CBH: Chapter 8

4.6K 177 41
                                    

GLAIZA'S POV

Flashback..

Its been a week simula ng nagpropose ako kay Rhian. Habang tumatagal, mas lalo kaming nalalapit sa isa't isa, pero hindi pa rin nawawala ang pagtatalo namin. Isang linggo na rin simula ng pinalitan ko si dad as the CEO sa company namin. So far so good, dahil naayos ko naman at nagagawa ko ng maganda ng trabaho ko at kahit papaano ginagabayan ako ni Al at ni Dad.

Pauwi na ako ng bahay ng naalala kong kailangan kong bumili ng kwek-kwek, dahil pinapabili ako ni Rhian. Gustuhin ko man tumanggi kaso wala akong magawa. Feeling ko tuloy naging under ako.

Paminsan minsan sinusundo ko si Rhian sa coffee shop dahil kailangan namin magpa good shot sa parents namin, at masasabi ko namang effective.

"Oh hija, mukhang napapadalas ang punta mo dito ah. Kamusta ka naman Glaiza?" Tanong sa akin ni Mang Ben.

Si Mang Ben ay isang tindero ng kwek kwen dito sa plaza. Gustong gusto kasi ni Rhian ang kwek kwek nila dito, kaya madalas akong bumibili sa kanya,

"Oho eh" sagot ko.

"Hulaan ko. Pinabibili nanaman sayo ni Ms.Rhian ba yun?" Tanong niya habang inaayos yung pinamili ko.

"Opo, pinabili niya po kasi ako dito."

"Alam mo. Bagay kayo!" Biglang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit mo naman nasabi Mang Ben?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito ng nakakaloko at inabot sa akin ang pinamili ko.

"Alam mo kung bakit? Simple lang. Yang mga mata mo. Nakikita ko sa mga mata niyo ang pagmamahal niyo sa isa't isa. Nararamdaman ko yun, at bagay talaga kayo" sabi ni Mang Ben sa akin.

"Mang Ben naman, nagjojoke ka ba? Patawa! Hahaha" sagot ko sa kanya. Oo aaminin ko baka malapit na nga, baka malapit na. Kaso hindi pa ako sigurado, at sana hindi ko nga siya gusto, dahil sa bandang huli ako pa rin ang masasaktan.

"Hindi ako nagbibiro Glaiza. Siguro sa ngayon ayaw mo pang tanggapin yang tunay mong nararamdaman, pero pagdating ng panahon, marerealize mo na mahal mo na talaga si Rhian. Alam ko, natatakot ka lang, pero maniwala ka, kaya mo yan" sabi sa akin ni Mang Ben. Hayss. Kaloka naman.

"Osige Mang Ben. Magkano po ba lahat?" Tanong ko sa kanya, para maiba naman yung usapan at makaalis na ako.

"Bale 50 piraso, so 250 lahat. Pero dahil suki ko kayo. 230 na lang" bait naman kuya Ben nakakatouch.

"Hindi na kuya, ito 500. Sayo na yung sukli! At huwag mo ng ibalik sa akin. Sayo na yan. Sige manong Ben. Una na ako" sabi ko sa kanya.

"Salamat Glaiza, mag iingat ka ah. Pakikamusta mo na lang ako kay Ms.Rhian!" Sabi nito sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot ko sa sinabi niya.

Pagkarating ko ng bahay nadatnan kong nasa dining table sila Alchris at Rhian. Mukhang nagkakasayahan ata sila na wala ako ah.

"Uy tol! Andito ka na pala. Alam mo ba tong future hipag ko, ang galing magjoke! Havey!" Masayang sabi ni Alchris sa akin. Hindi ko na lang pinansin at hinalikan ko na lang ito sa ulo niya.

"Oh, ito kwek kwek mo." Sabay about kay Rhian ng supot na ang laman ay walang iba kundi, KWEK KWEK.

"Wow! Thanks Glai!" She said. Hindi ako sumagot dahil pagod din ako.

"Tol mukhang pagod ka ah." Sabi sa akin ni Alchris habang nakikikain din ng kwek kwek kasama si Rhian.

"Oo tol, dami kasing meetings eh. Osiya, una na ako sa taas, pagod talaga ako." Paalam ko sa kanila. Iniwan ko na lang sila dun na kumakain ng kwek kwek.

Come Back HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon