CBH: Chapter 19

4.2K 169 19
                                    

GLAIZA'S POV

Flashback

"Nga pala Glaiza, may reunion kami ng mga kabatch namin ni Bianca. Ipapaalam ko lang sayo." 

"Ok.. Saan ba?" Tanong ko.

"Hindi ko alam, basta ang sabi ni Bianca, sa isang resort daw." She said.

"Ahh, ok. Ano saan mo gustong mag dinner?" Tanong ko sa kanya, iuuwi na sana kami pero biglang nagutom ang bata, kaya ayun pinagbigyan ko na.

"JOLLIBEE!" Jusko! Fast food, hindi ako mahilig sa fast food eh.

"Jollibee talaga, pwede sa karinderya na lang o kaya kay Mang Ben na lang tayo" suggest ko sa kanya.

"A Y O K O. I want jollibee!" Pagdemand nito sa akin. Haizt, ano ba ang nakain ng babaeng to, pasalamat siya mahal ko siya eh.

"Ok, kung yun ang gusto. So sa Jollibee tayo" napangiti naman siya sa sinabi ko, grabe naman talaga, parang bata oh. 

Ilang sandali lang ay nakarating na nga kami sa Jollibee, hinahayaan ko na lang na siya ang mag order para sa amin dalawa, tutal siya naman ang nakaisip.

Medyo mahaba ang pila kaya sa tingin ko matatagalan pa siya.

"Glaiza is that you?" Anong ginagawa niya rito? Tagal na din ng hindi kami nagkita.

"Gabbi!" Tumayo ako agad at niyakap ko siya ng mahigpit. Namiss ko tong babaeng to.

"Wow! Hindi ko akalain na ang isang Glaiza De Castro, kakain sa ganito. Wow ah! Hahaha! Nakakabilib!" 

"Wala eh. Girlfriend duty eh" I said,

"So naging kayo pa rin ni Sanya?" Tanong nito sa akin.

"No, no no.." Pagtanggi ko sa kanya.

"Hindi naging kami. Baka nakalimutan mo na pinaasa niya lang ako before" 

"Glaiza, minahal ka nung tao, maniwala ka sa akin. I know" sabi niya sa akin.

"Well it doesn't matter anymore, nakausap na kami ni Sanya about diyan at alam naman niya na may iba na akong mahal" sabi ko sa kanya,

"Hahaha. Akalain mo yun, may alam ka rin palang kilig sa katawan" 

"Oo nga eh. Hahaha" biglang naputol ang pag-uusap namin ng biglang inilapag ni Rhian yung mga pagkain sa lamesa.

"Oh. Btw, Gabbi, this is Rhian, my girlfriend and Rhian this is Gabby, college friend namin" pakilala ko sa kanila.

"Well nice to meet you Rhian" sabi ni Gabbi sabay abot ng kamay niya, pero hindi to tinaggap ni Rhian.

"Nice to meet you too" sagot ni Rhian sa kanya. Ang weird niya ngayon ah.

"Well Glaiza, I have to go. May usapan pa kasi kami ni Ruru. Do you remember him?"

"Oo naman. Hahaha. Sige ingat ka ah. Ikamusta mo na lang ako sa kanila" sabi ko.

"Sige, sasabihin ko, lalong lalo na kay Kylie. Hahaha" the f? Don't tell me hanggang ngayon crush pa rin ako ni Kylie, huwag naman sana. At sana hindi yun narinig ni Rhian.

Umalis na si Gabbi at kami na lang ni Rhian ang natira.

"Asan yung akin?" Tanong ko kay Rhian, habang sarap na sarap sa pagkain niya.

"Bakit hindi ba kayo nagshare nung Gabbi na yun?" What? Bakit naman kami magsshare.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Iritadong tanong ko sa kanya.

Come Back HomeWhere stories live. Discover now