Part 6: Thank You

120 10 2
                                    

Thank You


___________

" Hep,  hep hep!  Saan ka pupunta?! " napatigil ako sa paglakakad nang harangan na naman ako nang mga kontrabida.

Ang hilig talaga mangharang nang daan tong babaeng to!  Ano bang kasalanan ko sa kanya? Hindi ko naman siya kilala.

" Wala kang pakealam kung saan ako pupunta,  kaya pwede ba!  Tumabi ka nga!  " tinabig ko siya.



" Hoy!  Wag mo akong tatalikuran!  " marahas na hinila niya ang braso ko.


" What's your problem with me?!  Wala naman akong ginagawang masama sayo ah?  Ni hindi nga kita kilala! " sabay kuha nang braso na hinawakan niya. 





But i failed,  hindi ko nakuha ang braso ko dahil sa mahigpit na pagkakapit niya doon.  Biglang humapdi ang braso ko dahil sa kukong nakaba-on doon. Nakaramdam na ako nang sakit. 





" Ako lang naman yung babaeng sinabihan mo na Cheap Girl!  At ako lang din naman ulit ang babaeng inagawan mo nang Crush!  Ang kapal talaga nang mukha mo,  lahat nalang kinukuha mo ang sa akin dapat! " galit niyang sabi.




Wala akong alam sa pinag-sasabi nang babaeng to!  Nababaliw na ba siya!


" I don't know what are you talking about!  Pwede ba!  Bitawan mo ang braso ko!  Nasasaktan ako! " pilit kung kinuha ang kamay niya. 



Mas lalo lang bina-on ang mga kuko niya.  Parang dumudugo na ata ang braso ko.  Halos mangiyak-ngiyak na ako sa sakit at hapdi na nararamdaman ko.  Hindi ko akalain na humantong pa sa ganito!  At ang masaklap pa ay hindi ko alam ang pinag-sasabi niya. 






" Ahh,  nasasaktan ka?!  Kulang pa yan sa sakit na pinaranas mo sa akin at pagpapa-hiya sa akin sa maraming tao! " piniga niya ang braso ko gamit ang kuko niya.  " Unless na magmakaawa ka ngayon sa akin!  Diba yan naman ang gusto mo ang mag-makaawa? " ngisi niya. 




Napapikit nalang ako sa sobrang sakit.  Parang buong katawan ko ang binugbog sa ginagawa niya!  Sino ba etong babaeng to at parang ang laki-laki nang galit ko sa kanya!  Oo,  madami akong haters at bashers pero eto lang at ang mga kasama niya ang tumangkang saktan ako.




" Girls, Stop it!"


Dahan-dahang binitawan nang babae ang kamay ko.  Mas lalong naramdaman ko ang sakit sa pagkaka-bitaw niya.  Nanginginig ang mga kamay ko,  at halos mangiyak-ngiyak akong tinignan ang braso ko na may sugat at dumudugo.  Ang skin ko na iningat-ingatan ko,  ay susugatan lang pala nang walang kwentang bruha!  Ang skin ko na hindi ko pinapa-kagatan nang lamok pero dumudugo na ngayon dahil sa bruhang eto. 





Galit na galit akong tinignan ang babaeng gumawa sa akin neto.  Napakuyom ako at lumapit sa kanya.  Mas grabi pa revenge ko sa gagawin ko sa kanya ngayon! 

Pak. Pak.



Sinampal ko siya nang left ang right. Napahawak siya sa pisngi niya.  Dapat lang sa kanya yun noh?  Kulang pa nga yun kesa sa ginawa niya sa akin!






" Queen,  tama na. " saway sa akin ni Nerdo.  " Jessy!  Ano bang ginagawa mo?!" galit siyang tumingin sa babaeng nag-ngangalang Jessy na siyang nagsugat sa braso ko.





" Alex,  mas kakampihan mo ba yang babaeng yan kesa saken?!" galit na sagot nang Jessy. 



" Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa,  pero mali ang ginawa mo! "


THE CAMPUS RICH GIRLWhere stories live. Discover now