Part 3: Hi Classmate

154 9 0
                                    

Hi Classmate

_____________

" Uy,  may bago daw'ng lipat dito sa section naten.  "

" Talaga?! Excited na akong makita siya!  Boy or girl? "

" Sana Boy! "

Kanina pa ako nakakarinig na may bago daw na lipat dito sa section namin. Halos lahat sila busy sa pangangalap nang balita tungkol dito, well hindi ko naman sila masisi dahil ayoko namang pigilan ang mga tsismosa nilang bibig.

" Ang narinig ko kanina kay Prof. Boy daw. Sana gwapo siya! " kinikilig na sabi nang kaklase kung tsismosa.

" Anong gwapo? Hoy girl,  Nerd siya Nerd.  " sabi naman nang kasama niya. 

" Ay. "

" Pero balita ko gurl mayaman daw yun. Pwede nang jowahin!"

" Ok lang kung Nerd.  Ang importante maraming pera si kuyang! "

Napailing nalang ako sa narinig ko.  Kahit kailan talaga ang mga tao,  mukhang pera ang mga mukha.  Kawawa naman si Nerd peperahan lang nang mga higad. Well wala parin akong pakialam, nasa kanya niya na yun kung mag-papauto siya sa mga hot-hutira dito!  Nilagay ko ang mga gamit ko sa tabi nang upu-an ko,  tutal lagi naman etong bakante dahil hindi ako nag-papatabi na kahit sino. 

" Bess,  andy'an na si Prof. " rinig kung sabi nung nagchi-tsismisan. 

Wala naman akong pake kung may papasok na professor o wala.  Ang importante ako ang pumasok sa subject nila,  lucky to them dahil araw-araw nila akong nakikita.  Isang dyosang katulad ko,  ang kailangan nang School nato. 

Pumasok si Prof.  Pinalitan na ang professor naming bakla dahil na e report na ang pinagagawa niya sa klase niya.  Kung inaakala niyo na ako ang nag-sumbong its a big NO, dahil hindi ako sumbungera.  Lumalaban ako nang patas!  Kung sino man ang nag-report well thanks to him/her.


" Good morning class.  " bati nang bago naming professor. 

" Good Morning Prof. Reid.   " nagtayu-an ang mga kaklase ko bilang paggalang sa bago naming Professor. 

" Thank you,  and please sitdown. " aniya.  " By the way. I'm sure that you know me already,  but i will introduce myself as your new professor since Mr. Gonzalo was reported because of his nonsense lesson, So I'm here to introduce myself.  I'm Mr.  Travis Reid, Your New Professor,  Nice to meet you students! " nakangiting sabi neto. 


Ang hot naman nang bagong professor namin.  Pero parang ang suplado, mga kilos pa lang basang-basa ko na.  Ilang taon na kaya to? 

" Prof.  Ilang taon na po ba kayo at Single po ba din kayo? " malanding sabi ni Apple.

Siya si Apple, ang pa feeling mayaman sa campus na eto kahit ang totoo ay mahirap lang naman. Gusto niyang pumantay sa standards ko,  but sorry to her.  Hindi siya makakalagpas sa akin. Malandi ang babaeng yan mag-ingat kayo. 

" I'm 26. And yes,  I'm still single.  " nakangising sagot neto. 

Nakita ko si Apple na tumitili, gaya rin nang mga kasama niya,  pinipigilan ang kilig na nararamdaman. Napairap nalang ako,  dahil halos na ata na lalaki dito sa campus fini-flirt nila at susunod na naman nilang landiin etong gwapong bagong Professor namin.

" Enough na guys.  " saway niya sa mga babae. Biglang nag-seryoso ang mukha niya.  " Anyway, since i already introduce myself. Let me introduce both of you,  your new classmate.  "

Tumingin siya sa labas nang pinto,  lahat rin nang kaklase namin ay napatingin sa labas.  Kumunot naman ang noo ko kung sino ang pumasok. 

Napaangat ang tingin ko nang makita ang lalaking yun!  Ang lalaking Nerdo na pangit!  At lumipat pa talaga siya dito para makita ako?!  Ang kapal rin naman nang mukha nang Nerdo na to.

THE CAMPUS RICH GIRLWhere stories live. Discover now