Part 17: Brainstorming

83 5 2
                                    

Kanina pa itong tumatawa si Nerdo habang kumakain kami. Mabilaukan sana siya. Hinayaan ko nalang siyang pagtawanan ako kanina sa jeep,  hindi naman agad dadating ang karma so hintayin nalang natin ang karma niya. Habang nakakabit ako kanina sa jeep ay panay picture pala itong lalaking to sa akin, grabi kong nakita nyo lang ang mukha ko, parang pinagbagsakan ng lupa ang mukha. Pero still pretty parin kahit papaano.

" Tignan mo to. Yung mukha mo talaga dito oh. " Parang mamamatay na siya sa kakatawa. Sana matuluyan, pray ko kay lord yan.

" Try ko kayang e post to. " Tawang-tawa niyang sabi.

Nagtagpo ang aking mga kilay ng sabihin niya iyon. " Try mong ipagkalat yang pictures ko, sisirain ko yang mata mo. " Banta ko.

" Woahh, I'm scared. " Tumatawa niyang sabi.

Sige lang, magsaya ka ngayon, kapag ako nakaganti sayo naku lagot ka talaga sakin. Tuwang-tuwa pa talaga sa nangyari kanina eh, siya kaya ang kumabit don sa jeep at gawin yung ginawa nya kanina sakin yung pag e estolen ng pictures, tignan natin kong matutuwa ba siya sa kalagayan ko. Nakakainis naman kasi eh! Sa dinami-dami na dapat sakyan jeep pa talaga! Ang lagkit-lagkit na tuloy ng skin ko at parang amoy asim na ako. Eeww!

"So, anong project natin?" Bigla nyang tanong, halata paring hindi maka-move on sa mga pictures ko.

Inirapan ko siya." Mabuti naman at naisip mo pa ang project natin. Akala ko kasi nabilaukan kana sa kakatawa ng mga pictures na yan. " naglagay ako ng perfume sa katawan ko. As in halos maligo na ako nito.

"At nahihiya na rin ang perfume sa katawan mo. Kanina kapa lagay ng lagay ng perfume dyan ah. "Sagot naman nya.

" Mind your own business. " I rolled my eyes.

"Di seryoso, ano ang gagawin natin sa activity?" Pag-iiba nya.

Inirapan ko siya  at kinuha ang Notebook at ballpen ko. Entrepreneurship ang subject na ito kaya hindi magiging madali ang pinapagawang activity ni ma'am. Our activity should be create a business proposal, ito talaga ang pinaka-ayokong subjects dito ako mahina e sa mga proposal-proposal na yan. Inexplain ko sa kanya ang format kung paano gawin, ganyan, ganto. Natutuwa lang ako dahil kahit medyo magulo ang pagkaka-explain ko ay nakikinig parin siyang mabuti.

"Hahanap ba ta tayo ng area para dito?" Tanong niya.

"Siguro. Pero wala namang sinabi si ma'am tungkol dun. " Sabi ko. "Pero dapat may pruweba tayo about sa vacant area kung saan natin itatayo ang gagawin nating business kunwari." Sabi ko.

Nag-iisip siya kung saan kami hahanap na lugar. Malapit sana sa bahay, may malaking bakante doon pero sa pagkakaalam ko ay nabenta na iyon ng may-ari so ekis.

"May naisip kana bang lugar?" Tanong ko.

"Meron sana sa Bulacan, may malaking bakanting lupa doon pagmamay-ari ng Lolo ko. Yun lang sobrang layo. " Sabi niya.

Sa isip-isip ko, kung pupunta kami doon ay baka abutin kami ng gabi at kinabukasan na maka-uwi. Di ako sure kung anim na oras ata ang biyahe bago makarating doon. Ibig-sabihin kapag pupunta kami doon, mag e stay kami ng isang gabi. Kung pwede lang sanang mag-pautos na papicturan ang area, pero hindi e kailangan talaga na kasali kami sa picture.

"Wala na bang ibang lugar? I mean kung pupunta tayo doon, masasayang yung oras natin, imbes na yung time na binyahe natin papuntang Bulacan e dapat ginawa sa business proposal. " Sabi ko. Tama namn ako eh.


"Yes, but we don't have any choice. Pwera nalang kung may naisip kang ibang lugar na malapit lang dito para dito sa proposal. " He said.

"Yun lang." Napakagat ako sa ibaba ng labi ko. No choice talaga kami.

Napagkasunduan namin na sa Bulacan ang napili namin para sa area. Pinag-usapan namin kung ano ang dapat naming gawin pagka-dating doon incase kung matutuloy. Plinano na namin lahat about schedule, medyo may conflict ako sa schedule ng klase ko. Bukas ng hapon sa mismong 2:00 o'clock kami babyahe. Full schedule kami dapat bukas for class pero sabi naman ni Alex na siya na bahala sa mga teachers kaya walang problema.

" So, all is done. We've been planning about the place of our proposal but we don't know what is our business proposal name is. " Tumatawa nyang sabi.

Tama nga naman siya. Kanina pa kami ng paplano about sa place sa Bulacan pero wala pa pala kaming napag-kasunduan kong ano ang magiging business proposal namin.

"How about Resto Love instead of Resto Bar. " Sabi ko.

"Ha?" Medyo tumaas ang isa nyang kilay.

"Resto Love." Sabi ko ulit. " Kasi diba madaming mga couples ngayon na pumupunta sa restaurant for dinner date mga ganyan. Pero itong sa atin is improvement compare to the other plain restaurant. All couples would love to visit our Resto love dahil pangalan palang nakakainlove na. " Masaya kung sabi.

Iniisip nyang mabuti ang suggestions ko. I'm sure talaga na kapag mangyayari itong business na ito ay malaki ang kita namin for sure.

"Sige sabihin na nga natin na yan nga ang business proposal natin at madaming mga magkasintahan ang pupunta. The Question is what about others that are single? Do they not allowed to enter our Resto love because only couples are allowed?" He asked.


Sino ba ang may sabi na hindi allowed ang mga single na kagaya ko.

" Ofcourse it is! Kaya nga Resto Love diba, kasi all people would visit our Resto love are couples and ofcourse singles. We should seperate the date of the couples and the dinner date of the singles. We should prepare a schedule for those single people for their first date. In short their date would be their first meet. You know just like stranger date." I smiled.

"What if a girl her age is 20 for example and the unexpected guy that should be her date is already in 30s and the girl wants to be her date is limit only 28. What would you do about that?"

"Simple, then ask him or her what are the limit age would they want to date before the time of their date scheduled." Sagot ko. Ang galing ko talaga.

" Well, pwede. " Sabi nya as an agree. "So, sure na talaga to?"

"For me, 100 percent YES. What about you?" I crossed my arms and legs.

"I trust your ideas. But incase if I cannot answer the questions, you would answer it for me." He said.

" Aba bakit naman?! Tayong dalawa ang gumawa ng proposal nato, unfair naman ata kung ako ang sasagot ng mga tanong ni ma'am imbes na ikaw. " Tinaasan ko siya ng kilay.

" Eh ikaw ang nag-isip nyan eh, so ibigsabihin ikaw ang may mas marami na idea kesa sa akin." Sagot naman nya.

"Fine, but still tutulungan mo parin ako dito sa activity natin." Sabi ko.

"I will." He winked.

Dito na ba lalabas ang pagiging matalino ko? First time kung gumawa ng idea na paninindigan ko. Siguro ay makakabuti rin ata ito sa akin. Pagkatapos naming mag World War III ay napag-desisyonan na naming bumalik sa classroom para sa next subject. So tomorrow would be our day! Sana lang ay magiging maayos ang lahat bukas.












_________

Hello guys! About dun sa place na nabanggit ko which is Bulacan correct me if I am wrong about sa oras ng biyahe pa Quezon to Bulacan. Thank you 😊 Enjoy reading po! Love lots❣️

THE CAMPUS RICH GIRLWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu