Chapter 35

655 18 10
                                    

"Pinag-iingat ngayong ang publiko dahil sa isang hindi kilalang grupo kung saan walang awang pinapatay ang mga biktima sa loob mismo sa kanilang tahanan...

"Pa..palitan mo nga iyang palabas at ako kinakabahan sa mga balita.

"Okey na rin iyan Ma, Buti ngay alam natin ang mga nangyayari sa paligid. Kita mo ito matipuhan lang ang bahay mo'y loloobin na--"

"Kaya nga patayin mo na iyang TV at kumain na tayo. Buntis pa naman iyang si Aga, Hindi maganda sa buntis ang mga ganyang palabas. Hindi pa ba kayo kakaing dalawa?" Untag samin ni Tita dahil wala yatang balak ang katabi ko na tumayo upang kumain. Nanatiling nakasandal ito sa sofa habang hawak ako sa bewang. The usual. Malalim na naman ang iniisip nito.

"Gutom kana ba?" Baling nito sakin gamit ang inosenteng tingin.

Gusto kung mapairap dahil akala mo aware syang kanina pa nya ako katabi. Feeling ko nga kala ng kamay nya keyboard ng laptop ang bewang ko kung pindot-pindutin nya.

"Kelangan kung kumain para sa anak mo." Nanggigigil kung utas dahil na rin sa inis.

Gusto ka na talagang hilahin ang araw upang makauwi na kami samin. Kahit hindi na sya sumama total naman ay lagi syang wala. Kung andito naman ay kaharap lamang ang laptop o kaya ay laging mga natawag dito.

Ramdam ko ang pagbumuntong hininga nito sa tabi ko at ang pagsandal nito saking balikat. Nabigla man sa iniakto ay hindi ko sya tinabig dahil ito ang unang pagkakataon na nagpakita ito ng kapaguran.

Gusto kung magtanong kung may problema ba ito ngunit sa ilang buwan kung nakasama si Shin ay hindi ito klase ng tao sa magsasabi ng nararamdaman. Imbis na magtanong ay inakbayan ko nalamang sya at pinaglaruan ang kanyang tenga.

Wala kaming imik sa sala at tanging ingay na naggagaling sa TV ang umuukupa sa paligid. Kating kati na ang dila kung magsalita. Bakit ba ako naga-adjust sa damuhong Shin na ito?

Di ba sya dapat mag-adjust sakin? Nakakabait ba ang buntis?

"Gusto mo kumuha ako ng bahay para satin?" Biglang lumabas sa bibig nito.

Lumabi ako at halos mapaiyak kahit hindi ko sure kung tama ba ang narinig ko. Kukuha daw syang bahay para samin.

Ang ganda sana non kung may uuwing Shin talaga. Kung nagsimula talaga kami sa maayos na paraan. Kung wala kami sa ganitong kalagayan. Kung mahal namin ang isat isa.

Kung sa ibang pagkakataon nya sinabi iyon ay baka mag-iiyak ako sa tuwa.

Mapait akong ngumisi habang nakatutok ang mata sa TV. Bumaba ang haplos ko sa balikat nya at doon humaplos. Huwag mo nang pilitin Shin...

"Okey lang naman ako. Wala rin akong alam na lulutuin kaya baka magkagutuman lang kami ni baby." Ngisi ko sabay tapik sa maumbok ko nang tyan. Bumagsak ang tingin ni Shin sa aking tyan.

Well, kahit ilap sakin si Shin ay hindi naman ito nagkulang sa pag-aalaga sa baby. Kita sa mga mata nito ang pagkasabik kada nakikita nya ang paglaki ng aking tyan. Every morning before sya bumangon ay nararamdaman ko ang paghalik nya sa aking tyan habang bumabati ng magandang araw.

Somehow..I envy our baby. Ni hindi kasi umangat ang saya sa mga mata nito para batiin rin ako. Isang bati lang masaya naman ako. Pero ang hirap hirap ipagawa iyong kay Shin.

"Busy ka bukas?"

"Bakit?"

Tignan mo to.

"May pupuntahan kasi si Tita bukas. Hindi nya ako masasamahang maglakad sa Park. Pwede ka ba bukas?" Lambing ko upang mawala ang swestyon nitong kumuha ng sariling bahay.

Carrying The Demons ChildWhere stories live. Discover now