Chapter 3

4K 77 1
                                    

Matamis na ngumiti ang babae ng makuha na nito ang atensyon ng binata. Inayos nya ang ngiti at tayo upang masipat sya ng binata kung gaano kaganda ang nasa harapan nito.

Aminado ang nasa harap ni Shin kung anong katangian meron ito ngunit hindi iyon pinagkaabalahang sipatin ng binata.

Ni hindi bumaba ang tingin nito tulad ng nakagawiang gawin ng mga ibang lalaki. Nanatili ang nanlalamig nitong mata at hindi naapektuhan sa mainit na dating ng babae.

"Can I sit here?" Malambing na turo nito sa bakanteng upuang nasa harap ni Shin. "Wala na kasing bakanteng upuan.." Anito at ginala ang mata sa paligid upang mapagunayan ang sinasabi nito.

Halos mabilaukan sina Yamamura na nagmamasid sa tagpong nasa harapan nila.

"Ang tindi talaga ni Shin!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Yamamura. Hindi nila ginalaw ang pagkain at pinapanuod ang susunod na mangyayari. "Papaupuin kaya nyan?"

"Oo naman." Sagot ni Haru. Sino ba naman ang tatanggi sa grasya?

Kahit sino ay gaganahang kumain kapag ganon kaganda ang sasalo sa'yo lalo na at ito ang kusang lumapit. Nakaramdam sya ng konting inggit kay Shin dahil ito ang maswerteng lalaki na nilapitan ng babae.

"Magkano ang lagay para dyan?" Ngisi ni Yoturi sa dalawa. Hinagis nya ang fries sakto sa bukana ng bibig nito saka nginuya.

"Mananalo kaba?" Taas kilay na subok nila ni Yamamura. Malaki ang ngisi ng tatlo habang walang kamalay-malay si Shin na pinagkakakitaan na sya pera ng tatlo.

Sumandal sa upuan si Yutori na pinagdiskitahang gawing ring ng bola ang bibig nito nakaka-shot ng fries. Walang palya ang bawat hagis nito ng fries habang pinapanuod na gumala ang pera sa kanyang palad.

Nakatayo parin ang dalaga sa harap ng kasamahan na ramdam nyang walang balak ukupahin ang babae. Gustong humagalpak ni Yutori dahil sa nakikitang humuhulas na ang matamis na ngiti ng babae. 

Oo, kung sa ibang lalaki na kagaya nila ay malugod nilang pauupuin ang dalaga hindi lang sa tapat nila kundi maging sakanilang kandungan.

Ngunit ang kasamahan nila ay walang amor sa kababaihan. Bilib sya kay Shin dahil isa itong one woman man sa dating kasintahan na Rosevelt ang pangalan.

Naiintriga talaga sya sa babae ni Shin. Siguradong napakaganda nun kaya ganito itong si Shin.

"Pwede bang makisabay sayong kumain?" Mabining tanong ng dalaga. Malapit ng bumaba ang karisma nya sa lalaking matiim ang mga matang nakatitig sakanya. Hindi ito nakikitaan ng admayrasyon at pagtangi na para bang isa lang syang generikong babae na nagkalat sa mundo.

Gumalaw ang braso ni Shin. Pinanabikan iyon ng mga kasama nya. Kumislot si Haru ng mabilis na pinaikot ng bakanteng upuan sa mesa nila at iniharap sa kanila ang bakenteng upuan.

"Anong.." Hindi nakapagsalita kahit sino man sakanila. Tulala sila sa ginawang kawalanghiyaan ni Shin.

Harap-harapang ipinamukha nito na ayaw nyang may kasalo sa pagkain kahit ganito pa kagandang babae ang nasa harapan nya.

Maging ang babae ay nanlaki ang mata at awang ang mapulang labi na nakatunghay sa binata. Malabo ang pagkakarehistro ng utak nya sa nangyari.

Hindi inaasahan na may tatanggi sya lalo pa at nilagyan nya ng effort ang pagtayo sa harapan ng lalaki. Hindi sya makapaniwala na nikipat nito ang upuan sa limang kalalakihan na halatang gulat rin at nakita ang kahihiyan nya.

Asar na dumaing sila Yamamura at Haru at sabay hinugot ang kanikanilang pitaka sa bulsa.

"Madaya ka Yoturi." Reklamo ni Haru at nilagay sa mesa ang isang libong papel. Huminga ito ng malalim bago pakawalan ang pera.

Carrying The Demons ChildМесто, где живут истории. Откройте их для себя