Chapter 19

1.8K 48 0
                                    

"Shin."

Tumaas lang kilay ko. "Shin..?" Nasan ang karugtong?

Paano ko sya maipapadampot sa pulis kung pangalan lang ang meron ako? Ilang milyon ang nakatira sa Tokyo at ilang daang ang nagngangalan ng Shin.

Hindi ako satisfy ko sagot nya kaya mangalay syang buhatin ako. I'll hold him tight at nagtaas ng kilay para pararating na walang bababa dahil hindi nakakatuwa ang sinagot nya.

Sumagot na nga lang kasi, kulang pa. "Apelyido mo?" If his an idiot sasagutin nya ito.

Bagot na bumaba ang titig nya sakin at malamig na bumuga ng titig. "Ishikawa."

Idiot nga.

Sumilay ang matamis kung ngiti dahil sa katangahan nito. Akalain mo iyon? Bumigay sa bitag ko. He looks pretty confident pa naman sa pagbroadcast ng buong pangalan nya.

Sayang. Ang pogi nito ngunit hindi nag-iisip.

Ang pinakaayaw ko pa naman ay yong lalaking hindi marunong mag-isip. Nakakasira ng genes 'yon.

"Wala ka talagang balak bumaba?"

Nagkibit balikat ako at kunwari's pinag-isipan ang sinabi nya. Hindi pa naman ako naiihi kaya okey lang sakin magpabuhat sa malalakas na bisig nito.

Actually kinikilig pa nga ako.

"Bagay pala ang apelyido mo sa pangalan ko 'no? Aga Ishikawa what do you think?" Pang-aasar ko sakanya.

At sa sarili ko.

Hindi ko lubos maunawaan kung bakit bigla nalang iyong lumabas sa utak ko. Hindi ako ganon ka-cheezy na tao dahil puro panlalandi lang minsan ang alam ko.

I never took it seriously dahil bata pa ako.

Fun fun lang muna ngayon.

Lumabas ang wrinkles ni mamang pogi at galit na pinagmasdan nya ako. What? Hindi ba ako pasado sa taste nya?

Hindi sya kumbinsido sa kagandahan ko? Wala pa akong retoke sa lagay na ito.

Lalo ng hubad nyang nakikita at natural na mukha ko.

"Hell. No."

Booom.

Basag ang balakang ko.

"Aray naman!" Galit na angil ko. Sukat ba namang ilaglag nya ako sapol tuloy ako sa nakasarang toilet bowl.

Sumakit ang balakang ko sa lakas ng hila sakin ng gravity.

Damn, hindi yata ako makalakad sa ginawa nya sakin. Gusto talagang malumpo ako at hindi ako makatakas sa piling nito.

Asar na dumaing ako sa sakit. Napuruhan ako ng toilet bowl sa balakang. Sinubukan kung huwag maiyak sa sakit pero hindi ko kaya. Hindi lang balakang ko ang masakit kundi ang puso.

Ang bastos nya.

First time kung makaranas ng ganitong kabastusan. He doesn't know the word respect. All he knew was being ruthless.

Walang babae o lalaki sakanya.

"I hate you." Mahinang usal ko na punong puno ng galit. I don't fucking care if he heard it and smash my head on the sink. Lalaban ako.

I am facing his groin hidden on his cargo shorts. Pwedeng-pwede ko itong i-headbat kapag napika ako sa pagkatao nya.

Inaalo ko ang sarili ko dahil na pinsalang binagsak nya sakin. This is my first time to this kind of fucking treatment at hindi ko ayon magugustuhan kahit kailan.

Carrying The Demons ChildWhere stories live. Discover now