CBH 2: Chapter 12 (end)

1.3K 42 4
                                    

RHIAN'S POV

Andito pa din kami sa hospital, kailangan pang magpagaling ni Glaiza, pero so far so good, kasi bumubuti na kondisyon niya.

"Rhian pahingi tubig" utos ni Glaiza sa akin. Agad ko naman siyang binigyan ng tubig.

"Thank you!" Sabi niya habang nakangiti sa akin. Ang cute talaga niya.

"Nagugutom ka ba?" Tanong ko naman sa kanya. Kanina pa kasi yung lunch niya baka gusto na niyang magmeryenda.

"Hindi na okay na po ako. Pero ikaw baka gutom ka. Kain ka" sabi nito sa akin.

Habang nanunuod kami ni Glaiza na nakahawak kamay. Biglang dumating ang mga pulis.

"Good afternoon ho mga ma'am" bati nung dalawang pulis sa amin.

"Ano po yun chief? May kailangan po ba kayo?" Tanong ni Glaiza sa kanila.

"Gusto lang po namin makuha yung statement niyo nung nangyari yung aksidente" sabi nung isang pulis sa kanya.

Agad naman inexplain ni Glaiza yung nangyari. And nalaman niya din na lasing pala yung driver kaya siya napahamak.

"Ok po ma'am. Kakasuhan po namin siya sa paglabag sa batas" aba oo naman muntik ng mapahamak si Glaiza dahil sa kanya.

"Ilan taon na po ba yung driver?" Tanong ni Glaiza sa kanila.

"Mga nasa 53years old po ma'am"

"Mga sir, hindi na po ako magsasampa ng kaso o magpapabayad para sa areglo" sabi ni Glaiza sa kanila.

Laking gulat ko sa sinabi niya! Bakit?!

"Glaiza! Hindi naman pwede yun! Paano kung may nangyaring masama sayo?" Pagsabat ko sa usapan nila.

"Wala namang nangyaring masama sa akin ah. Okay na okay ako. Besides,  you're here" langyang Glaiza na to nagawa pang magpakilig.

"I'll talk to my lawyer about this. Sige na po makakaalis na po kayo. And my decision is final" umalis na agad yung dalawang pulis.

Agad ko naman pinagalitan si Glaiza, pero sabi niya ayaw niyang sayangin yung buhay nung tao sa kulungan, kasi sigurado daw siya na may pamilya siyang pinapakain. Alam naman daw niya na mali yung ginawa nung driver, pero nakakasiguro siya na alam na niya sa susunod at hindi na ito mauulit.

Iba talagang mag-isip tong babae na to. Napakabait.  Kaya mahal na mahal ko to eh. Kaya kung anong desisyon niya, susuportahan ko.

---

"Glaiza anak kamusta ka na?" Tanong ng dad niya pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa room. Medyo mag gagabi na din ng dumating sila dito kasama niya si Alchris.

"I'm okay dad. Don't worry. Magaling mag-alaga nurse ko eh" sabay tingin at ngiti sa akin. Kilig naman ako dun. Hihi

"Salamat Rhian ah." Sabi ni Alchris sa akin.

"Wala yun. Basta para kay Glaiza. Walang kaso" bait ko talaga.

"Nakausap ko na doctor mo Glaiza, pwede ka ng lumabas bukas. Kaya magpahinga ka ng maigi at huwag mong pinapagod pagod si Rhian" si tito talaga. Haha.

"Opo dad. Buti at makakalabas na kami bukas. Gusto ko na ng fresh air" sabi ni Glaiza.

Ilang saglit pa'y umalis na sila tito at Alchris. Sinabi nila sa akin na alagaan ko ng mabuti si Glaiza at kung matigas ang ulo. Sapakin ko daw. Nice one. Hahaha.

"Rhi. Thank you" she said, while holding my hand.

"No worries. Ikaw pa ba? Lakas mo sa akin eh"

Come Back HomeWhere stories live. Discover now