buble gum. 

I rolled my eyes.  Nakakatawa ang katulong nato!  Nag fi-feeling princesa sa bahay namin.  At sa kaka feeling niya,  wala nang naitulong dito sa bahay kundi matulog at kumain at bantayan ang mga kilos ko.  Yan!  Tuloy nag-mumukha siyang baboy,  lalong -lalo na ngayon na ngumunguya sa harapan ko. 

" Hoy,  baboy!  Wala akong oras makipag-away sayo!  Tsaka paki mo kung ginabi ako?!  Inggit ka lang!  Tumabi ka nga!  Baboy nato!  " sabi ko sabay pasok sa bahay. 

" Aba!  Bastos tong batang to ah!  Hoy maldita! Wag mo akong tinatalikuran kapag kinakausap kita!  Isusumbong kita sa Mommy at Daddy mo sa pagiging walang Galang mo! " sigaw niya.

" Eh di isumbong mo!  Diba jan ka naman magaling?  Ang magsumbong sa mga magulang ko?! Hoy!  Baboy! Wag mo akong ginagalit ah?! Baka ma letchon kita na wala sa oras!" pinandilatan ko siya nang mata. 

" Ang sama talaga nang ugali mo!  Mabuti pa't lumayas ka dito! " sabi niya sabay turo sa pinto. 

" Ako pa talaga ang pinapalayas mo?!  Baka nakakalimutan mo,  pamamahay ko to!  Kaya ikaw ang lumayas!  Now get out!  " nang-gigil ako sa muchacha nato!

THE CAMPUS RICH GIRLWhere stories live. Discover now