CBH BOOK 2: Chapter 7

4.7K 186 72
                                    

GLAIZA'S POV


Nasa Mall na kami nila Sanya, TJ at Rhian. Hindi ko alam kung ano ba ang pwedeng mangyari sa aming apat ngayon. Pero bahala na talaga.

Ang sakit lang ng nakikita ko. Itong Rhian na to, grabe kung makahawak kay TJ parang mawawala naman. Tsk.

"So Glaiza, ano ang una nating bibilhin?" Biglang tanong sa akin ni Rhian.

"Pintura. Gamit sa pang papaint. TJ sa mga pintura ka. Rhian sa brush ka kasama mo si Sanya, at ako maghahanap pa ng pwedeng magamit." Sabi ko sa kanila.

"Anong kulay ng pintura ang kukunin ko Glaiza?" Tanong sa akin ni TJ.

"Red, black, yellow, red, blue and white." Sabi ko sa kanya.

"Ang dami ah. Sige una muna ako. Magkita na lang tayo dito" tumango na lang ako sa sinabi ni TJ.

Sumunod na rin yung dalawa naghanap na rin sila ng paint brush na pwedeng gamitin.

Ako naman nag tingin tingin ng pwedeng magamit.. At nakahanap naman ako ng gloves, drop cloth at paint tray.

Nasigurado ko na ok na lahat, bumalik na ako sa meeting place namin, at ako na lang pala ang hinihintay.

"Ang tagal mo naman!" Sabi ni Sanya sa akin.

"Sorry. Hahahaa. Sige na magbayad na tayo" sabi ko sa kanila.

Napansin ko na medyo tahimik si Rhian, pero hinayaan ko na lang..

Agad na kaming pumunta sa counter para magbayad na.

"TJ pakipunta nga yung mga gamit sa car ko, ito yung susi eh" utos ko kay Tj, dahil tutal siya naman ang lalaki, kaya siya ang magbuhat ng mabibigat na gamit. Buti na lang at masunurin siya.

Good dog!

"TJ samahan na kita!" Pagyaya ni Rhian sa kanya,.

"Hindi na. KAYA KO NA Gi- I mean kaya ko na to Rhi. Don't worry" sagot naman niya kay Rhian. Kaya hinayaan na lang niya.

"So anong next na bibilhin?" Tanong ni Sanya.

"Mga tela ganun. Tapos uhmmm. Mga materials like glue, metalic foil, cartolina etc" sagot ko sa kanya.

"Sige akin na yung list, at ako na bibili ng materials na iba. Tapos you and Rhian sa tela na. Wait ko na lang dito si Tj para samahan niya ako. Sige na Glaiza, punta na kayo" sabi ni Sanya sa akin.

Alam ko ang ginagawa nito eh. Tsk. Kaasar naman tong si Sanya, grabe alam naman niyang hindi kami ganun ka ok ni Rhian tapos igaganito niya. Hays. Nananadya talaga tong babaeng to eh,.

"Ok sige kami na ang bahala" sabi naman ni Rhian. Kaya wala na akong nagawa at sumunod na lang ako.

"So anong kulay ba ng tela ang kailangan natin?" Tanong ni Rhian ng makalayo na kami kay Sanya.

"Black, white and blue lang actually" sagot ko sa kanya.

"Ahh ok. Sige tara na para mabilis tayong matapos" sabi naman niya.

Come Back HomeWhere stories live. Discover now