CBH: Chapter 9

4.4K 190 30
                                    

GLAIZA'S POV

Flashback

"I'm Glaiza. Rhian's FIANCEE" masama ang tingin sa akin ni Rhian ngayon dahil sa sinabi ko. Tsaka totoo naman eh, she's my fiancee. 

"Are you on high?" Tanong sa akin ng tipaklong na yun

"No I don't. Tanungin mo kaya siya. Or look at her hand. Para malaman mong totoo ang sinasabi ko" tinignan naman niya ang kamay ni Rhian na may engagement ring na nakasuot.

"So it is true Rhian? Don't tell me bumabawi ka sa akin, because of what I have done before. Babe, please don't do this to me, to yourself" he said. Ano ba ako kasumpasumpa?

"Jase, bigl-" hindi ko na pinatapos si Rhian sa pagsasalita niya ng bigla akong sumingit sa usapan.,

"Biglaan lang kasi eh, at hindi naman namin akalain na maiinlove kami sa isa'isa. Besides, kahit wala siyang singsing, she's still my fiancee." I said to Jason. Halatang naiinsulto to sa mga sinabi ko. Tsk! Womanizer! 

"Glaiza, enough!" Pagpigil sa akin ni Arci. Nakalimutan ko, kasama ko pala si Arci ngayon, nakakahiya,

"Jason, alis ka muna ah. Mag-uusap muna kami ni Glaiza" sabi ni Rhian dun sa tipaklong na yun.

"Pero Rhian. I'm trying to win you back" he said.

"Wala ka ng babalikan, she's my fiancee now, at anytime soon ikakasal na kami. Rhian let's go. Arci, Im sorry. Tawagan na lang kita ok?" Hindi ko na sila hinintay na sumagot, dahil agad kong pinunta si Rhian sa office niya.

"What the hell Glaiza?!" Sigaw nito sa akin. Wow. Siya pa yung magagalit, I just save her ass... Again.

"Rhian, pwede ba, hinaan mo boses mo? May mga customers sa labas oh!" 

"Ok fine! Tell me what you did!" She said. 

"First. Bakit mo kasama yung lalaking yun na halos isumpa mo yung tipak- yung lalaking yun dahil sa pangbabae niya. Tapos ano? Kasama mo siya ngayon. Gosh Rhian, paano kung lokohin ka ulit? Paano kung saktan ka niya ulit? Di ka nag iisip!" I said.

"Tama ka. Hindi nga ako nag iisip. Hindi ako nag-isip na pakasalanan ka! Hindi ako nag isip na pumayag ako sa gusto mo. Ang tanga ko diba?! Para ka lang din si Jason eh. Pareho kayong mang gagamit! You just used me para sa ikabubuti niyo!" 

"Rhian, that's not what I meant" 

"I know. Don't explain yourself. Wala na rin naman na akong kawala sayo eh.. Don't worry, wala na akong balak na balikan pa si Jason, even if I stil love him.." Hindi na niya ako pinagsalita, agad na itong lumabas sa office niya.

"I still love him.."

"I still love him.."

"I still love him.."

"I still love him.."

Pakshet naman oh! Bakit ang sakit. Kaasar. Gusto ko na talaga siya. Hindi ko gusto na nakikita siyang may kasamang iba. Kaasar naman tong set up na to! Nadala ako! 

Pagkaalis ni Rhian, agad din akong lumabas sa office niya at hinanap siya, pero wala na si Rhian, umalis na raw.

Nakita ko si Arci na andun pa rin sa inuupuan namin kanina, kaya lumapit na lang ako sa kanya.

"Hey, I'm sorry nga pala sa nangyari kanina" I said,

"It's ok. Pero sana Glai, sinabi mo na sana sa akin kanina na engaged ka na pala. Kasi nasaktan din ako eh. Pero ayos lang. I understand. May nakita ako sa mga mata mo na alam ko ang ibig sabihin. Nakita ko ang selos ng makita mo yung lalaking kasama ni Rhian, kasi ganyan din ang mga mata ko kapag nakikita kitang kasama si Rhian. Glaiza, kaya din ako nakipagkita sayo, dahil aalis na ako. Babalik na ako ng Italy.. At sana sa kasal niyo, imbitahan mo ko ah. Hahaha" hindi ko alam ang sasabihin ko sa mga sinabi niya..

Come Back HomeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin