Chapter 14

2K 40 1
                                    

Well..

Pwede naman akong mag-stay sakanya dahil katakam takam sya at ililipat nya ako sa kwartong pwede akong mag-selfie pero..

Teka nga-

Tumawa ako ng malakas at yong tipong sagad sa pang-iinsulto ang tono. Patuyang tumigil ako at seryoso ko syang tinitigan.

Ang macho nya.. tumabingi ang paninindigan ko dahil sumisilip na naman ang kalandian ko. Nadi-distract ako sa abs nya.

Whew.

Sinong hindi mawawala sa katinuan kung ang lalaking ito ay malapit ng dumamba sakin sa pwesto nya?

Tumuwad ito sakin at malapit ko ng ipailam ang sarili ko sakanya. Nanlalaki ang mata ko dahil sa excitement. Ang juice ko kumakawala na naman.

Nakakaasar na ang pinag-iisp ko. Umaariba na naman ako sa kalandian pero I can't help it. Nakakakapos ang kakisigan nito. He effortlessly attract a girl in an single stare.

Iyong tipong hindi sya intresado na titig na mas lalong ginaganahang akitin ang lalaking ito.

Pero dahil maganda ako hindi ako magpapatalo.

"I'm sorry pero may bahay ako." Mataray kung alma at nakuha ko pang magtaas ng noo.

Magkalapit tuloy ng husto ang mga mukha namin.

Nilabanan ko ang pagkagulat dahil sa lapit ng mukha namin ngunit pumalpak yata ako sa larangang iyon.

Ang pogi-pogi nya kasi. Ito ang mukhang tinatawag na..

Nakakademonyong kagwapuhan.

Maamo ang mukha nito ngunit nakakatakot syang titigan. Hindi ko alam kung paano iyon ii-explain dahil nakakataranta sa sistema ang mga titig nito.

Nakakapaso.

Hindi sya kumibo at nakatitig lang sakin. Ni hindi nga bumaba ang tingin nya sakin patungo kung asan paborito iyon ng mga assholes.

Himala ang lalaking ito ah.

Usually doon ang bagsak ng mata ng lalaki. Kulang nalang ay kausapin nila iyon na parang doon nakatutok ang mata mo.

Akala mo naman kasi yong nipples tinubuan ng mata. Mga walang hiya sila.

I roll my eyes. Nakukuha ko pang makipagbiro sa sarili to think na may balak na masama sakin ang lalaking ito.

"Alam mo ba kung sino ako?" Buong pagmamalaking tanong ko sabay taas ng kikay.

Everyone knows me, of course.

Ako lang naman ang laman ng mga naglalakihang billboard na nagkalat sa Tokyo.

I am Aga Mizuhara at the best.

The freaky-Geeky Goddess supermodel.

Hindi na ako mayabang sa lagay na iyan. Dahil-- look at me. Nakakulong sa apat na sulok na hindi ko alam na nagi-exist pa pala.

Ni hindi man lang ito nahiya na iuwi ako sa bulok na kwartong ito. Na hindi ito bagay sa kagandahan ko.

At wala ba itong balak magsalita? Kanina ko pa napapansin na kami nalang ng sarili ko ang nakikipagchismisan.

Hindi ko alam kung ano ang mas nakakabaliw. Ang pagkausap sa sarili o ang pagkausap sa isang wala sa sarili.

"Hungry?" Finally bumuka ang bibig nya.

I inhale.

Nice breath. Not bad.

Pero hindi ba nakakaintindi ang lalaking ito? One time big time lang ang nangyari samin and wala ng part two.

Carrying The Demons ChildWhere stories live. Discover now