Chapter 28

1.8K 57 19
                                    

"Ayokong umalis." Ungot ko kay Shin. Pinipilit nya akong ibangon mula sa hospital bed ko dahil uuwi na daw kami. Ngayon pang nasanay muli ako sa malinis sa lugar ay idadala na naman nya ako sa amoy bodegang lugar na yon. Baka maging pangit ang anak ko kapag nagtagal pa ako doon.

Niyakap ko ang unan at tinalikuran sya. Isang linggo na akong nagpapalusot na nanghihina ko at masama ang pakiramdam dahil ayaw kung bumalik sa lugar ni Shin. Pinapatulan naman nya ako sa mga palusot ko nong nakaraang linggo pero ngayong nauubusan na ako ng dahilan para mag stay sa ospital.

"Please Shin. Sa hotel nalamg tayo mag-stay?maselan ang pagbubuntis ko!" Nakangusong reklamo ko at itinuro ang flat ko pa namang tyan.

Bumuntong hininga ito at hinawakan ang pala-pulsuhan ko. Sa pagkakapit ng kamay nito ay alam kung desidido itong makauwi kami. Gusto kung umiyak sa pagdidiri. "Baby naman!" Gusto ko magpapadyak nong sumayad ang paa ko sa sahig.

"C'mon." Tangay ang kamay ko ay maingat nya akong hinila palabas ng kwarto. Nakabusangot akong sumunod at inaayos ang mahaba kung buhok.

"Please mag-stay pa tayo dito?" Malungkot kung wika. Pakiramdam ko talaga Hotel ang tinutuluyan ko at hindi ospital compared mo naman sa bulok na apartment nito. Kahit na tipikal na ospital lamg naman ang pinagpadalhan nya sakin.

"Hindi na tayo titira doon." May pagsukong saad nya. Nagliwanag ang mukha ko at nilingkis ito sa braso. Sumandal ako sa braso nito at halos ibaon ko ang mukha sa sakanyang dibdib.

Lately napapansin kung nagiging clingy ako at halos ayaw ko syang mawala sa paningin ko. Wala nga itong magawa dahil pakiramdam daw nito ay maaatake ako sa puso kapag pinandidilatan ko sya ng mata. Dito na rin ito natutulog at naliligo bago magpaalam kung saan man ito pupunta para daw sa trabaho.

"Talaga? So saan mo ako ibabahay?" Masaya kung tanong like it is so not big deal. Medyo tanggap ko na tapos na ang buhay pagdadalaga ko at nakakacope up na akong magiging Mommy na ako soon.

"Sa parents ko." Tila pagod nitong saad. "Bakit?" Yamot nyang tanong nong tumigil ako sa paglalakad.

"San tayo titira?" Pamaang kung tanong.

"Sa parents ko."

"Hindi mo ba afford bumili ng sarili mong bahay?" Nandidilat kung tanong rito.

Kumunot ang tingin nya sakin. "Alam mo ba kung ilang taon lang ako?" May panunumbat na tanong nya sakin.

Dumagundong ang puso ko sa sinabi nya. Don't tell me-

"Oh my Ghad! How old are you!" Pahisterya kung tanong. "Ako kasi Twenty three na ako! I already have my own cars and a condo unit dahil sa kinikita ko as a model."

Maangas na ngumiwi ito at napailing. "I am just turning twenty next month. Earn nothing. Happy?" Masungit na wika nito sakin. Hinila nya ako upang makalakad.

"Your too young!" Bulalas ko. Damn! Sweet Nineteen palang sya! Pwede nya akong isumbong sa FBI.

"So?" Asar na sagot nito sakin. Mukhang natamaan ang ego nito dahil sumasagot na ito. Tumawa ako sa pamumula ng mukha nito at kinurot ito sa pisngi. Cute cute naman ng Daddy ng baby ko. Batang bata!

Nagpatianod ako ng padarag nito binuksan ang sasakyan. "Eh ito? Kanino to?" Nakangising kung asar turo sa gagamitin naming sasakyan. Mamahalin kasi itong model ng Subaru.

"My parents. Happy?" Kung pwede lang sigurong ibalya nya pasara ang pintuan habang nasa gitna ako ay gagawin nito. Pikang pika kasi ang ekspresyon ng mukha nito. Pikon.

Pumasok ako sa loob ng sasakyan at baka magbago ang isipan nitong ibalik ang karma sakin. Nagpakabait ako buong byahe para wag sapian ng masamang espirito si Shin at baka iliko nalang bigla ang sasakyan.

Carrying The Demons ChildWhere stories live. Discover now