Chapter 18: Visiting Bulacan

69 2 0
                                    

I was packing my things to get ready for a travel from bulacan. A little bit excitement I feel right now. Dinala ko ang limang mamahalin kong dress at dalawang terno na pajamas, tapos sampung mga damit at shorts. Hindi ko alam kong hanggang kailan kami dun, so better to be ready. Sobrang madami akong dadalhin ngayong mga gamit kaya naisipan kong mag-sasakyan nalang papunta don, at kaya ko namang pasakayin ang Nerdo na yun para hindi na kami mahirapang mag-commute gaya ng nangyari kahapon. Para akong lalagnatin sa mga taong nakakasalubong ko sa jeep, dahil sa halo-halong baho na hindi mo maintindihan.

"Manong can you help me to put my things in the car?" I said  pagkababa ko.

"Ok po ma'am." Sabay kuha ng mga gamit ko.

Naglagay muna ako ng kaunting make-up sabay lagay rin ng matte lipstick by Kylie Jenner. Napansin ko si Nanay Teresa na masaya akong pinagmamasdan.

"Eto anak, pinagluto kita baka kasi magutom ka siya biyahe. Mga paborito mo yan. " Nakangiti niyang sabi sabay abot sabakin ng bag, pagkatapos ko sa paglalagay ng foundation.

Tinanggap ko iyon at ngumiti. "Thank you Nay."

Oh I forgot to tell you guys. Pinalayas ko na pala ang ang katulong kong baboy na saddista. Pinaki-usapan ko si Nanay Teresa na sabihin ang totoo kina mommy at daddy ang nangyari kong paano ako saktan ng muchacha na iyon. Alam ko naman na hindi maniniwala sa akin sila mom at dad kaya si Nanay Teresa ang pinasabi ko sa katotohanan. And I'm glad that they believe at natauhan narin sa wakas.

"Magtatagal ba kayo doon sa Bulacan nak?" Sabi nya at tinulungan nya akong inayos ang mga natitira kong mga gamit.

"I don't know yet Nay. Maybe abutin kami ng tatlong araw doon." Sagot ko. Kasi sabi sa akin ni Alex na may pinuntahan daw ang lolo nya sa bukid na pag-mamay-ari din nila, kaya baka abutin kami ng mga ilang araw.

Humarap ako sa kanya pagkatapos kong ayusin ang aking mga gamit. " Mag-iingat kayo doon ha." She said and Hug me.

"I will nay. " I hug her back.

Nagpaalam na ako sa kanila at papunta na ako sa condo ng lalaking yun. It's not what you think guys, susunduin ko lang naman siya para makaalis na kami. At ayun ang ugok kanina ko pa kino-contact ngunit walang sumasagot 20 calls na ata ang ginawa ko ngunit wala parin. Don't tell me na hindi pa yun naka-impake! I tried to call him once and for all pagkarating ko sa parking lot.

"Hey! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko!" Bulyaw ko sa kanya ng sinagot nya sa wakas ang tawag ko.

I heard him chuckled. "Ito na bababa na. To naman masyadong excited." He said.

"BILISAN MO! AYOKO PA NAMAN NA PINAGHIHINTAY AKO!"  Then I hang up. I don't know kong bakit naiinis ako ngayong araw, basta ang alam ko lang ay wala ako sa mood.

Nakita ko kaagad siya na naka-pack bag lang. Seriously? Pack bag lang talaga ang dala nya? Samantalang ako isang maleta at dalawang bag ang dala-dala ko ngayon. Nang makalapit na siya sa akin at napatingin siya sa mga gamit ko kasabay ang pag-kunot ng noo.

"Dami mo namang dala, balak mo bang tumira doon habang buhay?" Natatawa niyang sabi.

I crossed my arms and raised my eyebrows while looking at him. Pake nya kong magdala ako ng sandamakmak na gamit doon, at never akong titira doon forever! Mga cosmetics at mga damit lang naman ang laman nyan.

"Mas okay na yung girls scout, kumpara naman sayo parang brief at boxer lang ata ang laman. " Hininaan ko ang boses ko sa panghuli kong sinabi.

"Ano?" Sabi nya na halatang walang narinig.

Medyo natawa nalang ako sa isip-isip ko ng masabi ang mga salitang yun. Kong ano-ano nalang ang lumalabas sa bibig ko.

"Wala." Iwinasiwas ko ang aking kamay. "Tara na nga, baka ma traffic pa tayo." Sabi ko at sasakay na sana sa kotse ng magsalita siya.

"We're not gonna using your car. " He said.

"What? Why?" Taka kong tanong.

"Mag-cocommute tayo." His smiling like an evil dog.

Hindi maipinta ang aking mukha ng sinabi nya iyon, this guys is crazy! Sasakyan na nga ang lumapit sa kanya ayaw pang tanggapin! At tsaka pinapahirapan lang namin ang sarili namin kong mag-cocommute pa kami! Ayoko ko ng kumandong sa kanya bwesit! Sinasady ba talag ng lalaking ito na mag-cocommute kami para maulit na naman yung nangyari kahapon?

"O c'mon Alex! Ayokong mag-commute! And besides mas mapapadali ang punta natin doon kapag nag-kotse tayo kasi hindi na yun hassle." Naiinis kong sabi.

"Still no. Mag-commute nalang kasi tayo. You can park your car here." He suggested.

Still I don't want to commute. At isa pa ang dami-dami kong dalang gamit! Mahihirapan akong kargahin lahat ito.

"You know what dumidiskarte kalang sa akin eh." Sabi ko. "Gusto mong mag-commute kasi gusto mong maulit ang nangyari kahapon." Prangka kong sabi.

I saw heard his "pfftt" laugh. Pinagtatawan ba nya ako? Ano namang nakakatawa sa sinabi ko? Weird talaga tong lalaking ito. I wonder kong bakit walang nagkakagusto nito.

"Ang hangin mo talaga kahit kailan. FYI miss bungangera, wala akong gusto sayo." Sabi nya.

"Hindi ako mahangin, sadyang confident lang ako sa kagandahan ko Mr. Poor eyes!" Bato ko naman sa sinabi nya.

Tawa lang ito nang tawa sa harapan ko na para bang nababaliw nya. How can he laugh like that? Yung parang ang liit-liit lang ng kasiyahan niya, samantalang ako pera ang nagpapasaya sa akin kasi I can do what I want. And I don't have any friends only Rishelle is my bestfriend but she's not here. Hinayaan ko nalang siyang tumawa tutal kasiyahan naman nya iyon at hanggang sa mag-sawa siya at mangagalay ang panga niya.

"Pero seryoso. Let's do it again just like we do yesterday. I know that you're having fun sa jeep kahapon. And today, hindi jeep ang sasakyan natin kundi bus, at try mo kayang sumakay sa mga ordinaryong sasakyan na laging sinasakyan ng mga tao." He said.

"I don't want to! Kita mo naman na ang dami-dami kong dalang gamit. At gastos lang yun sa pamasahe natin!" Giit ko.

"Ang kuripot mo naman. Ang yaman-yaman mong tao eh." He said.

"Hindi ako kuripot. Nagiging practical lang ako sa pera." I rolled my eyes.

Narinig ko naman ang pagtawa niya. "Hindi daw? E samantalang oras-oras kang nag-shoshopping galing mall."


Napapakinabangan ko naman yung mga damit na binili ko at isa pa pera ko yun, I am free to buy what I want. Basta ayoko talagang mag-commute, bahala siya sa buhay niya.

"Kong gusto mong sumakay ng buy, edi sumakay ka mag-isa. Basta ako dadalhin ko itong kotse ko, papahirapan ko pa ba tong sarili ko. As if naman bubuhatin mo tong lahat ng gamit ko." I said.



"Para namang alam to pumunta ng bulacan." Natatawa niyang sabi.


Ay oo nga pala, hindi ko naman pala alam kong saan iyon. Haist, may magagawa pa ba ako?




"Bakit ba kasi ayaw mong mag-sasakyan nalang tayo?" Napalukot ang aking mukha ng sabihin iyon.



"Ganito nalang, kung yan lang naman ang mga gamit mo ang pino-problema mo kung bakit ayaw mong mag-commute, ako nalang ang magdadala niyan lahat." Sabi niya. "Ano? Payag ka?"



Nag-isip ako saglit, still I don't want to! Pero sobrang mapilit ng lalaking ito kaya wala akong choice. Kung alam ko lang sana pumunta doon edi san nagkanya-kanya nalang kami papunta doon.



"We're running out of time." Tumaas-taas pa ang kilay nito habang nakatingin sa akin.





Tinignan ko ang relo ko, it's 9:46 am already. "Fine!" Sagot ko para makaalis na kami.







Kung patatagalin pa namin ito hindi kami matatapos at baka gabihin pa kami pagkadating doon. Binuhat nya ang mga gamit ko at sumakay ng taxi papuntang bus terminal. Nakakainis man, hahayaan ko nalang.


THE CAMPUS RICH GIRLWhere stories live. Discover now