CBH BOOK 2: Chapter 5

4.1K 161 61
                                    

GLAIZA'S POV

Nagising ako dahil sa amoy ng masarap na kape. Medyo masakit pa rin ang ulo ko, dahil nilaklak ko ba naman yung alak kagabi. Pagkatapos namin mag dinner ay dumiretso ako ako bar ni Kim, at dun ako uminom, buti na lang talaga wala doon si Kim, dahil for sure, dadakdakan lang ako nun.

Hindi pa rin kasi maalis sa isipan ko kung bakit takot si Rhian. Hindi ko alam ang kinakatakot niya? Ano ba yung hindi ko matatanggap? Ang gulo niya. Hindi ko siya maintindihan. Sumasakit ulo ko sa kanya.

Nagising ako na, nasa ibang kwarto ako, at hindi ko alam kung saan to. Wala na akong matandaan eh. Ang naalala ko lang ay naglasing ako. Tinignan ko kung may saplot pa ba ako, at laking gulat ko, meron naman, kaso iba na?

Asan ba ako?

Nilibot ng mata ko ang kwarto kung saan ako natulog pero wala akong idea kung asan ba ako, hanggang sa...

"Oh gising ka na pala. Nag hain na ako ng breakfast dun tsaka kape. Bilisan mo diyan, para makauwi ka na at makapag ayos ka na, dahil may klase pa tayo. Mabuti na lang at wala kang klase ng first period" laking gulat ko, bakit ako andito. Bakit ako andito kay Rhian? At kay Rhian pa talaga ah.

Hindi na niya ako hinayaan na sumagot dahil agad na rin siyang lumabas ng kwarto. Hinayaan ko na lang siya.

Hinanap ko na lang yung damit ko kahapon at sinuot ko yun bago ako lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko nakita ko siyang nakaupo sa dining at nag kakape.

"Upo ka, andiyan na yung coffee mo. Black coffee, and kumain ka na rin" sabi ni Rhian sa akin habang hawak hawaka ng phone niya,

"So, paano ako napadpad dito?" Tanong ko sa kanya, bago ako humigot ng kape ko.

"Well, you're drunk last night, at nagulat na lang ako ng pagkauwi ko, andito ka sa condominium. Ayaw naman kitang iuwing lasing nuh. Nakakahiya kila tito" she said. Ang tanga mo talaga Glaiza, bakit ka pumunta dito?

"May nagawa ba akong mali sayo? Or ano? And bakit iba na ang suot ko?" Tanong ko sa kanya.

"Don't worry wala ka namang nagawang mali eh, and don't worry ulit kasi pinalitan lang kita ng damit at wala ng iba" sabi naman niya sa akin at pinagpatuloy lang ang pag cecellphone niya,

"Ubusin ko lang tong kape, I'll go ahead. Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito. Pero sana tinawagan mo na lang kung sinong pwedeng matawagan sa phone ko. Besides, nakakahiya sayo" I said. Hindi ko rin kasi alam kung ano ba ang pumasok sa utak ko at napadpad ako dito, knowing na lasing ako ah.

"Hindi ka na ba kakain?" She asked.

"Di na, salamat na lang"

"Uhmmm. Glaiza, about last night. Dun sa restaurant..."

"Forget it. It doesn't matter anymore. Sige Rhian, di ko na mauubos to. I really have to go. Salamat" agad akong tumayo at hindi ko na hinintay pa na sumagot siya. Gusto ko ng makaalis dun kaagad. Hindi na ako makahinga. Damn!.

Iba talaga ang epekto sa akin ni Rhian. Nakakainis.

Naiwan ko pala yung kotse ko sa bar, kaya nag taxi na lang ako pauwi. Dahil sa medyo masakit na rin ang ulo ko, di na muna ako papasok this morning. Itutulog ko na lang pag uwi ko.

Pagdating ko sa bahay, nakita ko si dad na nasa kusina at nag kakape.

"Saan ka galing?" He asked.. Mukhang galit to. Ikaw ba naman ang hindi umuwi.

"Dad, nakitulog ako sa.... Sa katropa ko" palusot ko sa kanya. Sana lang talaga makalusot.

"Ok sabi mo eh.." Sagot ni Dad sa akin. At mukhang hindi naniniwala kaya hinayaan ko na lang.

Come Back HomeWhere stories live. Discover now