CBH: Chapter 22

3.7K 159 17
                                    

GLAIZA'S POV

~Flashback~

Ilang araw na lang ay ikakasal na kami ni Rhian, pagkatapos namin magbakasyon sa Boracay inasikaso na namin ang para sa kasal namin. Naging maganda at masaya naman yung prepapration namin, walang naging problema, naging mabilis lang ang lahat. 

"Hindi na ako makapaghintay sa araw ng kasal natin Glaiza" naks naman, sweet naman ng fiancee ko.

"Ako rin, ilang tulog na lang. Magiging Mrs.De Castro ka na. Bagay na bagay sayo" sabi ko sa kanya. Napangiti lang siya at niyakap lang ako ng mahigpit na mahigpit.

"Hmmm. Halata na hindi mo ko miss ah" pagbibiro ko sa kanya. Grabe naman kasing makayakap, halos ilang oras lang kaming hindi nagkita.

"Eh namiss kita eh. Anong magagawa ko. Paamoy nga!" Weird talaga ng babaeng to. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya, wala naman akong magagawa eh. Yun ang gusto ng prinsesa edi go.

"Ok fine. Hahaha. Tara ice cream tayo you want?" Tanong ko sa kanya habang inaamoy amoy pa rin ako. 

"Sige. But I want vanilla" she said. Tumango na lang ako at pumunta kami sa pinakamalapit na ice cream parlor. At ayun ang saya saya niya. Ang cute lang

"Ok sige. Tara na" pagyaya ko sa kanya.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa ice cream parlor na malapit sa shop. Syempre ako na ang nag order, ayoko naman mapagod ang prinsesa ko. Kahiya naman. 

"Oh vanilla mo." Abot ko sa kanya ng bumalik ako sa table namin. Nag strawberry ice cream lang ako.. 

"Thank you!" Sabi naman niya sa akin. Agad naman niyang inupakan yung vanilla niya. Pero ang cute niya lang tignan. 

Hindi ko namalayan na ubos na pala niya yung ice cream niya. Ang bilis ah.

"Glai?" 

"Hmmm"

"Akin na lang yan." Sabay nguso sa ice cream ko.

"Ubos mo na nga yung sayo Rhi. Bakit gusto mo pa ba? Gusto mo orderan pa kita?" Tanong ko sa kanya.

"Ayoko. Gusto ko yung sayo mismo" she said. What??? Ayaw niyang orderan ko siya ng another ice cream pero gusto niya yung akin. Problema ba nito?

"Orderan na lang kita ng bago. Matutunaw na to oh" pagrarason ko sa kanya.

"Kahit na, sige na" mukhang mapilit, so wala na akong magagawa.

"Hays. Pasalamat ka mahal kita. Oh ito. Enjoy" agad ko naman inabot sa kanya yung ice cream ko. Tuwang tuwa naman ang loka. Hahaha.

"Sarap?" Tanong ko sa kanya. Tsaka halata naman eh.

"Oo galing sayo eh. Thank you!" She said..

"Anything for you."
---

"Tsong, talagang tuloy na yang kasal niyo ni Rhian ah. Matatali ka na rin sa wakas!" Sabi ni Chynna sa akin. Andito ako sa condo niya ngayon, after kasi naming mag ice cream ni Rhian, hinatid ko lang siya sa shop then dumiretso ako rito.

"Oo naman. Mahal ko yung tao eh." Sabi ko sa kanya.

"Pero tsong kung magbago isip mo. Text mo langa ko. Sasaklolohan kita. Hahahaa" agad ko naman tong binato ng unan, jusko, hindi ko kaya nuh. Mahal ko si Rhian.

"Joke lang Glaiza! Ito talaga hindi mabiro. Hahaha. Alam ko naman na hindi mo yun gagawin 
eh, suportado kita jan bff!" 

"Aba dapat lang dahil masasapak talaga kita Chynna sinabi ko sayo."

Come Back HomeWhere stories live. Discover now