Chapter 36

425 18 8
                                    

Medyo kaya ko pang mag-imagine ng babae at lalaki ang bida. Pero..konti nalang.. kapag talaga nakita ko iyong dila ni Tharn sa bibig ni Type JUSKO Lord. Hahahaha

----
"Kada sabado at linggo maglaan ka ng oras para alagaan ni Aga, Maliwanag ba Shin? Ingatan mo itong si Aga at anim na buwan syang buntis. At bakit ba kasi naisipan mong kumuha ng bahay? Mag-aalala lang kami nitong Tatay mo." Hinaing ng Nanay ni Shin habang pilit pinapakiusapan ang anak kung maaaring ipagbaliban ang paglipat namin ng bahay.

"Maa.." Usal na lamang na makulit na Nanay. Hindi nakikitaan ng kakaibang reaksyon ang mata nito bukod sa pagod galing sa trabaho.

Hawak ang dalawang maleta sa kanan ay bumagsak ang tingin ko doon dahil sa nag-iigtingang ugat na akala mo puputok dahil sa pwersa sa mabigat na buhat.

"Shin..hindi ka talaga mapipigilan? Jusko maiiwan mag-isa itong mapapangasawa mo!"

"Hayaan mo na sila Mahal. Malalaki na iyang mga anak mo hmm?" Alo ni Tito dahil hawak parin ni Tita ang aking braso na tila ayaw akong ibigay sa anak nito.

"Maa.." Magaang umangat ang pulang labi ni Shin sa Nanay at swabeng hinigit ako upang bumitaw ang Nanay sa sakin.

Napakislot ako sa pagdampi ng palad nito sa aking balakang. Doon namahinga ang palad nito habang pilit kinukumbinsi ang Nanay.

Wala akong maintindihan kung ano nang pinag-uusapan nila dahil buong atensyon ng katawan ko ay nasa mainit na palad ni Shin. Simpleng tumitipa ang daliri nito at bawat pitik at unti-unti akong nawawalan ng hininga.

Toyot na yata ako..

Of course..

I've already tested this Man for a couple of times and I like him when his in bed. Akala mo lang boring itong taong ito pero kama humanda ka.

Nagtagal ng ilang minuto ang paalaman bago sumuko ang Nanay ni Shin at malungkot na nagpaalam samin.

Walang kibo ang katabi ko habang nagmamaneho. Wala akong ideya kung saan sya nakahanap ng bahay na afford nito.

Hindi sa minamaliit ko si Shin pero sabi nya sa magulang nya ay may ipon daw ito. Bago palang ito sa trabaho at ni hindi nag-abalang dumalo sa graduation ceremony.

"Hmm..?" Tumaas ang aking kilay ng lumiko ang sasakyan papunta sa bahagi ng District One kung saan tanging may kaya lamang ang pwedeng manirahan.

Ayokong mag-assume at baka may masabi akong ikaka-offend ni Shin pero di ko gets kung bakit kami dito pumunta.

Baka dadaan lang kami?

Hanggang sa pumasok kami sa isang malaking building kung saan pamilyar ito bilang eksklusibong

Humahangos sa sumulyap ako sa Shin na wala paring pakiaalam! Tumigil ang sasakyan sa parking space na hindi man lang ako binabalingan ng tingin.

Not that I expected him to say surprise to me kaso mukha akong tanga na ako lang talaga ang gulat na gulat!

Kalma lang Aga.

Baka naman may dadaanan lang diba? Wag tayong mag-expect. Bulong ko sa sarili. Imposible kasi.

Twenty years lamang ito at magsisimula pa papang sa buhay. Simple lang ang pamumuhay ng pamilya nya at walang kakayahan na magkaroon ng ganitong pag-aari.

"May problema ba?" Tanong nya sakin.

Hindi ko namalayang binuksan pala ni Shin ang pintuan para sakin. Ilang beses ang kumurap at bakit kailangan kung bumaba?

"Anong gagawin natin dito..?" Gulong gulo kung usal.

Tanggap ang nakaalalay nitong kamay ay tinanggap ko iyon. Dahan-dahan akong tumayo dahil sa laki na ng aking tyan.

Carrying The Demons ChildWhere stories live. Discover now