Part 16: Struggles

63 6 1
                                    

Hindi ko talaga maiimagine sumakay ang sarili ko sa Jeep. Ano bang nakain ng lalaking ito at Jeep ang sasakyan namin. Tsaka gaya nga ng sabi ko, ayokong sumakay ng jeep ang cheap-cheap kaya! At isa pa baka may makakita sa akin na sumakay ng jeep. No! Ayoko! Masisira ang image ko.


" Are you sure about this Nerdo?" Namomoblema kong tanong.


" Usog kayo jan para maka-upo sila! Sige pa, usog pa! " Sabi ng driver sa mga pasahero.



" Yup. " Nakangiti niyang sagot.

" Seriously?! I cant-"


" Sasakay ba kayo o hindi?" Tanong ng driver.

" Sasakay po. " Sagot ni Nerdo at sumakay.


Nag-aalangan pa akong sumakay o hindi nalang. Pero ano nga bang magagawa ko diba? Wala akong pamasahe tsaka kung maglalakad ako malayo pa yung bahay namin.

" Miss sakay na!"


Nilakasan ko nalang ang loob ko at sumakay. Ngunit pag-tingin ko kung saan ako uupo ay wala na itong maupuan. Sasakay ba ako o hindi nalang?


" Ma'am e kandong mo nalang yang anak mo para makaupo ang isang pasahero. " Sabi ng driver sa babae.

" Ayoko mama. " Nagmamatigas ng sabi ng bata.

" Bhe, sige na. Kandong kana kay mama mo para makaupo na ako. " Paki-usap ko sa bata.


Napansin kong natutuwa si Nerdo na tignan akong nahihirapang tumayo habang nakakabit sa Jeep. Tinignan ko siya ng masama, siya talaga ang may kasalanan nito dahil pinasakay pa ako ng ganitong sasakyan. Bwesit talaga! Kapag ito natapos na sasabunutan ko talaga itong lalaking to! At aba! Tuwang-tuwa pa ito sa sitwasyon ko. Eh kong siya kaya itong nasa sitwasyon ko?! Ang hirap-hirap kaya kumabit dito.

Dahil sa matigas ang ulo ng bata ay nanatili lang itong nakaupo sa upuan. Naku naman! Isa pa itong bata na to eh! Ayaw pa talagang makisama, nakakainis naman kasi kung bakit pa ito ang sinaksayan namin!

" Lalarga na tayo.  Kapit kayo ng mabuti dyan. " Sabi ng driver.



" Manong driver pano naman ako?! Kakbit nalang ba ako dito?" Naiinis kong sabi.

" Pasensya na miss, wala na kasing maupuan eh. " Aniya.


" Pasakay-sakay kayo ng pasahero wala rin namang mauupuan. Nahihirapan tuloy ako dito. " Reklamo ko.

Naktingin halos sa akin ang mga pasahero. " WHAT?! " singhal ko sa kanila. Agad naman itong umiwas ng tingin. " Kung makatitig naman ang mga ito para namang mga sosyal. " Sabi ko ngunit mahina lang iyon. Isa pa tong si Nerdo na nasa gilid ko napaka Gentle dog ng ugali.




Mga ilang minuto ang naka-lipas nakakabit parin ako dito. Bwesit naman to oh! Kung hindi lang pinauwi nitong lalaking to si Manong edi sana nakauwi na ako at nakaupo ng maayos. Plinano nya ba ito para pahirapan ako?



Muntik akong nasubsob at nauntog ang ulo ko sa bakal ng biglang nag-break si Manong driver. " SHIT!" Malutong kong mura. Bwesit! Ang sakit ng ulo ko. Pambihira naman to oh.



" Ok ka lang? " Tanong ni Nerdo.



Tinignan ko siya ng masama. " Mukha ba akong okay dito? " Inirapan ko siya. Hindi na talaga ako natutuwa.

Parami ng parami ang mga pasahero. Jusko! Saan naman ito ilalagay ang ibang pasahero? Sa bubong? Minsan di rin nag-iisip tong driver eh.


" Manong wag na po kayong mag-pasakay. Kita nyo naman na wala ng maupuan, tas dadagdagan nyo pa ng pasahero. Hindi ka man lang naaawa sa akin dito na ilang minuto ng nakakabit. " Reklamo ko ulit.



" Miss pwede ka namang bumaba kong gusto mo, hindi yung reklamo ka ng reklamo. " Aniya.



Aba't. So kasalanan ko pa ngayon kung bakit wala  akong maupuan? Iba rin eh noh!



" Wag kana kasing magreklamo. " Natatawang sabi ni Nerdo.


" Eh kong ikaw kaya dito sa posisyon ko? Isa ka pa eh, pinapahirapan mo pa akong sumakay dito. " Bagsak na ang mukha ko at wala na akong ganang umuwi dahil dito.




" Just sit here. " Sabi nya sabay tapik sa legs nya.



Wait. What?! Ako kakandong sa kanya? No way!



" Are you kidding me? Bakit naman ako uupo dyan? Baka kapag may nakakita pa sa ating kakilala ko baka kung ano pa ang isipin. " Sabi ko. " Thank you but No thanks, ok na akong tumayo dito. " I rolled my eyes.



" Ok, ako na nga tong nagmamagandang loob. Sige lang enjoyin mo ang araw mo na nakakabit ss jeep. " Nang-aasar nyang sabi.





Inirapan ko nalang siya. Hindi ko nalang pinatulan dahil wala ako sa mood makipag-away. Nakaramdam narin ako ng pakangalay ng paa. Plus dumagdag na naman ang mga nagbabahang pasahero, wala bang katapusan ito?




" Ouch!" Angal ko ng tapakan ng isang lalaki ang aking paa. For Pete's sake! Naka heels po ako ng 5 inches. " Dahan-dahan naman kuya!"


" Sorry miss. " Sabi nya.

" Queen, you still have my offer. C'mon sit here. " He offered again.

Since wala na talaga akong choice at ayaw ko ng pairalin ang pride ko ay pumayag nalang ako. Medyo sumasakit na ang mga paa ko at nangangalay na sa kakatayo. Ikaw ba naman mag suot ng heels tas nakakabit pa sa Jeep. I swear! This is the worst day EVER IN MY WHOLE ENTIRE LIFE! Medyo nahihiya akong umupo doon. First time ko kayang kumandong sa iba at kay Nerdo pa talaga. Kinapalan ko na ang pes ko at isinintabi muna ang pride. E rereseba ko nalang ito mamaya kay Nerdo itong galit ko.


Biglang nag-break na naman si Manong. Napayakap ako kay Alexson dahil sa lakas ng break, yung ibang pasahero ay muntik ng mahulog. Napahigpit ang yakap ni Alexson sa aking beywang at ganon rin ang aking mga kamay ay napayakap sa kanyang braso. Napatitig sa akin si Alex at ganon din ako. Nag-iwas kaagad ako ng tingin at hindi ko ipagkakaila na medyo ay naiilang ng kaunti dahil doon.


Buong byahe ay tahimik lang ang lahat. Hindi parin nabawasan ang pasahero kaya nanatili akong nakakandong kay Alexson. Hindi ko talaga ginusto ang mga pangyayari ngayon, ngunit bakit? Feel ko parang romantic ang nangyayari dito sa loob ng jeep ngayon. No! Hindi hindi hindi! Walang romantic anv nangyayari.




" Manong bayad ho. " Abot nya sa bayad sa manong. Nauna na akong bumaba at nag-antay sa kanya saglit. " Ok ka lang? " Tanong niya.




Kung sasabihin ko bang hindi ok may magagawa ba siya? Tumango nalang ako bilang sagot. Huminto muna kami sa isang maliitbna restaurant para kumain, libre nya daw kasi kaya pumayag na ako. Medyo nagugutom narin kasi ako eh.





Ito na ata ang araw na hindi ko malilimutan sa tanang buhay ko. Ngayon lang ako napagod ng ganito at nakakabit sa jeep na sa tanang buhay ko ay hindi ko pinangarap.




THE CAMPUS RICH GIRLWhere stories live. Discover now