CBH: Chapter 11

4.6K 193 26
                                    

GLAIZA'S POV

Flashback

"So Cha, yan talaga ang balak mo? Pupunta tayo sa resort niyo?" Tanong sa akin ni Chynna. Nasa University ako ngayon kung saan ako nagtuturo dati. Grabe namiss ko yung mga dati kong estudyante, pati na rin mga co-teachers ko. Namiss kong magturo, pero dahil nga may pinanghahawakan akong kasunduan, mukhang malabo ng makabalik pa ako.

"Oo, tutal malapit naman na ang break niyo. So pwede tayo dun. Libre ko lahat.. Yung sasakyan niyo sa akin, yung tutulugan at kakainin niyo, sagot ko. 3 days and 2 nights lang naman tayo dun eh" paliwanag ko sa kanya.

"Eh kamusta naman ang pangliligaw mo ng patalikod? Tuloy tuloy pa rin ba ang pagpapadala mo ng bulaklak?" 

"Everyday naman yan eh. Hindi nawawala. Alam mo ba, ang saya saya niya kapag nakakatanggap siya ng bulaklak. Makita ko lang siyang nakangiti buo na ang araw ko." Tumango naman si Chynna sa sinabi.

"Pero cha, paano kung mainlove siya sa secret admirer niya, pero HINDI SAYO. Paano ba naman kasi nagtatago ka eh, kahit ikaw yung secret admirer niya, pero hindi ikaw ang nakikita niya. Kuha mo?" 

Nakuha ko naman yung point niya. Kaso nga dinadaga ako. Hindi ko pa siya kayang ligawan.

"Alam ko yun, at kung sakali handa akong magpaliwanag." I said,

"Ok sabi mo eh. Pero kailan ba yang outing natin?" 

"Balak ko sana next week. Kaya dapat ready kayo. Hahaha. Sige Chyns. Ikaw na magsabi sa mga co-teachers natin, susunduin ko na si Rhian sa shop. Alam mo na. Baka maunahan pa ako" binigyan naman niya ako ng nakakalokong ngiti. 

"Osige ako na bahala." She said. Hindi na ako nagkaatubli pa, at agad na akong umalis para masundo si Rhian.

Pagkarating ko sa coffee shop, biglang nawala ang ngiti at saya ng mood ko. Paano ba naman kasi, biglang may sumulpot na tipaklong. Jusko! Inunahan pa ako ng loko. Kaya agad akong lumapit kung saan sila nakapwesto.

"Hi" bati ko sa kanila.

"G-glai." Sabi naman ni Rhian, halatang kinakabahan ito ng nakita niya ako. Tsk! Scared?

"Anong oras ka mag oout?" Tanong ko sa kanya,

"Actua-"

"Lalabas kami ni Rhian mamaya eh. Don't worry ihahatid ko siya sa inyo" Biglang sabat naman nung tipaklong.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko, kaya huwag kang sumabat! At ikaw naman Rhian, hindi pwede, sasama ka sa akin pag-uwi" iniinis talaga nila ako. Grabe nakakabwisit ah.

"Glaiza! Pumayag na ako na lalabas kami ngayon. Huwag kang mabahala, uuwi pa rin ako sa lungga mo! Tara na nga Jase! May malaking barado dito eh! " Agad kinuha ni Rhian at kamay ni Jason. 

Ngayon lang ako nagselos ng ganito. Ngayon lang uminit ang ulo ko dahil sa ganito. Lagot ka sa akin Rhian. Lagot ka sa akin pagdating mo!

Sa sobrang inis ko nagpalamig muna ako at hindi muna umuwi, tatambay muna ako dito.. Nag order na lang ako ng iced coffee and strawberry cake. Tamang tama at si Sally ang nagserve sa akin.

"Kanina pa ba yung Jason na yun dito?" Tanong ko kay Sally.

"Opo ma'am eh. Halos hinintay niya si Rhian kanina. Eh ito naman si Rhian, hindi maka-hindi, dahil nahihiya." So napilitan lang siyang sumama?

"Tsaka Ma'am. ANG BAGAL MO KASI!" 

"Hoy! Hindi ako mabagal nuh! Tsaka anong sinasabi mong mabagal?!" Takang tanong ko dito.

Come Back HomeWhere stories live. Discover now