Chapter 32

1.5K 46 25
                                    

"Anong gusto mong flavor?" Tanong sakin ni Shin habang nakapwesto ito sa likod ko at nakahawak sa aking bewang. Namimili kami ng mga ice cream kasama ang impaktita nyang kapatid na halos agawin sakin si Shin at ilingkis ang mala ahas nitong katawan sa kapatid.

Iritadong pinigilan ko ang sarili upang bugahan ng nakakainis na tingin ang kapatid nitong adik yata sa kuya. Kung seloso lang ako ay baka bigyan ko ng malisya ang mga kilos ni Valerie.

Bukod sa labas ang sideboob at cleavage nitong na nakikiskis sa braso ng kapatid ay halos hindi ako malingon ng lalaki dahil panay agaw pansin ng kapatid nya dito. At ang bwesit na lalaki! Hindi man lang nag effort na kausapin ako at hindi na ako pinansin!

Halatang hindi ito natutuwa dahil kaagad napuputol ang sinasabi kapag ako ang kakausapin pero imbis na sitahin ang kapatid ay hinawakan nalang ako sa bewang habang nag uusap silang magkapatid. Gusto kung magmura at pag-uuntugin silang magkapatid. Akala nya ba okey lang sakin iyon?!

Frustrated akong mapahugot ng buntong hininga at sumandal sa matigas na katawan ni Shin.

"Nahihilo ako.." Drama ko. Taena. Hindi ako makakapayag na maisahan na naman ako ng kapatid nito. Ni hindi nga ako binati o tinignan kanina.

Naramdaman ko ang maingat na paglapat ng palad nito sa bumbunan ko at maingat akong minasahe. Hindi ko mapigilang mapangisi dahil sweet ang gestures nito lalo pa at halos nakayakap ito sakin.

"Kaya mo pang maglakad?" Malumanay nitong tanong. Yiiee! Hindi nagtataray ang baby Daddy kahit wala pang pagsaboy ng grasyang nagaganap!

Tumango nalang ako ng nagpatuloy sa pag-iinarte lalo ng dumating si Valerie dala ang madaming junkfoods. Hindi kami gumalaw ni Shin at patuloy lamang itong maingat na nagmamasahe sa bumbunan ko.

"Bawasan mo yan." Malamig na utos ni Shin tukoy sa dala-dala ng kapatid. Pero ang bwesit pa-cute na umungot at nagapapadyak. Bumagsak tuloy ang mata sa suso nitong nagpapadyak rin sa laki!

"Eh kuya good for a month naman ito. Kakainin naman natin ito kapag nanuod tayong mga movies." Hirit ng kapatid bago lumapit samin at halos tumawad sa harapan namin habang salikop ang kamay sa baba. Pacute ampota.

"Bawasan mo. Hindi kakain ng ganyan si Aga."

"Ehem.." Pinamulahan ako at hindi inaasahan na manggagaling iyon sa pasmadong bunganga ni Shin.

Ngingisi-ngisi tuloy ako habang nakatingin sa ngayon ay nakasimangot ng si Valerie. Umayos ito ng tayo at halos hindi ko makitaan na masayahin itong uri ng suso.

"Hindi naman talaga sya kasali dito." Irap ng babae at iniwan kaming nakatunganga ni Shin.

Pagak akong natawa dahil hindi ko inaasahan na ipaparinig nya sakin na ayaw na ako sa pamilya nya. Im not freaking hurt by the way. Vakit? Kapatid lang sya.

Hindi ako ang tipo ng lalaking impakta na gustong i-please ang lahat. Mas gusto ko nga na namamatay sila sa inggit. Even that Shins sister or not. Wala akong pakialam. Bakit? Totoo naman mas maganda ako sakanya at puro nakakautang suso lang ang meron sakanya.

"Na-stress ako sa kapatid mo." Hindi ko mapigilang sabihin kay Shin. Tiningala ko sya upang sitahin ito sa asal ng kapatid at ang kawalan nito ng reakyon ngunit bago pa ako makautas ng salita ay agad nitong sinalubong ang labi ko.

Nang dila nya!

My Ghad! Tunaw kang Stress ka!

Halos makalimutan ko kung nasan kami dahil sa agresibong paghalik ni Shin sakin. Like. Nasa grocery store kami na lahat ng daraan ay makikita ang dila ni Shin na labas masok sa bibig ko!

Carrying The Demons ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon