Part 12: It Was My First Kiss!

116 10 0
                                    

It Was My First Kiss! 

__________

Monday ngayon kaya balik,  skwela na naman.  Nandito ako ngayon sa VIP na CR na pinagawa ko.  Hindi ko kasama ngayon di Jessy dahil may Klase pa siya. Ayoko ko naman siyang pinilitin dahil baka bumagsak ang grades niya.  Nag-aaral nang matino yung tao tapos idadamay ko pa sa kalokohan ko.  Hindi ako ganon,  kahit bad girl ako may konsensya rin ako noh?.

Napansin ko lang na hindi na sumusunod sa akin si Nerdo kanina.  Pumasok naman siya pero hindi niya ako kinakausap o kinukulit.  May lagnat kaya siya?  Kung ganon nga kawawa naman.  Inayos ko ang mga gamit ko para bumalik na nang classroom.  Nang biglang bumukas ang pinto. Kinabahan ako nung una kung nakita ang mukha ni Nerdo. 

" W-wag ka ngang nang-gugulat!  Aatakihin ako sa puso nang dahil sayo eh! " singhal ko kaagad sa kanya. 

Tinignan niya ako nang seryoso.  " Hindi ako nang-gugulat sadyang magulatin ka lang talaga.  " malamig niyang tugon. 

Sa wakas at pinansin ang sinabi ko,  kanina kasi iniisnob lang ako kapag tumitingin ako sa kanya.  Pero teka galit ba eto sa akin?  May nagawa ba akong mali? Pero sa Friday ayos pa to ah?  Tsaka pinipilit nga niyang makipag-kaibigan sa akin, pero bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin?  Moody rin pala ang Nerdo na to! 

" Ano na naman bang ginagawa mo dito?  Sinusundan mo na naman ako noh? " mataray kung sabi. 

" Oo. " ikli niyang sagot. 

Hindi ako sanay na sumagot siya nang tipid. Lagi kasi akong kinukulit neto eh,  kapag ganito ang sitwasyon!  Pero ngayon parang nag-iba siya.  Ang lamig niya sa akin. Ganon na ba talaga siya kapatay na patay sa akin? Sagot nga mga readers! 

" Bakit ang sungit mo? Wala naman akong ginagawang masama ah? " tinaasan ko siya nang kilay. 

Ngumisi siya.  Yung ngisi na may halong galit.  Ang creepy niya.  Baka rape-pin niya ako dito sa Loob nang cubicle.

" Wala nga ba? " lumapit siya sa akin. 

Napaatras naman ako hanggang sa napasandal ako sa pinto.  Patuloy parin siyang lumalapit sa akin at tinukod ang kamay niya sa pinto kung saan ako napasandal.  Narinig ko nalang ang pag lock nang pinto.  Whaaa!  Ni lock niya ang pinto.  Anong balak netong gawin sakin. Sinasabi na nga bang rapest tong Nerdo nato!  Kaya hinahabol nang mga lalaki!  Baka ni-rape rin niya ang mga girlfriend neto.

" A-anong ginagawa m-mo?  B-bakit mo ni lock yung pinto?  May masamang balak ka sa akin noh? " kinakabahan kung sabi. 

Bigla niyang nilapit ang mukha niya.  As in sobrang lapit talaga.  Hala!  Hahalikan niya ba ako? 1inch nalang ang layo isang galaw ko lang mahahalikan ko na eto. 

" Bakit natatakot ka? Akala ko ba bad girl ka? " ningisihan niya ako. 

Shit!  Ang bango nang hininga niya!  Hindi ako makahinga nang maayos. Sobrang bilis nang tibok nang puso ko,  dahil sa takot ata sa kanya dahil may balak siyang masama sa akin!  Hindi ako nakaimik,  bumaba ang tingin ko sa mga labi niya at napalunok.  Shit!  Ang pula!  Sarap papakin!  Bwesit.  Argh!  Napapamura tuloy ako nang dahil sa kanya. 

Kalma Queen,  kalma.  Pangit ang Nerdo na to wag kang kabahan.  Kalma lang ha?  Isipin mo nalang na kamukha niya si Monggoliod.

" A-ano bang ginawa ko sayo!  Pwede ba!  Lumayo ka sa akin! " kunwari galit pero ang totoo kinakabahan talaga ako. 

Ngayon lang ako nakaramdam nang kaba sa Nerdo nato!  Ang Creepy niya kasi sobra!

" Muntik na kayong mapahamak,  ano bang ginagawa niyo sa lugar na yun.  " galit niyang sabi. 

THE CAMPUS RICH GIRLNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ