CBH: Chapter 21

3.7K 159 53
                                    

GLAIZA'S POV

Flashback

Tatlong Linggo na rin simula ng niyaya kong magpakasal si Rhian sa akin. Ang weird nga niya eh, minsan ang sweet niya, minsan ang sungit niya, ang cute lang. Para talaga siyang bata kung umasta. Meron pa rin yung times na nagtatalo talaga kami, hindi yun nawawala.

Nagdecide kami na bago namin ayusin yung kasal mag bakasyon muna kaming dalawa sa Boracay, well yun ang gusto niya, kaya sinunod ko na lang. Ganyan ko kamahal ang future misis ko.

"Glai." Tawag sa akin ni Rhian, nasa kama pa ako at nakasandal sa may kama at nagbabasa ng mga emails ko.

"Yes?" Tanong ko sa kanya, pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa laptop ko.

"Swimming tayo" she said.

"Pwedeng mamaya na lang Rhi, one pa lang ng tanghali ang init init" sabi ko sa kanya, medyo mainit kasi sa labas, kaya balak ko sanang mag swimming kapag hindi na masyadong mainit.

"Sige na!" Pagpupumilit niya.

"Rhian, mamaya na lang ok? Pero dahil mainit. Mag shake and halo-halo na lang tayo. Balita ko masarap daw pagkain dito sa resort na to eh" suggest ko sa kanya, ayoko pa kasing mag swimming masyadong mainit.

"Hays.. Sige na nga. Buti na lang at gutom ako, di ko kasi trip yung kinain natin kaninang lunch" buti naman at pumayag din siya. Tsaka nag cracrave ako ng shake eh..

"Let's go"

Agad naman kaming bumaba at nag order ng halo-halo and shake, tutal hindi ako gutom kaya nagshake na lang ako, at si Rhian naman, naghalo-halo.

"Oo nga ang sarap nung halo-halo nila" sabi ni Rhian sa akin. Parang gusto ko tuloy tikman,.

"Patikim nga" sabi ko sa kanya, pero agad niyang nilayo yung halo-halo.

"Ayoko, mag order ka na lang ng sayo" she said. Ang damot naman.

"Tikman ko lang, di naman ako gutom eh." Pagpupumilit ko sa kanya, pero ayaw talaga.

"Ayoko pa rin. Hmft"

"Damot. Sige huwag na, meron naman tong shake, masarap naman" sabi ko sa kanya. Pinakita ko na nag eenjoy ako sa shake na iniinom ko.

"Glaiza.." Tawag niya sa akin. Tumingin lang ako sa kanya.

"Painom naman niyang shake mo" tignan mo tapos ngayon siya ang hihingi. Ayoko nga.

"Ayoko. Bleh!" Binelatan ko lang siya, wala lang trip ko siyang asarin, ayaw niya akong bigyan ng halo-halo niya kanina eh.

"Pleaseeeee." Hays matitiis ko ba siya.

"O tikim lang ah" sabi ko sa kanya. Inabot ko naman sa kanya yung shake ko. Nahalata ko naman na nasarapan siya, at mukhang may balak atang ubusin yung shake ko.

"Uy akin na yan" sabi ko sa kanya, pero ayaw ibigay sa akin. Kaloka.

"Ayoko. Akin na lang to" grabe naman siya.

"Ok sige, sayo na lang yan. Sarap?" Tanong ko sa kanya.

"Yup. Thank you!" Agad naman siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi, kahit ang sungit niya, ang sweet pa rin niya. Kaya mas lalo akong naiinlove eh.

"Anything for you love. I love you"

"And I love you too. Basta lagi mong tatandaan yun ah" ito nanaman siya, everytime na sinasabihan ko siya ng I love you or mahal kita, lagi niyang sinasabi yung word na 'basta lagi mong tatandaan yun ah' well ayoko naman na mag isip ng kung ano-ano, basta ang alam ko, mahal ako ni Rhian at mahal ko rin siya.

Come Back HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon