Chapter 4

3.6K 66 0
                                    

"Hindi na ligtas ang Tokyo ngayon kaya kailangan na kailangan ang serbisyo natin." Seryosong saad ng Team Leader. Humugot ito ng problemadong buntong hininga.

Nagsimulang magbuklat ng pahina ang daliri nito at doon itinuon ni Shin ang tingin.

Mga pictures ng mga babaeng duguan..

Walang damit..

At wala nang buhay ang pangunahing laman ng folder ng matanda.

Tumaas ang kilay nyang tumunghay sa binabasa ang nalikop na ibedensya mula sa pagpatay. Halatang lango sa droga ang mga gumawa nito base kung paano nila babuyin ang katawan ng mga pinaslang.

"Sa tingin mo tao pa ba ang makakagawa ng kababuyang ito?" Malungkot na tanong sakanya. Humulas ang matikas nitong dating bilang team leader at bumaha ng kalungkutan ang may kulubutang mukha nito.

Umangat ang labi ni Shin sa isang litrato ng isa sa mga biktima. Dukot ang dalawang mata nito at sa isang litradto katabi niyon ay isang karumaldumal kung saan tanging kapwa mamatay tao lamg ang makakasikmurang tanawin iyon. They put her eye balls where the other balls located between her thigh.

Napailing sya. He wants to kill those psycho and gave them how he was so please to kill them.

Hindi nag-aksayang umimik sa kinauupuan ang binata sa harap nito. Mas minabuti nyang magsariling magsalita ang matanda na tila timang sa harapan nya dahil iyon ang mas makakatulong rito.

Mukhang may pinanghuhugutan ito.

Inikot nito ang folder papunta sa harapan nya. "Sa loob ng isang buwan anim na ang kaso ng panggagahasa at pagpatay sa Fifth Whole. Iisa ang kinahahantungan ng mga babaeng nabibiktima." Tumaas ang kilay ng binata at binasa ng mabuti ang kutob nya'y magiging unang misyon nya bilang agent.

Sinundan nya ang nalakap na impormasyon habang patuloy sa pagsasalita ng Team Leader ukol sa kaso. "Pagkatapos patayin at gahasain ang biktima ay iniiwan nila ito kahit saan."

"Kahit ang tapat ng TIA." Basa nya sa nakalagay na folder. Nakangising nag-angat sya ng tingin at sinalubong ang madramang mukha ng matanda.

Makapal nga ang mukha kung sino man ang gumagawa ng kabaliwang ito. Hindi nya mapigilang mapailing habang nakangisi.

Ang TIA pa talaga ang naisipang pagpapansinan ng mga kriminal.

Makakaramdam tuloy sya ng pananabik sakanyang sistema. Intresado sya sa kaso dahil nakakabagot maglagi sa apat na sulot ng opisina nila. Wala pang kwenta ang mahigit tatlong linggo nya bilang Agent.

Hindi sya makalusot sa security ng ahensya at mas lalong napipikon sya sa kulitan ng kasama nya.

Nasa punto na si Shin na manutok ng baril sa  madaldal ng lalaking iyon na walang ginawa kundi isigaw ang apelyido nya kada libreng oras.

"At dahil sa delikadong nangyayari ngayon ay kinakailangan ni Senador Mizuhara ang proteksyon ang para sa anak nya."

Nawala ang mapaglarong ngisi ng binata at umayos ng upo. Nawalan sya ng interes sa binabasa at malamig na tinitigan ang matanda.

Hindi nya gustong ipaulit ang narinig at baka hindi nya santohin ang mas mataas pa sakanya ngayon.

Ngunit ilang beses syang napamura sa isipan.

Pinaglololoko ba sya ng nasa harapan? Ang dami nitong sinabi at nakuha pa nitong magdala ng kalungkutan sa kanyang paningin na akala nya ay matutuwa sya sa kahihinatnan ng pag-uusap nila.

"Anong ibig mong sabihin?" Maangas na tanong nya. Naggalawan ang muscles nito sa panga at madilim na pinakatitigan ang kulubot nitong mukha. Wala syang panahon makipagbiruan sa mga matatanda.

Umiling si Mister Himura sa nakikitang pagkapikon sa mukha ng binata. Gusto man nyang bawiin ang misyon na itatalaga kay Shin ay hindi wala sya sa posisyon para gawin iyon.

"Babantayan mo ang anak ng Senador." Pahapyaw na ngumiti ito at pinagsalikop ang kamay. Tumikhim upang alisin ang tensyon na ibinabato sakanya ni shin.

Ibang klase ang apoy na patungong poot ang sumisingaw na kulay kape nitong mata. Pakiramdam ng matanda ay nakakaharap nya ang tunay na demonyo sa katauhan ng binata.

"Wala na ba talaga akong magagawa para dyan?" Mahinahon ngunit puno ng pagbabanta ang tinig at laman ng tanong nito.

Tiniklop ni Shin ang folder at initsa iyon sa gilid ni Mister Himura. Nakakawalang respeto ang asta ng binata mula sa Team Leader na kaharap ngunit balewala ito kay Shin.

"Ikaw ang pinakamataas at pinakamagaling mula sa base C kaya ikaw ang pinili ni Mister Mizuhara." Ngiti ni Mr. Himura.

Patuyang ngumisi si Shin. Halatang hindi nasiyahan kahit pa pinuri sya ng nakakataas. Aanhin mo ang karangalan na pinatong sa ulo mo kung ipot pala iyon?

Pinakamagaling huh?

Nag-umpisang mapailing sa pagkadisgusto ang binata sa pinagsasasabi ni Himura.

Kalokohan.

Isang malaking kalokohan.

"Tingin mo natutuwa ako?" Kalmadong tanong nya at pinaglaruan ang hinugot na ballpen sa isang tabi. Inusog ng binata ang swivel chair at tuluyang hinarap ang matanda.

Kung pagbabasehan ang aura ng dalawa ay hindi mo aakalaing si Shin ang nasa mababang ranggo laban sa mahigit dalawampung taon paninilbihin ni Himura sa ahensya.

Hindi tulad ng isa.

Na kahit baguhan at walang panama kung titulo lang ang ipaghahambing.

Ngunit sakabila non ay mas nakakalamang ang mas bata sa mabigat na presensyang pumapalibot sa katauhan nito.

Ang masasamang aura na kumakalat sa katawan at tumatagas sa mga mata.

Kinalma ni Himura ang sarili't pilit tinatapatan ang matitiim na titig ng mas bata. Hindi nya inaasahan na sa kabila ng maamong mukha ni Shin ay nagtatago ang dyablo.

Kalmado ngunit ngali-ngaling sipain ng binata  ang mesang pinagpapatungan ng nakasalikop na kamay ni Himura.

Naka-dekwatro sya at binabangga ang dulo sa mahogany table sa suot nyang rubber shoes.

Paulit-ulit nyang ginagawa iyon habang pinagdedisyunan kung matutuwa ba syang sipain ang mesa at mamilipit sa sakit ang madadaganang Himura.

Isang body guard..

Iyon ang magiging unang misyon nya.

Nanliit ang kanyang mata patuloy na natutuwa sa baba.

Nakakatuwa ang nangyayari sa buhay nya.

"Ishikawa." Untag sakanya. Hindi nya ito pinansin dahil abala sya sa pagpapakalma.

Hindi naman masama kung pagbigyan nya ito diba?

Nag-angat sya ng tingin at ngumiti sa matanda. Na tila walang masamang aura na kumakain sa katauhan nya.

Mabilis na tinuya ng matang iyon si Himura bago mangalumbaba si Shin sa babasaging mesa. Inilapit ang mukha at tinitigan ang malapit ng mamatay ilang taon simula ngayon.

"Walang problema sa'kin. Sino uli ang babantayan ko?"

Nakahinga ng maluwag ang matanda at nakaramdam ng kaginhawaan sa paghinga.

Humupa ang maitim na aura ni Shin at kalmado na ang presensya nito.

Di tulad kanina.

Nasa pakiramdam ni Himura na sinesentensyahan na sya sa impyerno. At isang huwad na anghel ang nasa harapan nya ngayon..

Nakangiti.

Napakaamo ng kulay kapeng mata.

At may kakulutang buhok tulad ng kerubin.

Lahat ay napapaamo nito sa isang tingin at nalalagas sa konting daplis.

"Maganda kung ganon. Tiyak na mapapanatag ang loob ni Senador Mizuhara kapag ikaw ang magbabantay ng anak nya." Masayang usad ni Himura.

Nasa isip ni Shin na sipain nalang ang Himura na ito. Hindi sya natutuwa sa pagbanggit nito sa salitang tagabantay.

Hindi palang nya nakikita ang babantayan ay gusto na nya itong pilipitin sa leeg.

Carrying The Demons ChildWhere stories live. Discover now