CBH: Chapter 13

4.6K 173 60
                                    

GLAIZA'S POV

Flashback

"So paano ka maging isang kaibigan?" Tanong sa akin ni Rhian habang kumakain kami ng niluto niya.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.

"Well, I don't know. Kung ano ang nakikita at napapansin mo sa akin. Ganun ako." Sabi ko sa kanya.

"Edi sa lahat ng kaibigan mo, masungit ka tsaka snob?" Napataas naman ako ng kilay sa mga sinabi niya.

"Ganyan ba ang tingin mo sa akin?" I ask her..

"Hmmm. Maybe.. Yun kasi ang nakikita ko eh. But the thing is meron din namang positive. Marunong kang mag-alaga, kahit papaano nagcacare ka, at nakita ko yun nung nagmakaawa ka sa akin na pakasalan kita because you love your brother so much. So nakikita ko na talaga kahit paano marunong kang magmahal" napatulala na lang ako sa sinabi niya at ngumiti na lang ako.

Pinagpatuloy namin ang pagkain namin. Tahimik kami. Walang imikan hanggang sa biglang nagvibrate ang phone ko, at si Chynna yun.

From: Chynna

Dating gawi and place. Dun sa Tagpuan, isama mo na rin si Rhian. For sure mag-eenjoy yun.

To: Chynna

Ok, see you at 9

Reply ko sa kanya.

"Nagtext pala si Chynna, niyaya tayo" I said.

"Saan?" 

"Basta mag eenjoy ka dun for sure!" 

"Oy Glaiza! Ayokong mag bar ngayon ah!" Pagrereklamo nito sa akin.

"Hindi tayo pupunta sa bar shunga. Dun tayo sa Tagpuan" sabi ko sa kanya. Isa ang Tagpuan sa mga pinupuntahan namin ni Chynna kapag stress kami at gusto naming maglabas ng sama ng loob, at ngayon lang ulit kami makakapunta.

"Tagpuan? Saan yun?"

"Basta. Sige kumain na lang tayo"

"K" kahit kailan talaga to ang bilis mapikon.

"Hmm. Glaiza. Tanong ko nga lang, gaano mo na katagal na kaibigan si Chynna?" Tanong niya sa akin.

"Since high school. Pareho kami ng university na pinasukan. Para ko na nga siyang kapatid eh. And she's my bestfriend." I said.

"Buti at natiis niya ugali mo nuh?" Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya. Bakit ganun na ba ako kalala? Kasungit?

"Whatever" sabi ko kaasar eh. Kapag ako ang bumawi sa pang asar baka mag kasaguatn pa kami rito. 

Natapos kaming kumain agad na kaming pumunta sa Tagpuan at nakita namin si Chynna na hinihintay kami sa labas.

"Kayong maglovers ang tagal niyo naman!" Reklamo ni Chynna sa amin.

"Pasensya na dumaan pa kasi kami kay Mang Ben, bumili nanaman kasi ng kwek kwek tong si Rhian eh." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Kinulit kasi ako ni Rhian na kung pwede raw daan muna kami kay Mang Ben dahil gusto niya raw kumain ng kwek kwek. Wala na akong nagawa at pinagbigyan ko na lang.

"Ahhh. Ok sige. Tara na. Nga pla Rhian, welcome sa TAGPUAN" sabi ni Chynna kay Rhian.

"Ano bang meron dito?" Tanong ni Rhian kay Chynna.

"Ahh. Ok ganito yun. Dito sa Tagpuan, makakaramdam ka ng bigat, sakit at lungkot. Hindi to masayang lugar, dahil maaring umiyak ka sa mga salitang maririnig mo" Ang weird naman ng babaeng to, hindi pa lang sinabi kung ano ba talaga ang meron sa Tagpuan.

Come Back HomeWhere stories live. Discover now