Part 4: Stop Following Me!

141 8 1
                                    

Stop Following Me!

___________

Pagkatapos nang Klase ay tumayo na ako para pumunta nang Office ng Prof.  namin. Padabog kung niligpit ang mga gamit ko,  nakaka-badtrip naman ngayong araw!  Sana hindi nalang ako pumasok!  Plus may bago pang lipat sa Room namin na ayokong makita sa lahat nang mukha. Ewan ko ba,  kung bakit kumukulo ang dugo ko sa Pangit nato!  Ang pangit niya talaga supeeeer!

Nang tumayo ako tumayo rin siya,  inirapan ko muna siya at lumabas na nang classroom.  Ramdam ko ang pag-sunod niya sa akin.  Naiirita ako sa mga taong buntot nang buntot sa akin,  kaya nilingon ko siya at hinarap. 

" Why are you Following Me?! " inis kung sabi. 

" Are you sure na sinusundan kita? " Nakangising sabi neto.

Umirap ako at tinaasan siya nang kilay,  walang araw na hindi tumataas ang kilay ko dahil sa pang-bibwesit sa akin nang mga taong nakapaligid sa akin. Obvious naman diba na sinusundan niya ako?  Kung saan ako liliko doon rin siya liliko, eh ano ang tawag sa ginagawa niya? Wala lang ganon?

" Hoy ikaw Nerdo!  Akala mo hindi ko alam kung bakit ka lumipat!  Hoy!  Sinasabi ko sayong hindi ako pumapatol sa kagaya mo! " sabay talikod sa kanya.

" Ang assuming mo naman!  Hoy wala akong gusto sayo! Ang pangit mo rin kaya! " sigaw niya sabay tawa nang malakas.

Nagtinginan ang mga studyante sa akin.  Hindi ko na siya nilingon at pinatulan dahil baka mahawa ako sa kabaliwan niya! Mabuti naman at hindi na sumunod pa,  hays nakakaasar ang lalaking yun kung araw-araw kung makikita ang pagmumukha niya.

Binuksan ko ang Office na sinabi sa akin ni Prof. Kanina.  Nakita ko siya na nagbabasa nang libro,  umupo nalang ako nang diritso sa upuan na kaharap niya. 

" Akala ko hindi ka pupunta dito sa office ko.  " nakangiti niyang sabi sabay tiklop nang libro at nilagay sa lamesa.

" Whatever.  Bakit mo ako pinapunta dito? " seryoso kung tanong. 

He laughed softly.  " Seriously,  you didn't know why you are here?  "

" Magtatanong ba ako sayo kung alam ko? " pambabara ko. 

" Alam ko ang mga ugali mo dito sa loob nang campus.  The other Professor here tell me what is your attitude is.  We know, na lahat nang bagay ay pwede mong mapapaikot at mapapagalaw gamit ang mga pera mo.  Alam mo ba na bawal ang mga ginagawa mo?  Binabayaran mo ang mga teacher dito kapalit ang hindi pagpasok sa mga subject mo,  at malalaki mong grades?  " Diritso niyang sabi sabay ang pagkunot nang noo. 

" Bakit mo ba pinapakealaman ang mga personal kung buhay?  Hindi naman kita magulang ah? " mataray kung sagot. 

" You right,  I'm not your parents. But as a Father in this school  kailangan kung turuan nang manners ang mga studyante ko.  " napasandal siya sa upu-an." Kung hindi ka susunod sa mga sinasabi ko at patuloy ka lang sa pagiging  walang galang, didiretsuhin na kita Ms,  Hermosa.  You can transfer other school if you want.  " ngumisi siya. 

Uminit ang dugo ko sa Professor na kaharap ko. Ang lakas niyang sabihin sa akin ang mga salitang yun.  Wala siyang karapatan na paalisin ako sa school nato!

" Alam mo hanga rin ako sa kapal nang mukha mo ano?  Hindi mo ako mapapaalis sa school na eto dahil malaki ang naitulong ko dito.  Hindi ko sinusuhulan nang pera ang mga teachers dito!  Tinutulungan ko lang sila,  kapag kelangan nila nang pera!  Well you stop being judgemental!  Akala ko ba teacher ka?!  Bakit na mimintang ka nang tao na ngayon mo palang nakita?! Kung tutuusin ikaw ang dapat paalisin sa school nato eh!  Bago ka lang dito,  ganyan na ang ugali mo sa studyante mo! " galit kung tugon.

" Oh?  Bakit parang ako na ngayon ang may kasalanan. Miss,  Hermosa wag mong baliktarin sa akin ang mga kasalanan mo.  Ang sabi ko if you dont want to follow my rules you can transfer other school if you WANT!  I didn't say na pinapaalis kita!. Look Ms. Hermosa I'm trying to be nice here, sana naman wag mong masamain ang mga sinasabi ko sayo.  As your Professor gusto ko ang makakabuti sa mga studyante ko.  I don't want to see your bad attitude inside the campus,  and don't be so rude to your classmates especially Alexson. You called him Nerdo, and i don't want to hear that again anymore. Understand? " hindi siya galit nang sinabi iyon.  Kalmado lang siya. 

" Paano pag ayokong sumunod sa mga sinasabi mo? " matapang kung sagot. 

Napaalis siya sa pagkakasandal at tinignan ako sa mga mata na seryoso. 

" Hindi mo kilala ang taong binabangga mo. You don't know me Miss Hermosa,  especially that guy,  you called Nerdo which is Alexson.  Sana naman this time ay maganda na ang pakikitungo mo sa kanya, dahil baka sa huli ikaw ang mag-sisi. " may halong pang-babanta ang mga sinasabi niya. 

" Are you threatened me sir?! " galit kung sabi.   

" No,  I'm not.  Why? are you threatened? " ngisi niya. 

" I'm not! " agad kung sagot,  sabay tayo. 

Kung papahabain ko pa ang usapan, baka mas lalo lang kaming mag-aaway ni Sir.  At isa pa walang mag-papatalo sa aming dalawa.  Wala sa bokabularyo ko ang mag-patalo,  lalaban ako hanggang sa kamatayan.  At sa pinapakita niya sa akin ngayon? Parang ako ang pinakamasama sa buong skwelahan!  Wala siyang alam!  Ang bait-bait ko kaya!  Pero pag ginagalit na ako,  lalamunin ko talaga nang buo ang kung sino man ang gagalit sa akin! Lalo na sa hambog na bagong professor nato!  Taena niya!  Grrrr.

" Let's end this conversation Sir!  Bago pa ako ma hagard at manga-in nang tao! " magkadikit ang ngipin ko habang sinasabi iyon.  Nang-gigil ako sa lalaking to,  bwesit!

Tinungo ko ang pinto para lumabas!  Argh! Ganito pala ang feeling na maka-bangga ka nang hot na Professor, hindi katulad nang mga matatanda kung prof. Noon,  pakitaan mo lang nang pera okay na,  wala nang kuskos balungos,  di katulad nang mayabang na prof na to,  nakaka-kulo nang dugo!

" Where are you going?!  Were  not done talking!  " sigaw niya. 

" Were done! Kakasabi ko lang diba?! " sabay bukas nang pinto.

" Tanginang Pangit! " napasigaw kung sabi.

Pagkabukas ko,  tumambad agad sa akin ang nakangising mukha nang pangit! At ano na naman ang ginagawa niya dito?  Hindi lang pala siya Pangit,  tsismoso pa!  Sigurado akong nakikinig yun sa mga pinag-usapan namin ni Prof!  Isa pa to eh! Ang dami nang nang-bibwesit sa akin.

" Hi.  " nakangiti netong sabi.  Nakaharang siya sa pinto na dapat sana ay dadaanan ko.

" Tumabi ka nga kung ayaw mong basagin ko ang salamin mo! " galit kung sabi,  sabay tabig sa kanya. 

Isa pa talaga na sumunod siya! Babayagan ko na talaga ang pangit nato!.

"Hoy!  Queen.  Queen Ursula!  Hintayin mo ako!"  hinawakan niya ang braso ko.

" Wag mo akong hahawakan! Lalong-lalo na't wag na wag mo akong susundan! Alam mo ikaw ang may kasalanan nang lahat nang to eh! Nang dahil sayo kaya ako napagalitan ni prof! Ikaw ang may kasalanan nang lahat nang to, kaya pwede ba! Layuan mo ako please lang!" napahawak ako sa noo ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon.



" Uy! Wag mo naman akong pag-buntungan ng galit mo.  Queen Ursula kung may problema ka,  wag mo naman akong idamay! Wala naman akong ginawang masama sayo ah?" pangangatwiran niya." Gusto ko lang naman makipag-kaibigan sayo, sana wag mo namang masamain yun. "

Nagtagpo ang mga kilay ko nang sinabi iyon. " Unang-una,  wag mo akong tawagin na Ursula dahil hindi yun ang pangalan ko. Queen hindi Ursula! Pwede ba! Wag na nateng pahabain ang usapang eto! Stop following me and just leave me alone! Will you?! "







Napairap ako sabay ang pag-alis sa harap niya.  Argh!  Bwesit na lalaking yun!  Sana bukas ay hindi na eto sunod nang sunod sa akin na parang isang asong ulol!  Ang kapal talaga nang mukha niya kapag kinukulit na naman ako neto bukas. 











To be continued....




Sorry for the wrong grammar and typos. 

Leave a comment or vote, and if you like this Chapter give it a oneVOTE!  thank you! 



THE CAMPUS RICH GIRLDove le storie prendono vita. Scoprilo ora