Part 8: Can You Be My Friend?

138 8 1
                                    

Can You Be My Friend?

----------

Maaga akong pumasok, dahil ayokong makita ang pagmumukha nang baboy na yun sa bahay. Nandito ako sa ilalim nang puno umupo habang umiinom nang coffee,  at pinag-mamasdan ang mga schoolmates ko na busy sa pag-kikwentuhan ant pakikipaglandian. 

Nag-longsleeve ako para matakpan ang sugat ko at ang brasong namamasa.  Ayokong makita nang mga kaklase ko ang sugat ko,  baka anu na naman ang mapag-tsismisan tungkol sa akin.  Tutal Friday naman ngayon kaya No uniform kami.  Nilagyan ko nalang ulit nang bandage ang sugat ko,  yung kalmot at pasa ko sa braso ay parang gumabre. 

Pinag-mamasdan ko ang mga mag-bestfriends.  Ang sarap siguro sa feeling na may kaibigan ka ano?  Ako kasi hindi ko iyon naranasan,  Oo,  madami namang gustong makipag-kaibigan saken jan pero,  alam ko naman na piniperahan lang ako nang mga yun. Katulad nang kaibigan ko noon dito sa HU,  ninakawan ako nang  Four Hundred Thousands.  Kaya ayun,  nadala na ako sa mga kaibigan-kaibigan na yan.  May kaibigan naman ako pero wala dito sa school,  nag-aaral siya sa Korea,  na miss ko na nga yun eh.  Kailan kaya siya uuwi?. 

" Lalim nang iniisip naten ngayon ah? " napalingon ako sa nagsasalita sa likod ko. 

Si Nerdo,  umupo siya sa tabi ko.  Kumunot naman ang noo ko,  kahit kailan talaga to feeling close!  Kahit tinulungan niya ako sa mga amazona hindi parin kami close no!.

" Sinusundan mo naman ba ako? " diretcho kung tanong. 

Tumingin siya sa akin at ngumiti.  " Hindi.  " tipid niyang sagot. 

" Weh?  Hindi ako naniniwala.  " sabi ko na hindi naniniwala. 

" Hoy,  Miss. Hermosa bawas-bawasan mo nga yang pagiging assuming mo. Hindi kita sinusundan,  hindi mo ako stalker noh? Tsaka nakita lang dito habang dumadaan ako,  kaya nilapitan nalang kita.  " pangangatwiran niya.

" Ayun naman pala eh,  ang dami mo pang sinasabi.  " Natatawa kung sagot.

" Eh,  alam ko kasing hindi ka maniniwala kaya enexplain ko nang buong-buo.  With a heart yun ah. " he laughed. 

" Loko ka talaga.  " sabay siko nang mahina sa kanya. 

Tumatawa kaming dalawa.  Ngayon ko pa nakitang tumatawa nang ganito tong si Nerdo. 

" Kamusta yung sugat mo? Hindi na ba masakit.?" nag-alala niyang tanong. 

Napailing ako.  " Medyo. " sagot ko. 

" Asan patingin nga! " sabay hawak sa braso ko. 

Hindi ko sana ipapakita sa kanya ang sugat ko dahil baka makita niya pa ang mga pasa ko.  Ayoko namang kaawaan niya ako,  Ang ayoko pa naman sa lahat ang kinakawawa ako.  Pero pinilit niyang makita ang sugat ko kaya pumayag nalang ako,  dahil mas sasakit kapag nagpumilit pa akong hindi ipakita.  Ang kulit pala nang Nerdo nato! Hinayaan ko nalang siyang tignan ang sugat ko. 

Tinagal niya ang butones nang longsleeve ko.  Yung longsleeve ko kasi may butones hanggang braso para hindi mahirap gamutin kapag dumudugo. 

" Sure ka bang ginamot mo to kagabi?  Parang mas lalong namaga ah.?" nag-alala niyang tanong. 

Kung alam mo lang kung ano ang ginawa nang magaling kung yaya sa akin at sa braso ko. 

" G-ginamot ko na yan kagabi at ngayong araw. Mawawala rin yan bukas. " sagot ko at umiwas nang tingin sa kanya. 

Hindi ako sanay na may nag-aalalang tao sa para sa akin. Sanay na akong mag-isa at harapin ang mga masasakit na bagay. Eto,  etong sugat na  to ay sisiw lang kumpara sa sakit na pinadama sa akin nang mga parents ko.  Oo,  masakit ang sugat na natamo ko ngayon, aaminin ko na sa tuwing umuuwi ako nang bahay nalulungkot ako,  sa laki ba naman nang bahay namin tapos ako lang ang nakatira at ang mga katulong namin.  Madami nga akong pera,  pero hindi pera ang nagpapasaya sa isang tao,  kundi ang kompleto't masayang pamilya.  Hindi pa naman patay ang mga parents ko pero ang aga kung nangulila.


THE CAMPUS RICH GIRLWhere stories live. Discover now