Chapter 2

6.2K 93 0
                                    

"Mahirap talaga arukin ang takbo ng mga utak ng babae." Panimula ng lalaking inuulan ng hikaw sa mukha.

Bagot na bagot si Shin sa usapan ng mga kasama. Bakit ba napunta sa mga babae ang usapan nila? Wala syang panahon para pag-interesan ang mga babae sa mundo. Iisa lang ang babaeng pinagnanasaan nya.

Hindi pagnanasang laman kundi pagnanasa ng paghihigante. Kahit kelan ay hindi maaagaw ng kanino man ang inuukol nyang atensyon mula rito. Kung masasabi mang obsess syang tao dahil roon ay nagagalak syang ngisihan iyon.

"Pero maiba nga tayo. Bakit ba sa babae tayo napunta?" Takang tanong ng lalaki sa mga kasama. Nagsi-ingusan at nagkunutan ang kasama nya sa tanong nito.

"Ikaw ang nagsimula ng usapan Yamamura." Natatawang saad ng lalaking kasama nila.

Hindi nagkakalayo ang edad nilang apat kumpara sa kasama nilang Team leader na pwede na nilang maging tatay.

Nagtawanan ang mga kalog na kasama ni Shin habang sya ay pinagkasya ang sarili sa nagmamasid sa paligid.

Nakalabas na sila sa building na pinapasukan kung saan agad sumalubong sakanila ang maingay na paligid. Mga nag-uunahang busina ng mga kotse at malalakas ng maneobra ang pumupuno sa buong paligid.

Bunga iyon ng modernesasyon ng henerasyon.

"Hayst, ang ingay talaga rito sa labas." Reklamo ni Haru at pasimpleng nagtakip ng tenga.

Masakit sa ulo ang ingay na nagmumula sa makina ng iba't ibang klase ng sasakyan. Hindi iyon kaaya-ayang pakinggan at nakakairita.

Tumigil sa paglalakad si Shin ng makita ang dalawang team leader nilang tumatawid sa kabilang kanto. Nasa pedestrian lane na sila at naglalakad kasunod ang mga kasama nyang hindi napansin ang paghinto nya sa paglalakad.

Pinanuod nyaa ng mga kasama na masayang naghahagalpakan sa mga maliliit na bagay. Kabaliwan ang bagay na iyon para sakanya. Bakit pinagkakasya nilang maging masaya kung may nakakasaya pang gawin kesa dumaldal?

Hindi nya ninais na maging masaya at kalimutan ang nangyari. Hindi nya pwedeng gawin iyon dahil makakalimutan nya ang sakit at tuluyang palayain ang mga kriminal na iyon. Mas pipiliin nyang maging mesirable at patuloy na mabuhay sa paghahanap ng hustisya.

Ayaw nyang maging masaya.

Gustong-gusto nya ang umiigting na galit sa kanyang kaibuturan.

Sa pagkamunghi sa mundo ay doon sya nahasa at naging malakas.

Doon sya nagkaroon ng misyon para mabuhay.

Ang huminga araw-araw ang pinakaayaw nyang gawin sa lahat.

"Shin!"

Napawi ang madilim nyang aura sa pagtawag sakanya ng mga kasama. Nag-angat sya ng tingin.

"Halika na!" Kaway nila para tumalima sya. Nakatayo ang mga ito sa daan at itinuro ang poste. Malapit ng mag-green light tanda na hindi pwedeng dumaan. "Bilis!" Atat na tawag ulit sakanya.

Gustong-gusto nyang paliparin ang mga ito at mawala sa kanyang paningin. Nakaka-perwisyo sila ng buhay.

Ibinulsa nya ang parehong kamay sa bulsa ng kanyang pantalon upang maitago ang nanggigigil nyang kamao.

Hinintay nga sya hanggang makalapit si Shin habang nasa gitna sila ng daan. Hindi nila alintana kung may nakatingin at iniisip kung anong klase utak sila at bakit sa dami ng pwedeng paghintayan ay sa gitna pa talaga ng daan nila napili.

"Oh, bakit ang tagal nyo?" Nasa boses nito ang paninita sa kasama ng kanilang team leader.

Pangit ang tinging pinasadahan nito ang handle ni Mr. Himura na mga baguhan.

Carrying The Demons ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon