CBH: Chapter 12

4.1K 170 42
                                    

GLAIZA'S POV

Flashback

"Bitawan mo ko! Aba malay ko bang naglolo-" hindi na niya ako pinatapos na magsalita dahil agad niya akong hinatak at hinalikan ako..

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng babaeng to. Agad kong inilayo ang sarili ko sa kanya, dahil bigla akong nag-init.

"WHAT THE HELL?!" Bigla na lang akong napasigaw dahil sa inasal niya. Bakit ba kasi niya ako kailangan halikan? Aaminin kahit papaano nagustuhan ko., pero kasi galit ako sa kanya. Kaya huwag niya akong bigyan ng mga ganyang galawan.

"HAHAHAHA! You're so cute.. It just a friendly kiss Glaiza." What? FRIENDLY KISS? SA LABI TALAGA?

"Ganyan ba lahat ng friendly kiss mo? Sa labi mo hinahalikan? Ha! Patawa! Alam mo ikaw, umalis ka na. Aalis na rin ako." Narinig ko lang siyang tumawa. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Baliw talaga ang babaeng to.. Uminom muna ako ng tubig bago ako lumabas sa unit ni Chynna. Nasa likod ko lang pla si Rhian.

"Glaiza, sorry na" she said.

"Ok" tipid na sagot ko sa kanya. Nawala na talaga ang mood ko. I like the thing that she's here, pero may part sa akin na ayoko.

Sa hindi ko inaasahan, bigla siyang nag back hug sa akin.

"Please Glaiza, forgive me. I didn't mean it. Bigla na lang akong hinalikan ni Jason at nagulat ako kaya hindi ako nakareact. Alam ko naman na naiinis ka kasi fiancee kita, kahit na palabas lang lahat. Kaya Glaiza sorry na. Uwi ka na sa bahay." Napapikit na lang ako sa mga sinabi niya. Huminga ng malalim para mawala ang bigat ng loob.

"Ok fine. Sige na. Ok na tayo ok?" I said.

"Talaga?" Para siyang bata kung magtanong.

"Oo nga. Sige na kain na natin tong niluto mo. Siguraduhin mo lang na tama ang lasa nito" pagbibiro ko sa kanya. Wala lang gusto ko lang siyang asarin. Hahaha.

Medyo gumaan na din ang loob ko. Kahit papaano ok na kami ni Rhian. Nakakatampo lang kasi talaga. Pero hayaan na tapos na yun eh.

"Nga pala. Next week may outing kaming mga teachers dun sa university na pinagtuturuan ko dati. And I want you to come. Maybe tag Sally with you or kahit sinong gusto mo." I said.

"Sige, I'll call Sally and..." Hindi natuloy yung karugtong ng sasabihin niya dahil may biglang tumawag sa kanya.

"Hello Jase?" Hays! Kababati lang, may tipaklong nanaman.

"Uhmmm. I can't I'm with Glaiza kasi eh. Sorry. Maybe next time ok? Bye" she's with me raw. Tse! Pero sa inner side ko, kinikilig ako. Siguro niyayaya nung tipaklong na yun si Rhian, pero hindi pumayag si Rhian, because she's with me. Mwehehehehe.

"Oh bakit siya napatawag? Sana sumama ka na lang"

"Seryoso Glaiza? Paano ako sasama sa kanya, eh gusto kitang kasama!" What did she said? Gusto niya ako makasama?

"Wh-whatever" taray mode muna ako.

"Hays! Kababati lang, iba nanaman ang angas mo! Basta kahit san ka magpunta, sasama ako! Hindi muna ako papasok sa coffee shop. Gusto kong makabawi sayo"

"You don't have to. Marami akong aasikasuhin sa office, marami rin akong meetings today, mababagot ka lang"

"Pero pleasee.." Para talaga tong bata. Ano bang meron sa kanya ngayon? Ok na nga kami eh.

"Rhian, drop it ok. After ko sa work lalabas na lang tayo. Basta huwag ka na lang sumama" pagkukumbinsi ko sa kanya. At mukhang ayos lang sa kanya.

Come Back HomeWhere stories live. Discover now