Part 11: I'm In Trouble!

93 11 0
                                    


I'm In Trouble!

----------

Pinark ko ang sasakyan sa tapat nang isang mamahaling Bar. Teenager bar lang yun kaya no problem,  no worries.  Hindi pa kami umuuwi ni Jessy,  gusto ko pa kasing mag-gala.  Tsaka 6:00pm pa naman so,  lets enjoy! 

" Queen,  Asan tayo?  At tsaka is this a Bar? " taka niyang tanong. 

" Yep. " ikli kung sagot. 

"Why we are here? " she asked again. 

I rolled my eyes.  " Pwede ba wag nang madaming tanong?! Samahan mo nalang ako sa loob pwede? " inis kung sabi. 

Hindi na siya umimik pa.  Lumabas na ako nang kotse at mabuti naman sumunod siya.  Nauna na akong tumungo sa entrance nang club.  Suki na ako dito sa Bar na eto dahil kadalasan dito ako pumupunta sa tuwing gusto kung magpaka-lasing. 

Maaga pa kaya hindi pa masyadong maingay sa loob.  Karamihan dito ang mga pumupunta kapag sabado ay mga lalaki,  iilan lang ang mga babae dahil alam niyo na?  Mga girlies outing!  Marami naman akong kilala dito dahil narin sa napapadalas ang punta ko dito. 

" Are you serious about this place? I mean palagi ka ba dito pumupunta?  Halos mga lalaki ang nandito. Gosh Queen! " sabi niya na hindi makapaniwala. 

Umupo ako sa isang vacant nang table habang etong kasama ko kanina pang talak nang talak. 

" Waiter! " tawag ko sa waiter. " Dalawa nga nang Beer. "

" What the?  Umiinom ka?! " sigaw niya.  " Let's go home Queen. Sigurado akong papagalitan ka nang mga parents mo! "

Tinignan ko siya nang masama.  Kung makapag-salita to,  kala mo siya ang ate ko.  Hindi ko naman eto kaano-ano, tsaka kung makapag-salita siya parang may pakialam siya sa akin. 

" Will you please shut your mouth?  Wala kang pakialam kung umiinom ako,  tsaka kung gusto mong umuwi,  then go home!  Walang pumipigil sayo,  hindi naman kita pinilit na samahan ako.  And you said na magagalit ang parents ko?  Asa! Ni wala nga yung pakealam saken eh.  " sagot ko.  " At teka nga!  First time mo lang ba pumunta nang Bar? "

Tumango siya.  " Yes, its my first time.  Hindi kasi ako pinapayagan nang parents ko na pumupunta sa ganitong lugar. "

" Owws. Kaya pala ganyan ka maka-react.  Try to enjoy yourself tonight,  I'm sure mag-eenjoy ka.  And one more thing,  wag mo akong pakealaman, Enjoyin lang naten ang araw na eto.  "

" Ok,  pero kapag 7:00 o'clock. Uuwi na tayo ha?  Baka hinahanap na ako sa bahay. " she said.

Tumango nalang ako bilang pag-sangayon.  Mabuti pa siya may naghahanap at nag-aalala samantalang ako? Hangin lang ang naghahanap. 

Dumating na ang order kung Beer.  Agad kung kinuha ang isa,  at nilagok yun nang diretso.  Tinignan naman ako nang kasama ko at napailing-iling.  Problema neto? 

" Hindi ka ba iinom?  Dalawa pa naman ang inorder ko.  " sabay abot nang isang Beer. 

" Hindi ako umiinom.  Thank you nalang.  " tanggi niya. 

" Ok,  sabi mo eh.  "

Nagsimula nang magtug-tugan sa loob,  padami na padami na rin ang mga tao dito. Nagsimula nang magsayawan ang mga tao.  Kami lang ata ang umuupo at pinag-masdan ang madaming tao. 

" OMG!  I-is that Jonald Sotto?!" biglang sabi ni Jessy na may gulat ang mukha. 

Napalingon naman ako,  at oo,  si Jonald nga,  kasama ang mga barkada niya.  Anong ginagawa niya dito?  First time ko lang siya makita dito.  Sa pagkakaalam ko hindi naman eto pumupunta sa ganitong lugar.  Hala!  Baka nandito rin si Kobe?!  No way! 

THE CAMPUS RICH GIRLDove le storie prendono vita. Scoprilo ora