Chapter 7

2.7K 51 0
                                    

"It's been a while since the last time I saw you. San ka ba nagsususuot?"

Nag-angat ako ng tingin at nagkibit balikat.

"Sa sinapununan ni mommy." Seryoso kung saad like what the heck.

"What?" Bother na tanong ulit ni Akiko.

She take my joke seriously kaya ngumisi ako at nakatanggap ng isang palo sa braso.

"Aray naman." I prostested.

Ang sakit nyang mamalo. Kung lumpuhin ko kaya ito at subukang isiksik sa obaryo ni Tita Azul?

Tumawa ito at hinila ang upuan ko ng nakaupo ako- take note para magtabi kami ng dikit.

"Lumayo ka nga Akiko!"

Kung isang gwapong mama lang ang gagawa non sakin ay kikiligin at magpapakandong nalang ako para masaya.

Ngunit slow ng katabi ko at ngayon lang in-absord ng utak nya ang biro ko tungkol sa matris ng mommy ko.

"Ang adik mo talaga Aga!" Tawa nya. I roll my eyes.

Medyo nakakatawa naman ang sinabi ko pero hindi naman ganon nakakatuwa.

At nakakapagpalabas ng ngala-ngala.

Pero dito..

It's like it was the best joke she had ever heard for the rest of her life.

Oh, come to think of it.

Ako lang pala ang kinakausap at nakakausap nito dahil Introvert ang weirdo. Hindi ko nga alam kung paano ako na-ugnay dito gayong ang ganda-ganda ko.

Hindi naman sa ugly ang kaibigan ko.

Pero..

Parang ganon na rin pala iyon kapag natatabi ako sakanya. Imagine me at your side. Tiyak mararamdaman mo iyon.

So..

Kapag ayaw mong masapawan kung ano man yang ikinagaganda mo. Better not be on my sight or atleast lumayo ka sakin ng ilang milya.

O, kung gusto mo namang ariin ang mundo at ipangalandakan na ikaw ang pinakamaganda don ka sa mars tumira.

Para may maniwala.

"Pero hindi nga? Your dad keeps on calling me-"

"Baka type ka nya?" Agap ko sabay tawa. Kapag narinig iyon ni mommy ay for sure sandok ang aabutin ko don.

May bombilyang biglang sumindi sa isipan ko.

Kung itago ko kaya ang sandok ni mommy?

Tapos ipa-bid ko sa susunod na auction na company namin.

"Alam mo malala kana." Nakangusong sabi ni Aki.

Mas cute pala ako kaysa sakanya kapag nakanguso.

Kapag ako nag-pout sexy and daring.

Kapag si Aki ngumuso.

Mukhang kuhol.

Kinalampag ko ang mesa ng dalawang beses at bumunghalit ng tawa with poise. Ako lang ang nakakagawa non at wala akong balak i-share.

Naiwan sa ere si Aki na hindi alam kung makikisakay sa kabaliwan o ngingiwi dahil baliw na ako.

Hindi nya masakyan ang trip ko sa buhay kahit seven years ko ng pinagtitiisan ang makapal nyang eye glasses sa mata.

Para syang tutubi na nag-evolved. At ako ang fairy Goddess nya.

Hindi ako nag-atubiling ituloy ang tawa ko kahit I'm looking a crazy hot chick kesa kay Akiko na ang tino tignan.

Carrying The Demons ChildWhere stories live. Discover now