Chapter 16

1.8K 44 0
                                    

Ang daming mosquitos.

Nakakairita.

I slap my lower leg again when I felt something iyon pala ay pinagpipyestahan na naman ako ng mga walang hiyang lamok na kampon ng lalaking ito.

"Go away!" I scream on a mosquito who pass by my face with its annoying buzz. Bwiset na lamok na ito.

Napakaepal.

Akala naman nya adorable syang titigan at buong puso ang magpapasipsip sakanya ng dugo ko.

Ipaloob ko sya sa palakpak ko eh.

I have a precious type of blood para lang lapain ng walang sense sa mundong mga lamok.

Ipapa-donate ko nalang sa Red Cross kaysa pakinabangan ako ng mga impaktong umaaligid sakin.

"I'm hungry." Bwiset kasing nga lamok na ito ginugutom ako.

Busangot na nilingon ko ang kanina ko pa kasamang lalaki na halatang hindi nya ako gustong kasama.

His busy typing on his laptop while facing me. Naninigurado ang hilatsya ng pagmumukha nitong wala syang balak na naghasik uli ako ng kasamaan sa impyerno nyang bulok.

At talagang ako pa ang may balak diba?

Matalim ko syang tinitigan at ng maramdaman nya ang presence ko. Iyon lang ang kaya kung gawin dahil wala akong magawa mula sa pagkakaposas. Ginawa akong aso ng walang hiya.

Do I look like a bitch to him?

Para iposas ang kanang paa ko at lagyan ng kadena na umaabot sa limang metro kasya na para mapunta ako sa CR na hindi kayang tumakas.

Hayop ang lalaking ito.

Nagpupuyos ang kalooban ko sa ginawa nya. Ginawa nya akong preso sa sarili nitong kulungan. Naririndi tuloy ako sa bawat galaw ko ay kumakalansing ang kadena sa kahoy na sahig.

I want to slash his throat out. Hindi makatao ang ginawa nyang pagbihag sakin.

Ipinosas nalang sana nya ako sa headboard ng kama kaysa ikadena sa paa to look how miserable I am. Ganito ang ginagawa sa mga taong bihag at walang magagawa kundi magpakalugmok sa kalungkutan.

Umalis ako sa kama at pamartsang lumapit sa lalaking abala sa pagtipa ng laptop.

Nag-hysterical ang mga nagbubuhol na kadenang bakal at nabinat ito pagmartsa ko sakanya.

Hindi ako natatakot sakanya dahil mas makapal ang mukha ko kaysa sa takot ko.

Wala eh. Ganon ako pinalaki ng magulang ko.

Tyaka he doesn't look like a killer naman nangunguha nga lang sya ng kaluluwa pandagdag sa koleksyon nito sa mapupulang likido para gawing languyan ng mahahapding karanasan.

"Prepare me foods." Taas noong demand sa gilid nya.

I don't treat myself as a helpless kidnap victim.

Manigas sya.

Magpapakamaldita ako ng sobra-sobra hanggang hindi na nya ako kayanin at pakawalan nalang ako.

Impakto ka!

Ang sarap ibalasubas sa pagmumukha nito ang kadena ko sa paa. Nakakabwiset sya. Napaka-creepy ng dating sakin ng kalansing non.

Parang may multo.

Idagdag pa kung gaano kadumi ang kwartong pinaglalagian namin. It's like a typical kidnap drama scene iyon nga lang feeling close ako sa kidnapper ko.

He urgenty close his laptop like he don't want to reveal something. Tumaas tuloy ang kilay ko.

Praning.

Carrying The Demons ChildWhere stories live. Discover now